Ensinar
Ensinar é mandamento e dom. A Bíblia exorta pais, líderes e mestres a transmitir a verdade divina com fidelidade, paciência e sabedoria para as próximas gerações.
Ensinar a Palavra
Toda Escritura é útil para ensinar. Quem ouve as palavras de Jesus e as pratica é como o homem sábio que construiu sobre a rocha.
Lahat ng Kasulatan ay isinulat sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos, at mapapakinabangan sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa matuwid na pamumuhay, upang maging karapat-dapat at handa sa lahat ng mabubuting gawa ang naglilingkod sa Diyos.
"Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato.
Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.
Ang lahat ng nakasulat sa Kasulatan noong unang panahon ay isinulat upang turuan tayo. At sa pamamagitan ng Kasulatan, tayoʼy magiging matatag at malakas ang loob, at magkakaroon ng pag-asa.
Ito ang mga kawikaan ni Solomon na anak ni David, hari ng Israel.
Sa pamamagitan ng mga kawikaang ito,
magkakaroon ka ng karunungan,
maitutuwid ang iyong ugali
at iyong mauunawaan
ang mga aral na sa iyoʼy
magbibigay karunungan.
Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka,
dahil itinuturo nito ang matuwid
na paraan ng pamumuhay,
mabuting pag-uugali, paggawa ng tama,
at pagiging makatarungan.
Makapagbibigay ito ng karunungan
sa mga walang kaalaman
at sa kabataaʼy magtuturo
ng tamang pagpapasya.
Sa pakikinig nito, ang marunong
ay lalong magiging marunong
at ang may pinag-aralan
ay magiging dalubhasa
sa pag-unawa sa kahulugan
ng mga kawikaan,
mga talinghaga, at mga bugtong
ng marurunong.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
Ngunit sa hangal, walang halaga
ang karunungan
at ayaw niyang maturuan.
Instruir as gerações
Ensina a criança nos caminhos de Deus. A geração que não conhece o Senhor perde a herança espiritual da fé.
Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas. Huwag ninyong kalilimutan ang mga utos na ito na ibinigay ko sa inyo ngayon. Ituro ninyo ito sa inyong mga anak. Pag-usapan ninyo ito kapag kayoʼy nasa inyong mga bahay at kapag naglalakad, kapag nakahiga, at kapag babangon kayo.
Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid
sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
dahil itoʼy makapagbibigay
sa iyo ng karangalan
katulad ng koronang gawa sa bulaklak
at makapagpapaganda katulad ng kuwintas.
Anak, sundin mo ang itinuturo
at iniuutos ng iyong mga magulang.
Itanim mo ito sa iyong isipan
upang hindi mo makalimutan.
Ito ang papatnubay, mag-iingat
at magpapaalala sa iyong pamumuhay,
kahit ano pa ang iyong ginagawa.
Sapagkat ang mga turo
at utos ng iyong mga magulang
ay katulad ng isang ilaw
na tatanglaw sa iyo.
At ang kanilang pagsaway sa iyo
upang ituwid ang ugali mo
ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo.
Pagsikapan mong magkaroon
ng karunungan at pang-unawa.
Huwag mong kalilimutan
ang mga sinasabi ko
at huwag kang hihiwalay dito.
Huwag mong tanggihan ang karunungan,
sa halip pahalagahan mo ito,
dahil iingatan ka nito.
Pinakamahalaga sa lahat
ang karunungan at pang-unawa.
Sikapin mong magkaroon nito
kahit na maubos pa ang lahat
ng kayamanan mo.
Tanggapin moʼt pahalagahan
ang karunungan,
dahil magbibigay ito
sa iyo ng karangalan.
Huwag mong kalilimutan
ang pagtutuwid ko sa iyong pag-uugali;
ingatan mo ito sa puso mo
sapagkat mabubuhay ka
sa pamamagitan nito.
Huwag mong susundan
ang daan ng mga masasamâ.
Huwag mong gagayahin
ang ginagawa nila.
Higit sa lahat, ingatan mo
ang iyong isipan,
sapagkat kung ano ang iyong iniisip
iyon din ang magiging buhay mo.
Huwag kang magsalita
ng kasinungalingan at walang kabuluhan.
Ituon mo ang iyong paningin
sa mga bagay na mabuti.
Pag-isipan mong mabuti
ang iyong mga gagawin
upang magtagumpay ka.
Mamuhay ka sa katuwiran
at layuan mo ang kasamaan.
Ang mga turo ng taong matalino
ay bukal ng buhay,
ilalayo ang tao sa bitag ng kamatayan.
Ang pagkatakot sa Panginoon
ang simula ng karunungan.
At ang pagkilala sa Banal na Diyos
ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.
Mga kababayan, ang mga turo koʼy
inyong pakinggan.
Sundin ninyo ang aking mga salita.
Tuturuan ko kayo sa pamamagitan ng paghahalintulad.
Sasabihin ko sa inyo ang mga lihim
na katotohanan ng nakaraan.
Napakinggan na natin ito at nalaman.
Sinabi ito sa atin ng ating mga ninuno.
Hindi natin ito ililihim sa ating mga anak;
sasabihin natin sa mga susunod na henerasyon
ang kapangyarihan ng Panginoon
at ang mga kahanga-hanga niyang gawa.
Nang mamatay na ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay nakalimot sa Panginoon, maging sa mga ginawa niya para sa Israel.
Fidelidade no ensino
Quem ensina com fidelidade merece dupla honra. Cuidado com doutrinas falsas — permaneçam na doutrina de Cristo.
Ang mga pinuno ng iglesya na naglilingkod nang mabuti ay dapat bigyan ng nararapat na sahod, lalo na ang mga naglilingkod sa pangangaral at pagtuturo ng salita ng Diyos. Sapagkat sinasabi sa Kasulatan, "Huwag mong bubusalan ang baka habang gumigiik" at sinasabi pa, "Nararapat bigyan ng sahod ang manggagawa."
Iwasan mo ang makamundo at walang kuwentang usap-usapan, dahil lalo lang napapalayo sa Diyos ang mga gumagawa nito. Ang mga aral nilaʼy parang kanser na kumakalat sa katawan. Kabilang na sina Himeneo at Fileto sa mga taong ito.
Ang taong hindi nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo kundi nagtuturo pa ng labis dito, hindi sumasakanya ang Diyos. Ang taong nagpapatuloy sa katuruan ni Kristo, sumasakanya ang Ama at ang Anak.
Noong kalagitnaan na ng pista, pumunta si Hesus sa Templo at nangaral. Namangha sa kanya ang mga pinuno ng mga Hudyo. Sinabi nila, "Paano nalaman ng taong ito ang mga bagay na ʼyan, gayong hindi naman siya nakapag-aral?"
Sumagot si Hesus, "Hindi galing sa akin ang mga itinuturo ko, kundi sa nagsugo sa akin. Malalaman ng sinumang gustong sumunod sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo koʼy galing nga sa Diyos o sa akin lang. Ang nagtuturo nang mula sa sarili niyang karunungan ay naghahangad lang ng pansariling karangalan. Ngunit ang naghahangad na parangalan ang nagsugo sa kanya ay tapat at hindi sinungaling.