Publicidade

Bem

Por Bíblia Online

Fazer o bem é mandamento de Deus e expressão prática do amor cristão. A Bíblia convida a praticar o bem a todos, com alegria, sem se cansar — porque colheremos no tempo próprio.

Lumayo kayo sa masama

at gawin ninyo ang mabuti.

Pagsikapan ninyong kamtin

ang kapayapaan.

Magtiwala ka sa Panginoon

at gumawa ng mabuti.

Sa gayon ay mananahan ka

nang ligtas sa lupaing ito.

Ngunit naniniwala ako na mararanasan ko ang kabutihan nʼyo, Panginoon,

habang akoʼy nabubuhay dito sa mundo.

Panginoon, alalahanin po ninyo ang inyong dakilang pag-ibig at kabutihan,

na inyong ipinakita mula pa noong una.

Alalahanin ninyo ako Panginoon,

ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig,

huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko

mula pa noong aking pagkabata.

Panginoon, matuwid kayo

sa lahat ng inyong pamamaraan,

at matapat sa lahat ng inyong ginagawa.

Sa gayoʼy mauunawaan mo

kung ano ang tama at mali,

kung alin ang makatarungan,

at masusunod mo ang daang mabuti

para sa iyo.

Ang gusto natin sa isang tao

ay matapat.

Mas mabuti pang maging mahirap

kaysa maging sinungaling.

Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

Kaya nga sa tuwing may pagkakataon, gumawa tayo ng kabutihan sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

Huwag kayong magsasalita ng masama kundi iyong makabubuti at angkop sa sitwasyon para maging kapaki-pakinabang sa nakakarinig.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Ipakita sa Gawa ang Pagmamahal sa Kapwa

Magmahalan kayo nang tunay. Iwasan ninyo ang masama at laging gawin ang mabuti.

Huwag kayong padadaig sa kasamaan, sa halip talunin ninyo ang kasamaan sa pamamagitan ng paggawa ng kabutihan.

Ang Kalayaan ng Mananampalataya

May nagsabi, "Maaari nating gawin ang kahit ano," ngunit hindi lahat ay nakakatulong. "Maaari nating gawin ang kahit ano," ngunit hindi lahat ay nakakabuti.

Huwag kayong palilinlang, sapagkat "Ang masasamang kasamaʼy nakakasira ng mabuting ugali."

At káyang ibigay ng Diyos sa inyo ang kanyang nag-uumapaw na biyaya nang higit pa sa inyong pangangailangan, para sa lahat ng panahon ay maging sapat kayo sa lahat ng bagay, at nag-uumapaw rin ang inyong mabubuting gawa.

Nais ko ring ang mga babae ay maging maayos sa pananamit nila, marangal at nararapat, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. Sa halip, ang dapat makita sa kanila ay mabubuting gawa, sapagkat ito ang nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Diyos.

Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at linisin tayo upang maging bayang pag-aari niya na masigasig sa paggawa ng mabuti.

Dahil dito, pagsikapan ninyong maidagdag sa pananampalataya nʼyo ang kabutihang-asal; sa kabutihang-asal, ang kaalaman; sa kaalaman, ang pagpipigil sa sarili; sa pagpipigil sa sarili, ang pagtitiis; sa pagtitiis, ang kabanalan; sa kabanalan, ang pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo; at sa pag-ibig sa mga kapatid kay Kristo, ang pag-ibig sa lahat.

Sino ang mananakit sa inyo kung masigasig kayong gumagawa ng mabuti?

Ito pa ang sinabi ng Panginoon:

"Tumayo kayo sa mga kanto at magmasid kayo nang mabuti.

Magtanong kayo kung alin ang dati

at mabuting daan, at doon kayo dumaan.

At makakamtan ninyo ang kapayapaan.

Ngunit sinabi ninyo, Hindi kami dadaan doon.

Ang Panginoon ay mabuti;

matibay siyang kanlungan

sa oras ng kagipitan,

at inaalagaan niya ang nananalig sa kanya.

Walang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay tatakpan ito ng takalan. Sa halip, inilalagay ang ilaw sa patungan para magbigay-liwanag sa lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, pagliwanagin ninyo ang inyong ilaw upang makita ito ng lahat. Sa gayon, masaksihan nila ang inyong mga mabubuting gawa at luluwalhatiin nila ang inyong Amang nasa langit.

Maging maawain kayo tulad ng inyong Amang maawain.

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_23-13-58-