Publicidade

Humildade

Por Bíblia Online

A humildade é o caminho da honra verdadeira. Deus resiste aos soberbos, mas dá graça aos humildes. Jesus lavou os pés dos discípulos e nos ensinou que o maior é aquele que serve.

Humilhar-se diante de Deus

Humilhai-vos diante do Senhor e Ele vos exaltará. Quem se humilha será exaltado, e quem se exalta será humilhado.

Magpakumbaba kayo sa harapan ng Panginoon, at itataas niya kayo.

Kaya magpasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos, dahil darating ang araw na pararangalan niya kayo.

at kung ang mga mamamayan ko na aking tinawag ay magpakumbaba, manalangin, dumulog sa akin, at tumalikod sa ginagawa nilang kasamaan, diringgin ko sila mula sa langit at patatawarin ang kanilang kasalanan, at pagpapalain kong muli ang kanilang lupain.

Mabuti at matuwid po kayo, Panginoon,

kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan

ang mga makasalanan.

Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama.

Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

Ang kayabangan ng tao

ang magbibigay sa kanya ng kahihiyan,

ngunit ang pagpapakumbaba

ang magbibigay sa kanya ng karangalan.

Ang pagmamataas ng tao

ang magpapahamak sa kanya,

ngunit ang pagpapakumbaba

ang magpaparangal sa kanya.

Humildade como virtude

Considerai os outros como superiores a vós mesmos. Revesti-vos de humildade, mansidão e paciência no trato uns com os outros.

Huwag kayong gumawa ng anumang bagay dahil sa makasariling hangarin o sa paghahangad na maitaas ang sarili. Sa halip, magpakumbaba kayo sa isaʼt isa at ituring na mas mabuti ang iba kaysa sa inyo.

Purihin natin ang ating Diyos at Ama magpakailanman. Amen.

Kaya bilang mga banal at minamahal na mga pinili ng Diyos, dapat kayong maging mapagmalasakit, mabuti ang kalooban, mapagpakumbaba, mabait at mapagtiis.

Maging mahinahon kayo, mapagpakumbaba, maunawain at mapagpaumanhin sa mga pagkukulang ng bawat isa bilang pagpapakita ng pag-ibig ninyo.

Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag ninyong gamitin ang kalayaan nʼyo para pagbigyan ang mga pagnanasa ng laman. Sa halip, magmahalan kayoʼt magtulungan.

Ngayon, narito ang ilan ko pang bilin sa inyong lahat: Dapat magkaisa kayo sa isip at damdamin, at magdamayan. Magmahalan kayo bilang magkakapatid. Maging maunawain at mapagpakumbaba kayo sa isaʼt isa.

Huwag ninyong pagkaabalahan ang panlabas na kagandahan na mula sa pag-aayos ng buhok, pagsusuot ng mga gintong alahas, at mamahaling mga kasuotan. Sa halip, ang inyong kagandahan ay dapat magmula sa kalooban – ang kagandahang hindi kumukupas, na bunga ng maamo at mahinahong espiritu, na siyang mahalaga sa paningin ng Diyos.

O exemplo de Jesus

Aprendei de mim, que sou manso e humilde de coração. O maior entre vós seja o que serve — esse é o caminho do Reino.

Sundin ninyo ang mga utos ko at matuto kayo sa akin, dahil ako ay maamo at may mababang-loob. Makakapagpahinga kayo, dahil madaling sundin ang mga utos ko at magaan ang ipinapagawa ko."

"Kaya kapag nagbibigay kayo ng limos, huwag na ninyo itong ipamalita gaya ng ginagawa ng mga pakitang-tao sa mga sinagoga at sa mga daan para purihin sila ng mga tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, natanggap na nila ang kanilang gantimpala.

Kaya umupo si Hesus at tinawag ang labindalawa, at sinabi sa kanila, "Ang sinuman sa inyo na gustong maging una ay dapat maging huli sa lahat at maging lingkod ng lahat."

Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, "Ang sinumang tumatanggap sa batang tulad nito dahil sa akin ay tumatanggap din sa akin. At ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap din sa nagsugo sa akin. Sapagkat ang pinakamababa sa inyong lahat ang siyang pinakadakila."

Ang paggalang sa Panginoon

at pagpapakumbaba

ay magdudulot sa iyo ng mahabang buhay,

kayamanan at karangalan.

Ang takot sa Panginoon

ay nagtuturo ng karunungan,

at ang nagpapakumbaba

ay pinaparangalan.

Ang taong mayabang

ay madaling mapahiya,

ngunit may karunungan

ang taong mapagpakumbaba.

Humildade verdadeira

O que se exige de ti? Praticar a justiça, amar a misericórdia e andar humildemente com teu Deus.

Hindi! Sinabi na ng Panginoon

kung ano ang mabuti.

At ano ang ninanais niya sa inyo?

Gawin ang matuwid,

pairalin ang pagkamaawain,

at buong pagpapakumbabang

sumunod sa Diyos.Panginoon

Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.

Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.

Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.

At pinili ng Diyos ang mga itinuturing ng mundo na mababa at walang halaga upang mapawalang-halaga ang itinuturing ng mundo na mahalaga. Kaya walang makakapagmalaki sa harapan ng Diyos.

Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba.

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-22_10-02-25-