Marido e mulher
O casamento é aliança sagrada entre marido e mulher, instituída por Deus desde o Éden. A Bíblia define papéis complementares fundados em amor, respeito e fidelidade mútua.
Instituição divina
Deus criou homem e mulher e os uniu em uma só carne. O casamento é projeto divino que reflete o amor de Cristo pela Igreja.
Kaya nilikha ng Diyos ang tao,
lalaki at babae
ayon sa wangis niya.
Pagkatapos, sinabi ng Panginoong Diyos, "Hindi mabuting mabuhay ang tao nang nag-iisa lang, kaya igagawa ko siya ng kasama na tutulong sa kanya at nararapat sa kanya."
Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.
Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ‘ginawa niya ang tao na lalaki at babae’? At sinabi pa niya, ‘Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."
Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.
Papéis no casamento
O marido ama e a mulher respeita. Ambos se submetem voluntariamente a Deus e um ao outro, em parceria e unidade.
Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa, tulad ng pagmamahal ni Kristo sa kanyang iglesya. Inihandog niya ang kanyang sarili para sa iglesya upang maging banal ito matapos linisin sa pamamagitan ng paghuhugas sa tubig at sa salita ng Diyos. Ginawa niya ito para maiharap niya sa kanyang sarili ang iglesya na maluwalhati, banal, walang kapintasan, at walang anumang bahid o dungis. Gayundin naman, dapat mahalin ng lalaki ang asawa niya tulad ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Sapagkat ang nagmamahal sa kanyang asawa ay nagmamahal sa kanyang sarili. Walang taong nasusuklam sa sariling katawan, sa halip, pinapakain niya ito at inaalagaan. Ganito rin ang ginagawa ni Kristo sa kanyang iglesya,
Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa gaya nang pagpapasakop ninyo sa Panginoon. Sapagkat ang lalaki ang siyang ulo ng kanyang asawa, tulad ni Kristo na ulo ng iglesya na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito. Kaya kung paanong nagpapasakop ang iglesya kay Kristo, dapat ding magpasakop ang mga babae sa asawa nila sa lahat ng bagay.
Kaya kayong mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa gaya ng pagmamahal ninyo sa inyong sarili. At kayong mga babae, igalang ninyo ang inyong asawa.
Mga Tuntunin sa Sambahayang Mananampalataya
Mga babae, magpasakop kayo sa inyong asawa, sapagkat iyan ang nararapat gawin bilang mananampalataya sa Panginoon.
Mga lalaki, mahalin ninyo ang inyong asawa at huwag ninyo silang pagmamalupitan.
Kayong mga babae, magpasakop kayo sa inyong mga asawa, upang kung ang asawa ninyoʼy hindi pa naniniwala sa salita ng Diyos, maaaring madala nʼyo sila sa Panginoon sa pamamagitan ng mabuti ninyong pag-uugali kahit na hindi kayo magsalita. Sapagkat nakikita nilang may takot kayo sa Diyos at malinis ang pamumuhay ninyo.
Kayo namang mga lalaki, pakisamahan ninyong mabuti ang inyong asawa, dahil ito ang nararapat bilang isang Kristiyano. Igalang nʼyo sila bilang mga babaeng mas mahina kaysa sa inyo, dahil binigyan din sila ng Diyos ng buhay na walang hanggan katulad ninyo. Kapag ginawa nʼyo ito, sasagutin ng Diyos ang mga panalangin ninyo.
Fidelidade e união
O casamento é honroso e deve ser preservado com fidelidade. O cordão de três dobras não se rompe facilmente.
Mas mabuti ang may kasama
kaysa mag-isa;
mas marami silang magagawa.
Kapag nadapa ang isa sa kanila
maitatayo siya ng kanyang kasama.
Kaya nakakaawa ang taong nag-iisa at nadapa,
dahil walang tutulong sa kanya.
Kapag malamig, maaari kayong matulog nang magkatabi
at pareho kayong maiinitan.
Pero kung nag-iisa ka,
papaano ka maiinitan?
Madali kang matalo kung ikaw ay nag-iisa,
subalit mahirap kang talunin
kung may kasama ka.
Tulad din ng lubid na may tatlong pilipit na hibla,
mahirap itong malagot.
Mahirap hanapin ang mabuting asawa.
Higit pa sa mamahaling alahas
ang kanyang halaga.
Lubos ang tiwala sa kanya
ng kanyang asawa,
at wala na itong mahihiling pa sa kanya.
Kung nakapag-asawa ka,
nakatanggap ka ng kabutihan,
at ito ang nagpapakita na mabuti
ang Panginoon sa iyo.
Bahay at kayamanan sa magulang
ay namamana,
ngunit ang Panginoon lang
ang nagbibigay ng maalam na asawa.
Ang mabuting maybahay
ay kasiyahan at karangalan
ng kanyang asawa,
ngunit parang kanser sa buto
ang nakakahiyang asawa.
Pagpalain sana ang iyong asawa.
Maging maligaya ka sa kanya,
na napangasawa mo noong kayoʼy
mga bata pa.
Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.
Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,
at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.
Permanecer juntos
O que Deus uniu, o homem não separe. A Bíblia protege o casamento e orienta sobre convivência, perdão e perseverança conjugal.
Ang Tanong tungkol sa Pag-aasawa
Ngayon, ito naman ang masasabi ko tungkol sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin. Makabubuti sa isang lalaki kung hindi siya magkakaroon ng seksuwal na relasyon. Ngunit dahil marami ang natutuksong gumawa ng seksuwal na imoralidad, mas mabuting mag-asawa ang bawat lalaki o babae. Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa. Ganoon din ang lalaki, hindi na siya ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa. Kaya huwag ninyong ipagkait ang pagsiping sa inyong asawa, maliban na lamang kung napagkasunduan ninyong ipagpaliban ito, upang mailaan ninyo ang inyong mga sarili sa pananalangin. Ngunit pagkalipas ng inyong pinagkasunduan, magsiping na uli kayo dahil baka hindi na kayo makapagpigil at matukso kayo ni Satanas.
Ngayon, sa inyong mga may asawa, may utos ako na sinabi mismo ng Panginoon: Hindi dapat hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae sa kanyang asawa. Ngunit kung hihiwalay ang babae sa kanyang asawa, dapat manatili siyang walang asawa o di kayaʼy bumalik na lamang sa kanyang asawa.
Subalit kung gustong humiwalay ng asawang hindi mananampalataya, hayaan siyang humiwalay. Sa ganitong pangyayari ay wala nang pananagutan ang mananampalatayang asawa, dahil tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Anong malay ninyo, mga babae, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo? At kayong mga lalaki, anong malay ninyo, baka maligtas pa ang inyong asawa dahil sa inyo?
Halimbawa, ayon sa batas, ang isang babaeng may asawa ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Ngunit kung namatay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na nagtatali sa kanya sa asawa niya.
Kung bagong kasal ang isang lalaki, huwag ninyo siyang isasama sa labanan o bibigyan ng anumang tungkulin sa bayan sa loob ng isang taon, para manatili muna siya sa kanyang bahay at mabigyan ng kasiyahan ang kanyang asawa.