Língua
A língua tem poder de vida e de morte. A Bíblia compara a língua ao leme de um navio e à faísca que incendeia uma floresta. Dominar a língua é prova de maturidade espiritual.
O poder da língua
A morte e a vida estão no poder da língua. Quem a domina é varão perfeito, capaz de controlar todo o corpo.
Ang salita ng tao
ay makapagliligtas ng buhay
o kaya ay nakamamatay.
Kaya mag-ingat sa pagsasalita
sapagkat aanihin mo ang mga bunga nito.
Lahat tayoʼy madalas magkamali. Kung mayroon mang hindi nagkakamali sa pananalita niya, isa siyang taong ganap at may kakayahang pigilan ang kanyang sarili.
Binubusalan natin ang mga kabayo sa bibig para sumunod saan man natin gustong papuntahin. Isipin nʼyo rin ang mga barko na kahit napakalaki at itinutulak ng malakas na hangin ay napapabaling ng maliit na timon at napapapunta ng kapitan saan man niya gustuhin. Ganoon din naman ang dila natin; kahit itoʼy maliit na bahagi ng katawan, nakakagawa ng malaking kayabangan. Isipin ninyo kung gaano kalawak na gubat ang masusunog dahil sa maliit na apoy. Ang dila ay tulad ng apoy. Napakaraming kasamaan ang nagmumula sa ating dila at ito ay nagpaparumi sa buong pagkatao natin. Katulad ito ng apoy na nanggagaling sa impiyerno, at sumisira sa buong buhay natin.
Lahat ng uri ng hayop na lumalakad, lumilipad, gumagapang o nakatira sa tubig ay napapaamo ng tao. Ngunit walang taong nakakapagpaamo sa dila niya. Itoʼy walang kapaguran sa kasamaan at nagtataglay ng nakakamatay na lason.
Sa pamamagitan ng dila, pinupuri natin ang ating Panginoon at Ama, ngunit sa pamamagitan din nito ay isinusumpa natin ang ating kapwa na nilikhang kalarawan ng Diyos. Mula sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri at pagsumpa. Mga kapatid, hindi dapat ganyan. Maaari bang lumabas sa iisang bukal ang matabang na tubig at ang maalat na tubig? Hindi! Mga kapatid, hindi rin maaaring mamunga ng olibo ang puno ng igos o ng igos ang ubas. Hindi rin maaaring makakuha ng tubig-tabang sa tubig-alat.
Palavras sábias
A língua branda quebra até ossos. A palavra certa no tempo certo é como maçãs de ouro em salvas de prata.
Ang mapagpasensya
at ang mahinahon magsalita
ay makapanghihikayat ng mga pinuno
at kahit na ng may matitigas na puso.
Ang pabigla-biglang salita
ay nakakasugat ng damdamin,
ngunit ang magandang salita
ay nagpapagaling.
Ang katotohanan ay mananatili kailanman,
ngunit hindi magtatagal ang kasinungalingan.
Ang taong masalita ay madaling magkasala.
Ang taong maalam
ay pinipigilan ang kanyang dila.
Kahit ang mangmang
ay parang marunong
at nakakaunawa kapag tahimik.
Disciplinar a fala
Quem guarda a boca e a língua guarda a sua alma de angústias. A religião sem controle da língua é vã.
Kung may nag-aakalang siya ay relihiyoso ngunit hindi naman magawang pigilan ang dila niya, walang silbi ang pagiging relihiyoso niya at niloloko lang niya ang kanyang sarili.
Sinabi ko sa aking sarili,
"Ang ugali koʼy aking babantayan,
ang magkasala sa pananalitaʼy
aking iiwasan.
Bubusalan ko ang aking mga labi
kapag nasa piling ng masasamang tao."
Kung nais ninyo ng masaya
at mahabang buhay,
iwasan ninyo ang masamang pananalita
at pagsisinungaling.
Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.
Ang Kautusan ng Diyos
ay iniingatan niya sa kanyang puso,
at hindi niya ito sinusuway.
Ihahayag ko sa mga tao
ang inyong pagkamakatuwiran,
at buong maghapon ko kayong
papupurihan.
Panginoon, hindi pa man ako nagsasalita
ay alam na ninyo
ang aking sasabihin.
Panginoon, iligtas nʼyo ako
sa mga mandaraya at sinungaling.
Patigilin sana ng Panginoon
ang mga nambobola,
at ang mga mayayabang.
Sinasabi nila,
"Sa pamamagitan ng aming pananalita
ay magtatagumpay kami.
Sasabihin namin ang gusto naming sabihin,
at walang sinumang makakapigil sa amin."
Panginoon, lituhin nʼyo
ang aking mga kaaway
at guluhin nʼyo ang kanilang
mga pag-uusap.
Dahil nakita ko ang karahasan
at kaguluhan sa lungsod.
Toda língua confessará
Ao nome de Jesus todo joelho se dobrará e toda língua confessará que Jesus Cristo é Senhor, para glória de Deus Pai.
Kaya naman itinaas siyang lubos ng Diyos
at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan,
upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri
ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.
At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon,
sa ikapupuri ng Diyos Ama.
Kung makapagsalita man ako sa ibaʼt ibang wika ng mga tao o ng mga anghel, ngunit wala naman akong pag-ibig, para lamang akong batingaw na umaalingawngaw o pompyang na tumataginting.
Sinasabi ko sa inyo na sa Araw ng Paghuhukom, mananagot ang bawat isa sa mga walang kuwentang salitang binitiwan niya. Sapagkat ibabatay sa mga salita ninyo kung paparusahan kayo o hindi."
Ngayon, bumaba ang Panginoon upang tingnan ang pagtatayo ng mga tao ng lungsod at tore. Sinabi ng Panginoon, "Ang mga taong ito ay nagkakaisa at may isang wika lang. At ang ginagawa nilang ito ay simula pa lamang ng mga binabalak pa nilang gawin. Hindi magtatagal, gagawin nila ang kahit anong gusto nilang gawin. Kaya bumaba tayo. Pag-iba-ibahin natin ang wika nila upang hindi sila magkaintindihan."
Kaya ikinalat sila ng Panginoon sa buong mundo, at nahinto ang pagtatayo nila ng lungsod. Ang lungsod na ito ay tinawag na Babel dahil doon pinag-iba-iba ng Panginoon ang wika ng mga tao, at mula roon ay pinangalat niya sila sa buong mundo.
Este artigo te tocou? Faça uma oração!
+581 estão orando agora.
Junte-se à corrente de oração.