Nascimento de bebê
Cada bebê que nasce é uma dádiva de Deus. A Bíblia celebra o nascimento como obra das mãos do Criador, que forma cada criança no ventre com amor e propósito.
Formados por Deus
Deus tece cada bebê no ventre materno. Antes mesmo de nascer, somos conhecidos e amados pelo Criador de todas as coisas.
Kilala ninyo ako, dahil kayo
ang lumalang sa akin.
Kayo ang humubog sa akin
sa sinapupunan ng aking ina.
Pinupuri ko kayo
sa kahanga-hangang pagkalikha ninyo sa akin.
Alam na alam kong ang inyong mga gawa
ay tunay na kahanga-hanga.
Nakita ninyo ang aking mga buto
nang akoʼy lihim na hubugin
sa sinapupunan ng aking ina.
Nakita na ninyo ako,
hindi pa man ako isinisilang.
Ang itinakdang mga araw
na akoʼy mabubuhay
ay nakasulat na sa aklat ninyo
bago pa man ito mangyari.
"Jeremias, bago kita nilikha sa tiyan ng iyong ina,
pinili na kita.
At bago ka isinilang, hinirang kita
at itinalaga upang maging propeta
sa mga bansa."
Ngunit kayo ang naglabas sa akin
sa sinapupunan ng aking ina,
at tinuruan nʼyo akong magtiwala sa inyo
kahit noong akoʼy sanggol pa lamang.
Kung paanong hindi mo nalalaman
ang direksyon ng hangin
o kung paano lumalaki ang sanggol
sa sinapupunan ng kanyang ina,
hindi mo rin maiintindihan
ang gawa ng Diyos,
ang Manlilikha ng lahat ng bagay.
Dadalhin ko ba ang bansang ito
sa araw ng kanyang kapanganakan,
at pagkatapos ay hindi ko siya hahayaang mailuwal?"
wika ng Panginoon.
"Siyempre hindi!
Hindi ko pipigilang maipanganak ito,"
sabi ng Diyos.
Bênção e presente
Os filhos são herança do Senhor. Cada bebê é uma boa dádiva que vem do alto, do Pai das luzes, motivo de alegria e gratidão.
Ang mga anak ay pagpapala
at gantimpalang mula sa Panginoon.
Lahat ng mabubuti at angkop na kaloob ay nanggagaling sa Diyos na siyang lumikha ng mga bagay sa langit na nagbibigay-liwanag. At kahit pabago-bago at paiba-iba ang anyo ng anino ng mga ito, ang Diyos ay hindi nagbabago.
Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko.
Katulad ito ng isang babaeng naghihirap dahil malapit nang manganak. Ngunit pagkasilang ng sanggol, nakakalimutan na niya ang lahat ng hirap dahil sa kagalakan sapagkat naisilang na niya ang sanggol dito sa mundo.
Acolher as crianças
Jesus acolheu as crianças e as abençoou. O Senhor ama cada pequenino e reserva para eles o Reino dos céus.
Sinabi ni Hesus sa mga alagad niya, "Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata. Huwag ninyo silang pigilan, dahil ang mga katulad nila ang makakapasok sa kaharian ng Langit."
Pagkatapos nitoʼy kinalong niya ang mga bata, ipinatong ang kanyang kamay sa kanila at pinagpala.