Paixão
A Bíblia nos chama a dominar as paixões e desejos da carne. O cristão é chamado a viver pelo Espírito, crucificando as obras da carne e buscando a santidade em tudo.
Crucificar a carne
Os que são de Cristo crucificaram a carne com suas paixões e concupiscências. O domínio próprio é fruto do Espírito Santo.
Ipinako na ng mga nakay Kristo Hesus ang pagnanasa at masasamang hangarin ng kanilang laman doon sa krus.
Kaya puksain na ninyo ang anumang kamunduhang nasa inyo: ang seksuwal na imoralidad, kalaswaan, pagnanasa, at kasakiman na katumbas na rin ng pagsamba sa mga diyos-diyosan.
Mga minamahal, kayoʼy mga dayuhan lamang dito sa mundo. Kaya nakikiusap ako sa inyong talikuran na ninyo ang masasamang pagnanasa ng inyong katawan na nakikipaglaban sa inyong espiritu.
Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos.
Tudo para a glória de Deus
Quer comamos, quer bebamos, tudo deve ser feito para a glória de Deus. Devemos fugir das paixões que guerreiam contra a alma.
Kaya kung kumain man kayo o uminom, o anuman ang gawin ninyo, gawin ninyo ang lahat ng ito para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Ngunit kung hindi kayo makapagpigil sa inyong sarili, mag-asawa na lamang kayo. Mas mabuti na ito kaysa sa magkasala kayo dahil sa matinding pagnanasa ng laman.
Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan na lang sila ng Diyos na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipagrelasyon nila sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Ganoon din ang mga lalaki. Tinalikuran nila ang natural na pakikipagrelasyon sa babae, at sa halip ay nahumaling sa kapwa lalaki. Kahiya-hiya ang ginagawa nila sa isaʼt isa. Dahil dito, pinarusahan sila ng Diyos ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.
Sapagkat darating ang panahon na ayaw nang makinig ng mga tao sa tamang aral. Sa halip, hahanap sila ng mga gurong magtuturo lamang ng gusto nilang marinig para masunod nila ang kanilang layaw. Hindi na nila pakikinggan ang katotohanan at babaling sila sa mga aral na gawa-gawa lang ng tao.
At kung humihingi naman kayo, wala kayong natatanggap dahil humihingi kayo nang may masamang motibo para mapagbigyan ang sarili ninyong kasiyahan.