Autocontrole
O autocontrole é fruto do Espírito e virtude indispensável. A graça de Deus nos ensina a renunciar à impiedade e a viver com sobriedade, domínio próprio e piedade no mundo presente.
Fruto e virtude
O domínio próprio é fruto do Espírito. Acrescentai ao conhecimento o autocontrole. A disciplina interior produz maturidade.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya nʼyo ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili, ang pagtitiis; sa pagtitiis, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo, ang pag-ibig sa lahat.
Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Dinidisiplina ko ang aking katawan at sinusupil ko ang masasamang pagnanasa nito, dahil baka pagkatapos kong ipangaral ang Magandang Balita sa iba ay ako pa ang hindi makatanggap ng gantimpala mula sa Diyos.
Ang bawat manlalaro ay nagsasanay nang mabuti at dinidisiplina ang sarili para makamit ang gantimpala. Ginagawa niya ito para sa gantimpalang hindi nagtatagal. Ngunit ang gantimpalang hinahangad natin ay magtatagal magpakailanman.
Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Diyos na hindi niya tayo pababayaang subukin nang higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan upang mapagtagumpayan ninyo ito.
Dominar a si mesmo
Melhor é quem domina o seu espírito do que quem toma uma cidade. A cidade sem muros é quem não tem autocontrole.
Higit na mabuti ang taong mapagpasensya
kaysa sa taong makapangyarihan.
Higit na mabuti ang taong
nakakapagpigil sa sarili
kaysa sa taong nakakasakop
ng isang lungsod.
Ang taong walang pagpipigil sa sarili
ay tulad ng isang bayan
na nasira ang pader.
Ang taong hangal
ay hindi makapagpigil sa kanyang galit,
ngunit ang taong marunong
ay nakapagpipigil ng kanyang sarili.
Mamuhay ka sa katuwiran
at layuan mo ang kasamaan.
Ang hangal ay madaling magalit,
ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin
ang pang-iinsulto sa kanya.
Ang salita ng tao
ay makapagliligtas ng buhay
o kaya ay nakamamatay.
Kaya mag-ingat sa pagsasalita
sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.
Pagdinig at Paggawa
Tandaan ninyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa ang lahat sa pakikinig, maging mahinahon sa pananalita, at huwag agad magagalit.
Sapagkat ang kalaban natin ay hindi mga tao kundi mga masamang espiritu sa kalangitan – mga pinuno, may kapangyarihan at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa mundong ito.
Kaya nga, huwag tayong maging katulad ng iba na natutulog, kundi maging handa at mapagpigil sa sarili.
"Ipinangako ko sa aking sarili
na hinding-hindi ako titingin
nang may pagnanasa sa isang dalaga.
Mag-ingat kayo upang hindi mawala ang aming pinaghirapan; sa halip ay matanggap ninyo ang buong gantimpala.