Publicidade

O que é bom

Por Bíblia Online

O que é bom vem de Deus. A Bíblia celebra a bondade divina e nos convida a discernir, praticar e desfrutar tudo o que é bom — porque toda boa dádiva vem do Pai das luzes.

Pinagmasdan ng Diyos ang lahat niyang nilikha at lubos siyang nasiyahan. Lumipas ang gabi at dumating ang umaga. Iyon ang ikaanim na araw.

Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,

kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan

ang mga makasalanan.

Ngunit ako, minabuti kong

maging malapit sa Diyos.

Kayo, O Makapangyarihang Panginoon,

ang pinili kong kanlungan,

upang maihayag ko ang lahat

ng inyong mga ginawa.

Kataas-taasang Diyos na Panginoon namin,

napakasarap magpasalamat

at umawit ng papuri sa inyo.

Napakasarap ipahayag

ang inyong pag-ibig at katapatan,

araw at gabi,

habang tumutugtog ng mga instrumentong

may kuwerdas.

Dahil mabuti ang Panginoon;

ang pag-ibig niyaʼy walang hanggan,

at ang kanyang katapatan ay magpakailanman!

Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos

na namumuhay nang may pagkakaisa.

Mabuti ang itinuturo kong ito,

kaya huwag ninyong ipagwalang bahala.

Nagagalak ang tao

kapag akma ang sagot niya.

Mas nagagalak siya

kung nakakasagot siya

sa tamang pagkakataon.

Ikadalawampuʼt Anim Kawikaan

Anak, kumain ka ng pulot

sapagkat mabuti ito sa iyo,

ang pulot mula sa pulot-pukyutan

ay matamis sa iyong panlasa.

Sapagkat kung marunong ka,

mapapabuti ang iyong kinabukasan

at mapapasaiyo ang iyong

mga hinahangad.

Ang karunungan ay mabuti

gaya ng isang pamana,

pareho itong nakakatulong

sa mga namumuhay dito sa mundo.

Nagbibigay din ito ng proteksyon

gaya ng pera.

Pero higit pa roon,

iniingatan nito ang buhay

ng nagtataglay nito.

Mabuti ang Panginoon

sa mga nagtitiwalaʼt umaasa sa kanya.

Mabuting matiyagang maghintay

sa pagliligtas ng Panginoon.

Hindi! Sinabi na ng Panginoon

kung ano ang mabuti.

At ano ang ninanais niya sa inyo?

Gawin ang matuwid,

pairalin ang pagkamaawain,

at buong pagpapakumbabang

sumunod sa Diyos.Panginoon

Ngunit sa kabila nito, banal pa rin ang Kautusan; ang bawat utos nito ay banal, matuwid at mabuti.

Huwag ninyong tularan ang mga pag-uugali ng mga tao sa mundong ito. Hayaan ninyong baguhin kayo ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong mga isip, upang malaman ninyo ang kalooban ng Diyos – kung ano ang mabuti, ganap, at kalugod-lugod sa kanyang paningin.

Kaya huwag mong hayaang mapulaan ang anumang sa tingin moʼy mabuti.

Mga Bilin Tungkol sa Pagsamba

Una sa lahat, ipinapakiusap kong ipanalangin nʼyo ang lahat ng tao. Ipaabot ninyo sa Diyos ang kahilingan nʼyo para sa kanila nang may pasasalamat. Ipanalangin nʼyo ang mga hari at mga may kapangyarihan upang makapamuhay tayo nang tahimik at mapayapa, may takot sa Diyos at marangal. Mabuti ito at nakalulugod sa Diyos na ating Tagapagligtas.

Sapagkat ang lahat ng nilikha ng Diyos ay mabuti, at dapat walang ituring na masama kung tinatanggap nang may pasasalamat, dahil nilinis ito ng salita ng Diyos at ng panalangin.

Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago.

"Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Dapat maging tulad kayo ng asin na kapaki-pakinabang, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isaʼt isa."

Seja o primeiro
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-04_23-13-58-