Pai da mentira
A Bíblia revela que o diabo é o pai da mentira. Ele engana, acusa e tenta destruir. Mas Cristo veio para desfazer as obras do maligno e nos dar vitória.
O caráter do diabo
Jesus disse que o diabo é mentiroso e homicida desde o princípio. Não há verdade nele — a mentira é sua natureza.
Ang diyablo ang inyong ama. At kung ano ang gusto niya, iyon ang ginagawa ninyo. Siyaʼy mamamatay-tao mula pa sa simula, at ayaw niya ng katotohanan dahil walang katotohanan sa kanya. Likas sa kanya ang pagsisinungaling dahil sinungaling siya, at siya ang ama ng kasinungalingan.
Nang gabing iyon, naghapunan si Hesus kasama ang kanyang mga alagad. Inudyukan na ni diyablo si Judas Iscariote, na anak ni Simon, na ipagkanulo niya si Hesus.
Kaya itinaboy ang malaking dragon; ang ahas noong unang panahon na diyablo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo. Itinapon siya sa lupa kasama ang kanyang mga anghel.
Pagkatapos, narinig ko ang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi:
"Dumating na ang kaligtasan at kapangyarihan,
at ang kaharian ng Diyos
at ang awtoridad ng Mesias.
Sapagkat ang umaakusa sa ating mga kapatid
na nagpaparatang sa kanila araw at gabi
ay ibinagsak na sa mundo.
At hindi naman iyan nakapagtataka, dahil maging si Satanas ay nagpapanggap bilang anghel ng Diyos na nagbibigay-liwanag.
Ayaw nilang maniwala sa Magandang Balita dahil ang kanilang mga isipan ay binulag ni Satanas na naghahari sa mundong ito. Binulag niya sila upang hindi nila maintindihan ang Magandang Balita tungkol sa kapangyarihan ni Kristo, na siyang larawan ng Diyos.
As obras do inimigo
O diabo rouba a Palavra semeada, cega o entendimento dos incrédulos e anda em derredor como leão rugidor buscando a quem devorar.
Kapag may taong nakarinig ng mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos ngunit hindi naman niya iyon inuunawa, darating si Satanas at tatangayin ang salita ng Diyos sa puso niya. Siya ang maihahalintulad sa tabi ng daan kung saan nahulog ang ilang binhi.
Ang bukid ay ang mundo, at ang mabuting binhi ay ang mga kabilang sa kaharian ng Diyos. Ang mga damo naman ay ang mga taong sakop ni Satanas. Si Satanas ang kaaway na nagtanim sa kanila. Ang anihan ay ang katapusan ng mundo, at ang tagapag-ani ay ang mga anghel.
Humanda kayo at mag-ingat, dahil ang kaaway ninyo, ang diyablo, ay umaali-aligid na parang leong umaatungal at naghahanap ng malalapa.
Darating ang suwail na tao na taglay ang kapangyarihan ni Satanas. Gagawa siya ng lahat ng uri ng nakalilinlang na himala, tanda at kababalaghan.
Hindi na ako magsasalita nang matagal dahil darating na ang naghahari sa mundong ito. Wala siyang kapangyarihan sa akin.
Vitória em Cristo
Cristo apareceu para destruir as obras do diabo. Quem está em Deus é protegido, e o maligno não o toca.
Ngunit ang nagpapatuloy sa kasalanan ay kampon ng diyablo, dahil ang diyablo ay gumagawa na ng kasalanan mula pa sa simula. Ito ang dahilan kung bakit naparito ang Anak ng Diyos: upang wasakin ang mga gawa ng diyablo.
Alam nating ang sinumang naging anak ng Diyos ay hindi na nagpapatuloy sa kasalanan, sapagkat iniingatan siya ng Anak ng Diyos at hindi siya maaaring saktan ng diyablo. At alam nating tayoʼy mga anak ng Diyos, at ang buong mundo ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng diyablo.
para imulat mo ang kanilang mga mata at mula sa kadiliman ay dadalhin mo sila sa liwanag, at ililigtas mo sila sa kapangyarihan ni Satanas patungo sa Diyos, nang sa gayoʼy mapatawad ang kanilang mga kasalanan, at mapabilang sila sa mga taong hinirang ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya sa akin.’
At si Satanas na dumaya sa kanila ay itatapon sa lawang apoy at asupre, na siya ring pinagtapunan ng halimaw at ng huwad at sinungaling na propeta. Magkakasama silang parurusahan at pahihirapan araw-gabi, magpakailanman.
Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo.
Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.