Pular para o conteúdo
Publicidade

Materialismo

Por Bíblia Online

O materialismo é uma armadilha espiritual. A Bíblia alerta que o amor ao dinheiro é raiz de todos os males e nos chama a buscar tesouros no céu, não na terra.

O perigo das riquezas

Que aproveita ao homem ganhar o mundo inteiro e perder a sua alma? O materialismo engana e afasta do que realmente importa.

Ano naman ang mapapala ng tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, ngunit mapapahamak naman ang kanyang buhay? May maibabayad ba siya para mabawi niya ang kanyang buhay?

Ano ba ang mapapala ng isang tao kung mapasakanya man ang lahat ng bagay sa mundo, subalit mapapahamak naman ang kanyang kaluluwa?

Ang mga taong naghahangad yumaman ay nahuhulog sa tukso, sa isang bitag ng mapanira at walang kabuluhang mga hangarin na nagdadala sa kanila sa kamatayan at kapahamakan.

Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.

Ang totoo, wala tayong dinala sa mundong ito, at wala rin tayong madadala pag-alis dito. Kaya kung mayroon na tayong pagkain at pananamit, dapat na tayong makontento.

Tesouros no céu

Ajuntai tesouros no céu, onde traça e ferrugem não consomem. O bom nome vale mais que muitas riquezas, e a sabedoria supera o ouro.

Ang Katuruan tungkol sa Kayamanan at Ari-arian

"Huwag kayong mag-imbak ng mga kayamanan ninyo dito sa lupa, kung saan may insekto at kalawang na naninira, at may kawatang nakakapasok upang magnakaw nito. Sa halip, mag-ipon kayo ng kayamanan sa langit, kung saan walang insekto at kalawang na naninira, at walang kawatang papasok upang magnakaw nito.

Sapagkat kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din ang iyong puso.

Sumagot si Hesus, "Kung nais mong maging ganap, umuwi ka at ipagbili ang iyong mga ari-arian at ipamigay mo ang mapagbebentahan sa mga mahihirap. At magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod sa akin."

Mas mabuting piliin ang malinis na pangalan

kaysa sa maraming kayamanan.

Ang paggalang ng tao sa iyo

ay mas mahalaga pa

kaysa pilak at ginto.

Higit na mabuti ang magkaroon

ng karunungan at pang-unawa,

kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.

Mas mabuti pang maging mahirap

na may takot sa Panginoon,

kaysa maging mayaman na ang buhay

ay puno ng kaguluhan.

Contentamento e generosidade

Grande ganho é a piedade com contentamento. A cobiça é idolatria, mas a generosidade traz alegria e bênção.

Kung sabagay, daig pa ng taong namumuhay nang banal at kontento na sa kalagayan ang mayaman.

Sabihin mo sa mga mayayaman sa mundong ito na huwag silang maging mayabang o umasa sa kayamanan nilang madaling mawala. Sa halip, umasa sila sa Diyos na nagkakaloob sa atin ng lahat ng bagay na ikasisiya natin.

Iwasan nʼyo ang pagiging sakim sa salapi. Maging kontento kayo sa kung anuman ang nasa inyo, sapagkat sinabi ng Diyos,

"Hinding-hindi ko kayo iiwan

ni pababayaan man."

Kaya puksain na ninyo ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang seksuwal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.

Pagkatapos, sinabi rin niya sa kanila, "Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman, dahil ang buhay ng tao ay hindi nasusukat sa dami ng kanyang pag-aari."

Ang taong maibigin sa pera

at iba pang kayamanan,

kailanman ay hindi masisiyahan.

Wala rin itong kabuluhan.

Kung paanong hubad tayong ipinanganak

mula sa sinapupunan ng ating ina,

hubad din tayong mamamatay.

Hindi natin madadala ang ating mga pinaghirapan.

O invisível acima do visível

As coisas que se veem são temporais; as que não se veem são eternas. Devemos fixar os olhos no que é permanente e verdadeiro.

Kaya hindi nakatuon ang aming mga mata sa mga bagay na nakikita kundi sa mga bagay na hindi nakikita. Sapagkat ang mga bagay na nakikita ay panandalian lamang, ngunit ang mga bagay na hindi nakikita ay walang hanggan.

Ang akala ng taong mayaman

ay maipagtatanggol siya

ng kanyang kayamanan

tulad ng mga pader na nakapalibot

sa buong bayan.

Ang kayamanan ay hindi makakatulong

sa araw ng paghuhukom,

ngunit ang matuwid na pamumuhay

ay magliligtas sa iyo sa kamatayan.

Dahil ang kayamanan

ay madaling mawala

at tila may pakpak

na lumilipad sa kalawakan

tulad ng isang agila.

Ang taong tamad

ay laging naghahangad na makatanggap,

ngunit ang taong matuwid

ay nagbibigay nang walang alinlangan.

Una, ilayo ninyo ako

sa kasinungalingan at kabulaanan.

Pangalawa, huwag ninyo akong

gawing mayaman o mahirap,

sa halip bigyan lamang ninyo ako

ng pagkain na aking kakailanganin.

Nais ko ring ang mga babae ay maging maayos sa pananamit nila, marangal at nararapat, at iwasan ang labis na pag-aayos ng buhok at pagsusuot ng mga alahas o mamahaling damit. Sa halip, ang dapat makita sa kanila ay mabubuting gawa, sapagkat ito ang nararapat sa mga babaeng sumasampalataya sa Diyos.

Nagtutulungan ang mga Mananampalataya

Nagkaisa ang mga mananampalataya sa damdamin at isipan. Itinuring ng bawat isa na ang kanilang mga ari-arian ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi para sa lahat.

Seja o primeiro