Pular para o conteúdo
Publicidade

Comunhão com os irmãos

Por Bíblia Online

A comunhão com os irmãos é marca da igreja verdadeira. Os cristãos primevos perseveravam na comunhão — partindo pão, orando e encorajando-se mutuamente.

Comunhão verdadeira

Perseveravam na doutrina dos apóstolos e na comunhão. A comunhão autêntica envolve amor sacrificial e acolhimento mútuo.

Marami ang naniwala sa kanyang mensahe at nagpabautismo agad sila. Sa araw na iyon, mga tatlong libong tao ang nadagdag sa kanila.

Ang Pagtitipon ng mga Mananampalataya

Ang mga mananampalataya ay masigasig sa pag-aaral ng mga itinuturo ng mga apostol, sa pagtitipon bilang magkakapatid, sa pagpira-piraso ng tinapay upang gunitain ang Panginoon, at sa pananalangin. Namangha ang lahat ng tao dahil sa maraming kababalaghan at tanda na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng mga apostol. Palaging nagsasama-sama ang mga mananampalataya, at ibinabahagi ang kanilang ari-arian sa isaʼt isa. Ipinagbili nila ang kanilang mga lupa at mga ari-arian, at ang peraʼy ipinamahagi nila sa kanilang mga kasama ayon sa pangangailangan ng bawat isa. Araw-araw, nagtitipon sila sa Templo at nagsasalo-salo sa pagkain upang gunitain ang Panginoon sa kanilang mga bahay na may lubos na kagalakan at malinis na kalooban. Palagi silang nagpupuri sa Diyos at ang mga taoʼy nalulugod sa kanila. Araw-araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga taong kanyang inililigtas.

At sikapin nating mahikayat ang isaʼt isa sa pagmamahalan at sa paggawa ng kabutihan. Huwag nating pababayaan ang mga pagtitipon natin gaya ng nakaugalian na ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng bawat isa, lalo na ngayong nalalapit na ang huling araw.

Napakagandang makita ang mga mamamayan ng Diyos

na namumuhay nang may pagkakaisa.

Itoʼy parang mamahaling langis na ibinuhos

sa ulo ni Aaron

na dumaloy sa kanyang balbas

hanggang sa kuwelyo ng kanyang damit.

Katulad din ito ng hamog sa Bundok ng Hermon

na umaabot sa Bundok ng Zion.

At dito sa Zion ay nangako ang Panginoon na magbibigay nang pagpapala,

at itoʼy ang buhay na walang hanggan.

Dati, malapít kami sa isaʼt isa,

at magkasama pa kaming

pumupunta sa bahay ng Diyos.

Mas mabuti ang may kasama

kaysa mag-isa;

mas marami silang magagawa.

Kapag nadapa ang isa sa kanila

maitatayo siya ng kanyang kasama.

Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,

dahil walang tutulong sa kanya.

Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabi

at pareho kayong maiinitan.

Pero kung nag-iisa ka,

papaano ka maiinitan?

Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa,

subalit mahirap kang talunin

kung may kasama ka.

Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla,

mahirap itong malagot.

Amor fraternal

Amai-vos com amor fraternal sincero. Encorajem-se mutuamente e carreguem os fardos uns dos outros.

At dahil sumusunod na kayo sa katotohanan, malinis na kayo sa mga kasalanan ninyo, at ngayon ay nagkaroon na kayo ng tapat na pagmamahal sa mga kapatid nʼyo kay Kristo. Magmahalan kayo nang taos-puso,

Tanggapin ninyo sa inyong tahanan ang isaʼt isa nang maluwag sa inyong kalooban.

Magmahalan kayo bilang magkakapatid kay Kristo at maging magalang sa isaʼt isa.

Ang Pagpapakumbaba ni Kristo

Hindi baʼt masigla kayo dahil nakay Kristo kayo? Hindi baʼt masaya kayo dahil alam ninyong mahal niya kayo? Hindi baʼt may mabuti kayong pagsasamahan dahil sa Espiritu? At hindi baʼt may malasakit at pang-unawa kayo sa isaʼt isa? Kung ganoon, nakikiusap ako na lubusin na ninyo ang kagalakan ko: Magkasundo kayoʼt magmahalan, at magkaisa sa isip at layunin.

Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.

Sa halip, maging mabait kayo at maawain sa isaʼt isa. At magpatawad kayo sa isaʼt isa gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa inyo dahil kay Kristo.

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.

Kaya nga, patuloy ninyong pasiglahin at patatagin ang isaʼt isa, katulad nga ng ginagawa ninyo.

Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan. Ngunit kung namumuhay tayo sa liwanag, tulad ng Diyos na nasa liwanag, may pagkakaisa tayo, at nililinis tayo ng dugo ni Hesus na kanyang Anak sa lahat ng kasalanan.

Mga Pangwakas na Pagbati

Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.

"Kaya isang bagong utos ang ibinibigay ko sa inyo: Magmahalan kayo. Kung paano ko kayo minamahal, ganoon din dapat ang pagmamahal nʼyo sa isaʼt isa.

Seja o primeiro