Despedida
As despedidas na Bíblia são momentos sagrados de bênção, oração e confiança em Deus. Mesmo na separação, os filhos de Deus se despedem com fé, carinho e esperança de reencontro.
Despedidas bíblicas
Paulo se despediu dos anciãos de Éfeso com oração e lágrimas. As despedidas entre irmãos são marcadas por afeto e fé.
Pagkatapos magsalita ni Pablo, lumuhod siyang kasama nila at nanalangin. Umiyak silang lahat, at niyakap nila si Pablo at hinalikan. Labis nilang ikinalungkot ang sinabi ni Pablo na hindi na sila magkikitang muli. Pagkatapos, inihatid nila si Pablo sa barko.
Ang Pagpunta ni Pablo sa Macedonia at Gresya
Nang matapos na ang gulo, ipinatawag ni Pablo ang mga alagad. Pinayuhan niya sila na magpakatatag, at pagkatapos niyang magpaalam sa kanila, pumunta siya sa Macedonia.
Pagkatapos ng ilang araw na pananatili roon, bumalik sila sa mga nagsugo sa kanila. Ngunit bago sila umalis, ipinanalangin muna sila ng mga kapatid na maging maayos ang kanilang paglalakbay. [
Ang Hangarin ni Pablo na Makabalik sa Tesalonica
Mga kapatid, para kaming naulila noong mawalay kami sa inyo nang maikling panahon (sa katawan, hindi sa isipan). Dahil labis ang pangungulila namin na makita kayong muli, ginawa namin ang lahat ng posibleng paraan upang makabalik diyan.
Alam ng Diyos na sabik na sabik na akong makita kayo dahil mahal ko kayo tulad ng pagmamahal ni Kristo Hesus sa inyo.
Amizades profundas
Davi e Jônatas se despediram com lágrimas e pacto de amizade. Rute se apegou a Noemi com lealdade inabalável.
Nang makaalis na ang bata, lumabas si David sa batong pinagtataguan niya at lumuhod sa harap ni Jonatan nang tatlong beses na ang mukhaʼy nakadikit sa lupa bilang paggalang. Hinagkan nila ang isaʼt isa at kapwa umiyak, pero mas malakas ang iyak ni David.
Sinabi ni Jonatan kay David, "Sige, sanaʼy maging matiwasay ang iyong paglalakbay. At sanaʼy tulungan tayo ng Panginoon na matupad ang mga sumpaan natin sa isaʼt isa, hanggang sa mga magiging angkan natin." Lumakad na si David, at si Jonatan namaʼy bumalik sa bayan.
Nang makaalis na ang bata, lumabas si David sa batong pinagtataguan niya at lumuhod sa harap ni Jonatan nang tatlong beses na ang mukhaʼy nakadikit sa lupa bilang paggalang. Hinagkan nila ang isaʼt isa at kapwa umiyak, pero mas malakas ang iyak ni David.
sinabi ni Naomi sa dalawang manugang niya, "Bumalik na lang kayo sa inyong mga ina. Pagpalain nawa kayo ng Panginoon dahil sa mabuti ninyong pakikitungo sa mga yumao ninyong asawa at sa akin. At loobin sana ng Panginoon na makapag-asawa kayong muli para magkaroon kayo ng maayos na kalagayan sa panibagong tahanan."
Pagkatapos, hinalikan sila ni Naomi. Humagulgol sila at sinabi sa kanya, "Sasáma kami sa inyo sa pagbalik nʼyo sa mga kababayan ninyo."
Pero sinabi ni Naomi, "Umuwi na kayo, mga anak. Bakit pa kayo sasáma sa akin? Magkakaanak pa ba ako ng mga lalaking mapapangasawa ninyo? Umuwi na kayo, mga anak, sapagkat matanda na ako at hindi na magkakaasawa pa. Ipagpalagay man natin na makapag-asawa nga ako ngayong gabi at magkaanak pa, hihintayin nʼyo ba silang lumaki? Hindi ba kayo mag-aasawa dahil sa kanila? Hindi maaari mga anak. Ang totoo, mas mapait ang sinapit ko kaysa sa inyo, dahil pinahirapan ako ng Panginoon."
At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi, habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.
At umiyak na naman sila nang malakas. Pagkatapos, hinalikan ni Orpa ang biyenan niya at umuwi, habang si Ruth naman ay nagpaiwang kasama ni Naomi.
Pagkatapos noon, pinayagan ni Moises ang kanyang biyenan na umuwi at bumalik sa sariling bayan.
Bênçãos de despedida
O Senhor te abençoe e te guarde. O Senhor faça resplandecer o seu rosto sobre ti e te dê a paz.
‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Ipakita nawa ng Panginoon
ang kanyang kabutihan
at awa sa inyo.
At malugod nawa
ang Panginoon sa inyo
at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
Iingatan ka ng Panginoon sa anumang kapahamakan;
pati ang buhay moʼy kanyang iingatan.
Ang Panginoon ang mag-iingat sa iyo nasaan ka man,
ngayon at magpakailanman.
Sumainyong lahat nawa ang biyaya ng Diyos.
Mga Pangwakas na Pagbati
Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.
Mga Pangwakas na Pagbati
Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.
Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo.
Kinukumusta kayong lahat ng mga mananampalataya rito.
Sumainyo nawang lahat ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo, ang pag-ibig ng Diyos, at ang pakikipag-isa ng Banal na Espiritu.
Mga Kagamitang Pandigma na Kaloob ng Diyos
At bilang pangwakas, magpakatatag kayo sa Panginoon sa pamamagitan ng dakila niyang kapangyarihan.
Binasbasan sila ni Josue at pinauwi.
May isa ring nagsabi kay Hesus, "Susunod po ako sa inyo, Panginoon, pero hayaan nʼyo muna po akong magpaalam sa pamilya ko."
Sinabi ni Hesus sa kanya, "Ang nagsimulang mag-araro ngunit lingon naman nang lingon ay hindi kapaki-pakinabang sa kaharian ng Diyos."
Iniwan ni Eliseo ang mga baka at hinabol si Elias. Sinabi ni Eliseo, "Hahalik po muna ako sa aking amaʼt ina bilang pamamaalam at saka po ako sasáma sa inyo." Sumagot si Elias, "Sige, pero huwag mong kalimutan ang ginawa ko sa iyo."
Kaya bumalik si Eliseo, kinuha ang kanyang mga baka, at kinatay. Ginawa niyang panggatong sa pagluluto ng karne ng mga baka ang mga kagamitan sa pag-aararo. Pagkaluto, binigyan niya ang kanyang mga kasamang nag-aararo, at kumain silang lahat. At agad siyang sumunod kay Elias upang maging lingkod nito.