Espírito
O espírito humano é a parte mais profunda do nosso ser — onde Deus habita, onde a fé se ancora e de onde brota a verdadeira adoração. A Bíblia nos chama a viver pelo Espírito.
A natureza do espírito
O espírito está pronto, mas a carne é fraca. A batalha entre carne e espírito é constante e exige vigilância.
Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo madaig ng tukso. Ang espirituʼy handang sumunod, ngunit mahina ang laman."
"Pinagpala ang mga taong umaaming may pagkukulang sila
sa harapan ng Diyos,
sapagkat mapapabilang sila sa kaharian ng Langit.
Sapagkat ang ninanasa ng laman ay laban sa nais ng Espiritu, at ang nais ng Espiritu ay laban sa ninanasa ng laman. Magkalaban ang dalawang ito, kaya hindi ninyo magawa ang gusto ninyong gawin.
Kaya mamuhay kayo nang ayon sa Espiritu upang hindi ninyo mapagbigyan ang pagnanasa ng laman.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
At dahil nga namumuhay na tayo sa kapangyarihan ng Espiritu, magpatuloy tayo sa patnubay nito.
Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan.
O Espírito de Deus em nós
Vosso corpo é templo do Espírito Santo. Deus fortalece com poder no homem interior pelo seu Espírito.
Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.
At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.
Hindi baʼt walang nakakaalam sa iniisip ng isang tao maliban sa kanyang sariling espiritu? Ganoon din naman, walang nakakaalam sa iniisip ng Diyos maliban sa kanyang Espiritu.
Kung ganoon, ano ang dapat kong gawin? Mananalangin ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit mananalangin din ako sa paraang naiintindihan ko. Aawit ako sa pamamagitan ng espiritu, ngunit aawit din ako sa paraang naiintindihan ko.
Ipinapanalangin ko na sa kadakilaan ng kapangyarihan niya ay palakasin niya ang espirituwal ninyong pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang Espiritu upang manahan si Kristo sa mga puso ninyo dahil sa inyong pananampalataya. Ipinapanalangin ko rin na maging matibay kayo at matatag sa pag-ibig ng Diyos,
Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Hesu-Kristo, ang dakilang Ama, na bigyan niya kayo ng karunungan at pang-unawa mula sa Banal na Espiritu, upang lalo pa ninyo siyang makilala.
At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos. Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos.
Ang Espiritu at ang ating espiritu ay parehong nagpapatunay na tayoʼy mga anak ng Diyos.
At ang Espiritu na tinanggap ninyo mula sa Diyos ay hindi ibinigay upang magkaroon muli kayo ng takot, sa halip, upang kayoʼy maging mga anak ng Diyos. Ngayon, sa pamamagitan niya, matatawag na ninyong, "Abba, Ama" ang Diyos.
Ngunit kung nasa inyo na si Kristo, mamatay man ang katawan ninyo dahil sa kasalanan, binubuhay naman kayo ng Espiritu dahil itinuring na kayong matuwid ng Diyos.
Ang mga taong pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos.
Tinutulungan tayo ng Espiritu sa kahinaan natin. Hindi natin alam kung ano ang dapat nating ipanalangin, kaya ang Espiritu na rin ang namamagitan sa Diyos para sa atin sa pamamagitan ng mga daing na hindi natin kayang sabihin.
Huwag kayong maging tamad kundi magpakasipag at buong sikap na maglingkod sa Panginoon.
Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Vida no Espírito
Deus é Espírito e importa que os que o adoram o adorem em espírito e em verdade. O Espírito vivifica e transforma.
Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan."
Tandaan mo, darating ang oras, at narito na nga, na ang mga tunay na sumasamba ay sasamba sa Ama sa Espiritu at katotohanan. Ganyan ang mga taong hinahanap ng Ama na sasamba sa kanya. Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan."
At dahil naalis na ang takip sa ating isipan, nakikita na natin ang kapangyarihan ng Panginoon. At ang kapangyarihang ito ay mula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang unti-unting bumabago sa atin hanggang tayoʼy maging katulad niya.
Mga minamahal, dahil taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating sarili sa anumang bagay na nagpaparumi sa ating katawan at espiritu, at sikapin nating mamuhay nang banal at may takot sa Diyos.
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
Sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng espiritu ng kaduwagan, kundi espiritu ng kapangyarihan, pag-ibig, at disiplina sa sarili.
dahil alam kong makakalaya ako sa kalagayang ito sa pamamagitan ng mga panalangin ninyo at sa tulong ng Espiritu ni Hesu-Kristo.
Sumainyo nawa ang biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo.
Promessas do Espírito
Derramarei o meu Espírito sobre toda a carne. O Espírito revela, guia e capacita os filhos de Deus.
Pakinggan ninyo
ang pagsaway ko sa inyo.
Sasabihin ko sa inyo
kung ano ang iniisip ko.
Ipapaalam ko sa inyo
ang aking sasabihin laban sa inyo,
Ang akala ng taoʼy mabuti
ang kanyang mga ginagawa,
ngunit sinusuri ng Panginoon
ang tunay na hangarin niya.
Ang kayabangan ay humahantong
sa kapahamakan,
at ang nagmamataas
ay ibabagsak.
Mas mabuti pang magpakumbaba
kasama ng mga mahihirap
kaysa makibahagi sa kayamanang kinamkam
ng mga mayayabang.
Higit na mabuti ang taong mapagpasensya
kaysa sa taong makapangyarihan.
Higit na mabuti ang taong
nakakapagpigil sa sarili
kaysa sa taong nakakasakop
ng isang lungsod.
Ang espiritu ng tao
ay parang ilaw ng Panginoon
na sumisiyasat sa kaloob-looban ng pagkatao.
Kaya sinabi niya sa akin, "Ito ang sasabihin mo kay Zerubabel mula sa Panginoon: ‘Hindi sa pamamagitan ng lakas o kakayahan ng tao kundi sa pamamagitan ng aking Espiritu,’ sabi ng Panginoon ng mga Hukbo.
Ang Espiritu ng Makapangyarihang Panginoon
ay sumasaakin.
Sapagkat hinirang niya ako
na mangaral ng magandang balita
sa mga dukha.
Sinugo niya ako para aliwin
ang mga sugatang-puso,
at para ipahayag sa mga bihag
at mga bilanggo na silaʼy malaya na.
Babaguhin ko ang inyong puso at pag-iisip nang hindi na kayo maging masuwayin kundi maging masunurin at tapat sa akin. Tutuparin na ninyo ang mga utos koʼt mga tuntunin. Magiging mga mamamayan ko kayo at akoʼy magiging Diyos ninyo.
Sapagkat ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang magsasabi nito sa kanila, ‘Bibigyan ko kayo ng hininga, at mabubuhay kayo.
Cuidar do espírito
Cria em mim um coração puro e renova dentro de mim um espírito reto. O espírito quebrantado Deus não rejeita.
Isang busilak na puso, O Diyos,
ang likhain nʼyo sa akin;
bagong espiritung matapat,
ang ibigay sa akin.
Huwag nʼyo po akong itaboy
palayo sa inyong piling,
at huwag nʼyo po sanang bawiin
ang inyong Banal na Espiritu sa akin.
Panumbalikin sa akin
ang kagalakang
bunga ng inyong pagliligtas sa akin.
Bigyan nawa ako
ng espiritung masunurin.
Ang handog ko sa inyo, O Diyos,
ay isang pusong nagpapakumbaba,
at nagsisisi sa kanyang kasalanan.
O Diyos, ito ang handog
na hindi ninyo tatanggihan.
Malapit ang Panginoon
sa mga may bagbag na puso,
at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.
Huwag kayong magtiwala
sa mga makapangyarihang tao o kaninuman,
dahil silaʼy hindi makapagliligtas.
Kapag silaʼy namatay, babalik sila sa lupa,
at ang kanilang mga binabalak
ay mawawalang lahat.
Sapagkat buhay at mabisa ang salita ng Diyos, at higit na matalas kaysa sa alinmang espadang magkabila ang talim. Tumatagos ito hanggang kaluluwaʼt espiritu, at hanggang sa kasu-kasuan at kaloob-looban ng buto. Nalalaman nito ang pinakamalalim na iniisip at hinahangad ng tao.
Kung paanong patay ang katawang walang espiritu, patay din ang pananampalataya kung walang kasamang mabuting gawa.
Mga minamahal, huwag kayong maniwala agad sa mga taong nagsasabing mula sa Espiritu ng Diyos ang ipinapahayag nila. Sa halip, subukin muna ninyo kung nagmula nga sa Espiritu ang ipinapahayag nila, sapagkat marami nang bulaang propetang naglipana sa mundo.
Sa ganito natin nalalamang tayoʼy nananatili sa Diyos at siya naman sa atin: Ibinigay niya sa atin ang kanyang Espiritu.
Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng mabubuting bagay sa mga anak ninyo, gaano pa kaya ang inyong Amang nasa langit! Ibibigay niya ang Banal na Espiritu sa mga humihingi sa kanya."
Pagkatapos, may nakita silang mga ningas ng apoy na parang mga dila na kumalat at dumapo sa bawat isa sa kanila. Napuspos silang lahat ng Banal na Espiritu, at nakapagsalita sila sa ibaʼt ibang wika ayon sa kakayahang ibinigay sa kanila ng Espiritu.
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang lupa noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na pumapaibabaw sa lahat ay balot ng kadiliman, at ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng tubig.
Ngunit ang totoo, ang espiritu
ng Makapangyarihan na nasa tao,
ang siyang nagbibigay ng pang-unawa.
Kaya alalahanin mo ang Diyos
habang nabubuhay ka,
habang hindi pa nalalagot
ang kadenang pilak
at hindi pa nababasag ang gintong lalagyan,
o hindi pa nalalagot ang tali
ng timba sa balon,
at nasisira ang kalo nito.
Kung magkagayon, babalik ka sa lupa
kung saan ka nagmula
at ang espiritu moʼy babalik sa Diyos
na siyang nagbigay nito.
"Ikinagagalak kong ipaalam sa inyo ang mga himala at kababalaghang ginawa sa akin ng Kataas-taasang Diyos.
Kamangha-mangha at makapangyarihan
ang mga himalang ipinakita ng Diyos.
Ang paghahari niya
ay walang hanggan.