Paz
A paz é um dos frutos do Espírito e uma promessa central de Jesus: 'Deixo-vos a paz, a minha paz vos dou.' A Bíblia nos chama a buscar, cultivar e viver na paz de Deus.
A paz de Cristo
Jesus é o Príncipe da Paz. Antes de partir, prometeu aos discípulos uma paz que o mundo não pode dar nem tirar — paz sobrenatural em meio às tribulações.
"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.
"Huwag kayong mabagabag, at huwag kayong matakot, dahil iniiwan ko sa inyo ang kapayapaan. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo. Hindi ito katulad ng kapayapaang ibinibigay ng mundo.
"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."
"Sinabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang magkaroon kayo ng kapayapaan sa akin. Daranas kayo ng paghihirap dito sa mundo, ngunit magpakatatag kayo dahil nagtagumpay na ako laban sa kapangyarihan ng mundo."
Ipapanganak ang isang batang lalaki
na maghahari sa amin.
Tatawagin siyang,
"Kahanga-hangang Tagapayo,
Diyos na Makapangyarihan,
Walang Hanggang Ama,
at Prinsipe ng Kapayapaan."
Habang pinag-uusapan nila ito, nagpakita si Hesus at tumayo sa kalagitnaan nila, at binati sila, "Sumainyo ang kapayapaan!"
Paz com Deus
Justificados pela fé, temos paz com Deus por meio de Cristo. Ele é a nossa paz, que derrubou a barreira e nos reconciliou.
Samakatuwid, ngayong itinuturing na tayong matuwid dahil sa pananampalataya natin kay Kristo, mayroon na tayong kapayapaang dulot ng magandang relasyon natin sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Sapagkat siya mismo ang nagbigay sa atin ng kapayapaan. Inalis niya ang alitang namamagitan sa atin, na animoʼy pader na naghihiwalay sa atin. Sa kanyang kamatayan ay pinawalang-bisa niya ang Kautusan, kasama ang mga utos at mga tuntunin nito. Ginawa niya ito upang maging isang katawan tayong mga Hudyo at mga Hentil, at sa ganitong paraan ay pinagkasundo niya tayo.
at sa pamamagitan ni Kristo, ipagkakasundo sa kanya ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa sa pamamagitan ng dugong itinigis ni Kristo sa krus.
Sa inyong lahat na nasa Roma na minamahal ng Diyos at hinirang, na ang ibig sabihin ay "itinuring ng Diyos na kanya." Ganito rin sa ibang bahagi ng aklat na ito. niyang maging banal na mga tao niya, sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Hesu-Kristo.
A paz que excede o entendimento
A paz de Deus, que excede todo entendimento, guarda nosso coração e mente. Ela vem da confiança no Senhor e da entrega total a Ele.
Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay. Sa halip, ilapit ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong pangangailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. Kapag ginawa ninyo ito, bibigyan kayo ng Diyos ng kapayapaan na siyang mag-iingat sa puso ninyo at pag-iisip dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus. At ang kapayapaang ito ay hindi kayang unawain ng tao.
Ipamuhay ninyo ang lahat ng natutunan ninyo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Ipamuhay ninyo ang lahat ng natutunan ninyo at tinanggap mula sa akin, sa salita at sa gawa, at sasainyo ang Diyos na nagbibigay ng kapayapaan.
Panginoon, bigyan nʼyo
nang lubos na kapayapaan
ang taong kayo lagi ang iniisip
dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Panginoon, bigyan nʼyo
nang lubos na kapayapaan
ang taong kayo lagi ang iniisip
dahil nagtitiwala siya sa inyo.
Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.
Paghariin ninyo sa mga puso nʼyo ang kapayapaan ni Kristo. Sapagkat bilang mga bahagi ng iisang katawan, tinawag kayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa. Dapat din kayong maging mapagpasalamat.
Promotores da paz
Bem-aventurados os pacificadores, porque serão chamados filhos de Deus. A Escritura nos chama a buscar e promover a paz em todos os relacionamentos.
Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,
sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.
Pinagpala ang mga taong nagtataguyod ng kapayapaan,
sapagkat ituturing silang mga anak ng Diyos.
Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang makipamuhay nang mapayapa sa lahat ng tao.
Kaya pagsikapan nating gawin palagi ang mga bagay na magbibigay ng kapayapaan at makakapagpatibay sa isaʼt isa.
Sapagkat ang paghahari ng Diyos ay hindi tungkol sa pagkain o inumin, kundi sa matuwid na pamumuhay, magandang relasyon sa kapwa, at kagalakan na nagmumula sa Banal na Espiritu.
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.
Sapagkat sinasabi ng Kasulatan:
"Ang sinumang nagnanais
ng maligaya at masaganang pamumuhay
ay hindi dapat magsalita ng masama
at iwasang magsabi ng kasinungalingan.
Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti.
Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.
Dapat lumayo siya sa masama at gawin ang mabuti.
Pagsikapan niyang kamtin ang kapayapaan.
Lumayo kayo sa masama
at gawin ninyo ang mabuti.
Pagsikapan ninyong kamtin
ang kapayapaan.
Lumayo kayo sa masama
at gawin ninyo ang mabuti.
Pagsikapan ninyong kamtin
ang kapayapaan.
O fruto da paz
A sabedoria que vem do alto é pacífica. O fruto da justiça se semeia em paz por aqueles que cultivam a paz com mansidão.
Ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba.
Ang taong maibigin sa kapayapaan at nagpapalaganap nito ay nagdudulot ng maayos na relasyon sa iba.
Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.
Ngunit ito ang bungang makikita sa taong namumuhay sa kapangyarihan ng Espiritu: pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiis, kabutihan, kagandahang-loob, katapatan,
At ang bunga ng katuwiran
ay ang mabuting kalagayan,
kapayapaan, at kapanatagan magpakailanman.
Habang dinidisiplina tayo, hindi tayo natutuwa kundi nasasaktan. Ngunit sa bandang huli, magbubunga ito ng mapayapa at matuwid na pamumuhay.
Paz interior e descanso
Aquietai-vos e sabei que Eu sou Deus. A paz do Senhor acalma tempestades, silencia medos e sustenta a alma em todo tempo.
Sinasabi niya,
"Tumigil kayo at kilalanin ninyo na ako ang Diyos.
Akoʼy pararangalan sa mga bansa.
Akoʼy papupurihan sa buong mundo."
Sa aking pagtulog, panatag ang aking loob,
sapagkat kayo, Panginoon, ang nakabantay sa akin.
Ang Panginoon ang nagbibigay
ng kalakasan sa kanyang mga mamamayan,
at pinagpapala niya sila ng mabuting kalagayan.
Ngunit ang mga mapagpakumbaba
ay patuloy na mananahan sa lupain ng Israel
nang mapayapa at masagana.
Tingnan mo ang taong totoo at matuwid.
May magandang kinabukasan
at tahimik na pamumuhay.
Magiging payapaʼt tiwasay
ang kalagayan ng mga umiibig
sa inyong kautusan,
at silaʼy hindi mabubuwal.
Magiging payapaʼt tiwasay
ang kalagayan ng mga umiibig
sa inyong kautusan,
at silaʼy hindi mabubuwal.
Ang nais koʼy kapayapaan,
ngunit kapag akoʼy nagsalita tungkol sa kapayapaan,
ang gusto nilaʼy digmaan.
Kaya bumangon siya at inutusan ang hangin, "Tigil!" at sinabihan ang lawa, "Kumalma ka!" Tumigil nga ang hangin at kumalma ang mga alon.
Sinabi sa kanya ni Hesus, "Anak, pinagaling ka ng iyong pananampalataya. Malaya ka na sa iyong paghihirap, kaya umuwi kang mapayapa."
"Mabuti ang asin, pero kung itoʼy mawalan ng lasa, wala nang magagawa para maibalik ang alat nito. Dapat maging tulad kayo ng asin na kapaki-pakinabang, at mamuhay kayong may kapayapaan sa isaʼt isa."
Anunciadores da paz
Como são formosos os pés dos que anunciam boas novas de paz! O evangelho é a mensagem de paz para todos os povos.
At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: "Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita."
Napakagandang pagmasdan
sa kabundukan
ang mga sugong dala-dala
ang magandang balita;
balita na naghahayag ng kapayapaan,
at nagsasaad ng kabutihan
tungkol sa pagliligtas ng Diyos.
Sasabihin nila sa Zion,
"Naghahari na ang iyong Diyos!"
"Papuri sa Diyos sa kaitaasan,
at sa lupa naman ay kapayapaan sa mga taong kanyang kinalulugdan!"
Sinabi nila,
"Pinagpala ang haring dumarating sa ngalan ng Panginoon!"
"Kapayapaan sa langit, at papuri sa Kaitaas-taasan."
Mga taga-Juda,
tingnan ninyo ang kabundukan!
Dumarating na ang mensaherong
maghahatid ng magandang balita
ng kapayapaan sa inyong bayan.
Kaya ipagdiwang ninyo ang inyong mga pista,
at tuparin ninyo
ang inyong mga panata sa Panginoon.
Sapagkat ang masamang bansa ng Asiria
ay hindi na sasalakay sa inyo,
dahil lubusan na silang lilipulin.
Isuot ninyo bilang sapatos ang pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita na nagbibigay ng kapayapaan.
O Deus da paz
Que o Deus da paz esteja com todos vocês. Ele nos santifica por completo e nos guarda irrepreensíveis para a vinda do Senhor.
Patnubayan nawa kayo ng Diyos na nagbibigay ng kapayapaan. Amen.
Nawaʼy ang Panginoon na pinagmumulan ng kapayapaan ang siya ring magbigay sa inyo ng kapayapaan sa lahat ng pagkakataon, maging anuman ang kalagayan ninyo. At patnubayan nawa kayong lahat ng Panginoon.
Idinadalangin ko rin kayo sa Diyos na siyang pinagmumulan ng kapayapaan. Siya ang bumuhay sa ating Panginoong Hesus na Dakilang Pastol nating mga tupa niya. At dahil sa kanyang dugo, pinagtibay niya ang walang hanggang kasunduan.
Sapagkat ang Diyos ay hindi nagdadala ng kaguluhan kundi kaayusan – tulad ng nakaugalian sa lahat ng iglesya ng mga hinirang ng Diyos.
‘Pagpalain nawa kayo ng Panginoon.
Ipakita nawa ng Panginoon
ang kanyang kabutihan
at awa sa inyo.
At malugod nawa
ang Panginoon sa inyo
at bigyan niya kayo ng kapayapaan.’
Sapagkat nalalaman ko ang mga planong inilaan ko para sa inyo,’ sabi ng Panginoon, ‘mga plano para sa ikabubuti ninyo at hindi sa ikasasama ninyo, at mga planong magbibigay sa inyo ng pag-asa at magandang kinabukasan.
" ‘Ngunit darating ang araw na pagagalingin ko ang lungsod na ito at ang mga mamamayan nito. At mamumuhay silang may kaunlaran at kapayapaan.
Ang iyong mga anak
ay tuturuan ng Panginoon
at silaʼy magkakaroon ng kapayapaan.
Kayo ay hahayo nang masaya
mula sa Babilonia
at mapayapang papatnubayan ng Diyos.
Ang mga bundok at mga burol
ay parang mga taong aawit sa tuwa.
At ang lahat ng mga puno
ay parang mga taong magpapalakpakan.
"Ang taong masama
ay hindi mabubuhay ng payapa,"
sabi ng aking Diyos.
Paz, santidade e unidade
A paz exige esforço: guardar a unidade do Espírito, evitar contendas e buscar a santidade. Sem paz e santidade, ninguém verá o Senhor.
Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa ninyo mula sa Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan.
Pagsikapan ninyong mapanatili ang pagkakaisa ninyo mula sa Espiritu sa pamamagitan ng mapayapa ninyong pagsasamahan.
Kaya iwasan mo ang masasamang hilig ng kabataan. Pagsikapan mong mamuhay nang matuwid, tapat, mapagmahal at may mabuting pakikitungo sa kapwa, kasama ng mga tumatawag sa Panginoon nang may malinis na puso.
Maging mapagparaya kayo sa isaʼt isa at magpatawaran kayo kung may hinanakit kayo kaninuman, dahil pinatawad din kayo ng Panginoon.
Kapag kinalulugdan ng Panginoon
ang ating pamumuhay,
kahit na ang ating kaaway
ay gagawin niyang ating kaibigan.
Higit na mabuti ang taong mapagpasensya
kaysa sa taong makapangyarihan.
Higit na mabuti ang taong
nakakapagpigil sa sarili
kaysa sa taong nakakasakop
ng isang lungsod.
Ang pag-iwas sa gulo
ay tanda ng karangalan;
ang hangal lang ang may gusto
ng kaguluhan.
Sa lahat ng pinili ng Diyos at namumuhay ayon sa mga turo kong ito, sumainyo nawa ang kapayapaan at awa ng Diyos.
sumainyo nawa ang nag-uumapaw na awa, kapayapaan, at pag-ibig mula sa Diyos.
Paz e fé
O Deus da esperança nos encha de paz e alegria no crer. Quem mantém o pensamento firme no Senhor experimenta paz perfeita.
Nawa ang Diyos na nagbibigay sa atin ng pag-asa ang siya ring magbigay sa inyo ng buong kagalakan at kapayapaan dahil sa inyong pananampalataya sa kanya, upang patuloy na lumago ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan.
Ang pagsunod sa nais ng makasalanang pagkatao ay hahantong sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa nais ng Espiritu ay hahantong sa buhay at kapayapaan.
kapahamakan at hinagpis
ang lagi nilang dala.
Hindi nila alam ang mamuhay nang mapayapa."
"Walang bahid ng takot sa Diyos
sa kanilang mga mata."
Sinabi ni Hesus sa babae, "Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi kang mapayapa."
"Pagpasok nʼyo sa alinmang bahay, bumati muna kayo ng, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa tahanang ito.’
At kung sa palagay niyaʼy hindi niya kaya, magpapadala na lang siya ng mga kinatawan para makipagkasundo bago dumating ang kanyang kaaway.
Kung karapat-dapat ang tahanang iyon, igawad ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Kung hindi, bawiin ninyo ito.
"Huwag ninyong isipin na naparito ako para maghatid ng kapayapaan sa lupa. Hindi ako naparito para magkaroon ng kapayapaan, kundi hidwaan.
Bilang pangwakas, mga kapatid, maging magalak kayo. Sikapin ninyo na walang makitang kapintasan sa inyo, at palakasin ninyo ang loob ng isaʼt isa. Magkaisa kayo at mamuhay nang mapayapa. Nang sa gayon, ang Diyos ng pag-ibig at kapayapaan ay sasainyo.
upang tanglawan ang mga taong nasa kadiliman at takot sa kamatayan.
At tayoʼy patnubayan sa daan ng kapayapaan."
Ikaw naman Abram, pahahabain ko ang buhay mo at mamamatay ka sa katandaan na may kapayapaan.
May oras ng pagmamahal
at may oras ng pagkagalit;
may oras ng digmaan
at may oras ng kapayapaan.
Wala kayong alam tungkol
sa mapayapang pamumuhay.
Binabalewala ninyo ang katarungan
at binabaluktot pa ninyo ito.
Ang sinumang sumunod
sa inyong mga ginagawa
ay hindi rin makakaranas
ng mapayapang pamumuhay.
Dahil sa kanyang kakayahan, magtatagumpay siya sa kanyang pandaraya. Ipagmamalaki niya ang kanyang sarili, at maraming tao ang kanyang papatayin nang walang anumang babala. Lalabanan niya pati ang Pinuno ng mga pinuno. Ngunit lilipulin siya hindi sa kapangyarihan ng tao kundi sa kapangyarihan ng Diyos.
Sa hindi inaasahan ng mga tao, bigla niyang lulusubin ang mauunlad na lugar ng isang lalawigan. Gagawin niya ang hindi ginawa ng kanyang mga ninuno. Hahati-hatiin niya sa mga tagasunod niya ang kanyang mga nasamsam sa labanan. Pinaplano niyang salakayin ang mga tanggulan, pero sa maikling panahon lamang.
Darating sa kanila ang takot
at hahanapin nila kapayapaan
ngunit hindi nila ito matatagpuan.
na walang iba kundi ang mga propeta ng Israel na humula na magiging maayos ang kalagayan ng Jerusalem at nakakita ng mga pangitain ng kapayapaan, pero kasinungalingan naman. Ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ang nagsasabi nito.
Sa aking kasunduan kay Levi, ipinangako ko sa kanya ang buhay at kapayapaan, basta igalang lamang niya ako. At iyan nga ang kanyang ginawa.
Subalit kung gustong humiwalay ng asawang hindi mananampalataya, hayaan siyang humiwalay. Sa ganitong pangyayari ay wala nang pananagutan ang mananampalatayang asawa, dahil tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang mapayapa.
At lumitaw ang isang pulang kabayo. Ang nakasakay ay pinahintulutang alisin ang kapayapaan sa lupa; binigyan siya ng kapangyarihang alisin ang kapayapaan sa mundo upang magpatayan ang mga tao. Ibinigay sa kanya ang isang malaking espada.