A carne
A carne representa a natureza pecaminosa que milita contra o Espírito. A Bíblia ensina que os que pertencem a Cristo crucificaram a carne com suas paixões e desejos.
Carne versus Espírito
Os que são segundo a carne inclinam-se para as coisas da carne. O nascido da carne é carne; o nascido do Espírito é Espírito.
Sapagkat ang mga taong namumuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng kanilang pagkatao. Ngunit ang tao namang namumuhay ayon sa Espiritu ay walang ibang iniisip kundi ang nais ng Espiritu. Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan. Sapagkat ang taong sumusunod sa nais ng kanyang makasalanang pagkatao ay kalaban ng Diyos. Hindi siya sumusunod sa kautusan ng Diyos, at talagang hindi niya magawang sumunod. Kaya ang mga taong nabubuhay ayon sa kanilang makasalanang pagkatao ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos.
Ngunit hindi na kayo nabubuhay ayon sa makasalanang pagkatao kundi ayon na sa patnubay ng Espiritu, kung totoo ngang nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Kung wala sa isang tao ang Espiritu ni Kristo, siyaʼy hindi kay Kristo.
Kaya ngayon, hindi na hahatulan ng kaparusahan ang mga nakay Kristo Hesus. Sapagkat sa pakikipag-isa natin kay Kristo Hesus, pinalaya na tayo sa kapangyarihan ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu na nagbibigay-buhay. Hindi nagawang alisin ng Kautusan ang kapangyarihan ng kasalanan dahil sa kahinaan ng tao na sundin ang mga utos. Ngunit nagawa ito ng Diyos nang isugo niya ang sarili niyang Anak sa anyo ng isang taong makasalanan upang alisin ang kapangyarihan ng kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang itinakda ng Kautusan ay matupad nating mga namumuhay sa patnubay ng Espiritu at hindi ayon sa ating makasalanang pagkatao.
Sapagkat mamamatay kayo kapag namuhay kayo ayon sa inyong makasalanang pagkatao. Ngunit mabubuhay kayo kung susupilin ninyo ang inyong makasalanang pagkatao sa pamamagitan ng Espiritu.
Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
Kaya naiintindihan ko na ang prinsipyong ito: Kapag gusto kong gumawa ng mabuti, hinahadlangan ako ng kasamaang likas sa akin. Sa kaibuturan ng aking puso, nalulugod ako sa Kautusan ng Diyos, pero may napapansin akong ibang kapangyarihan na kumikilos sa aking pagkatao, na sumasalungat sa pagsunod ko sa Kautusan na alam ko. Dahil dito, naging alipin ako ng kapangyarihan ng kasalanang likas sa aking pagkatao.
Noong namumuhay pa tayo sa dati nating pagkatao, ang masamang pagnanasa ang naghahari sa ating katawan, at pinukaw pa ng Kautusan, kaya gumawa tayo ng mga bagay na hahantong sa kamatayan.
Ang ipinanganak ng tao ay sumusunod sa ugali ng tao. Ngunit ang ipinanganak sa Espiritu ay sumusunod sa ugali ng Espiritu.
Ang Espiritu ang siyang nagbibigay-buhay; hindi ito magagawa ng tao. Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay mula sa Espiritu at nakapagbibigay-buhay.
Vencer a carne
Andai no Espírito e não cumprireis os desejos da carne. Os que são de Cristo crucificaram a carne com suas paixões.
Kaya mamuhay kayo nang ayon sa Espiritu upang hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman.
Ang mga taong sumusunod sa ninanasa ng laman ay makikilala sa gawa nila: seksuwal na imoralidad, kalaswaan, kahalayan, pagsamba sa mga diyos-diyosan, pangkukulam, pagkapoot, pag-aaway-away, pagkainggit, pagkamakasarili, pagkagalit, pagkakawatak-watak, pagkakahati-hati, pagkainggit, paglalasing, pagkahilig sa kalayawan, at iba pang kasamaan. Binabalaan ko kayo tulad ng ginawa ko na noon: Ang mga namumuhay nang ganito ay hindi mapapabilang sa kaharian ng Diyos.
Ipinako na ng mga nakay Kristo Hesus ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus.
Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.
Kung ang ninanasa ng laman ang sinusunod ng isang tao, kamatayan ang aanihin niya. Ngunit kung ang Espiritu ang sinusunod ng isang tao, matatanggap niya mula sa Espiritu ang buhay na walang hanggan.
Sapagkat ang lahat ng makamundong bagay – ang masasamang hilig ng laman, ang pagnanasa sa mga nakikita ng mata, at ang anumang pagmamayabang sa buhay – ay hindi nagmumula sa Ama kundi sa mundo.
Dahil sa pakikipag-isa nʼyo kay Kristo, tinuli na kayo. Ang pagtutuling ito ay hindi pisikal kundi espirituwal – ang pag-aalis ng masasamang hilig ng laman. Ito ang pagtutuling mula kay Kristo.
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman."
Mga kapatid, ito ang gusto kong sabihin: Ang ating katawang binubuo ng laman at dugo ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos. Ang katawang ito na nabubulok ay hindi maaaring makatanggap ng buhay na walang hanggan.