Poder de decisão
Deus nos deu o poder de escolher. A Bíblia mostra que nossas decisões têm consequências eternas e nos chama a escolher sabiamente — a vida, a fé e o caminho de Deus.
A responsabilidade de escolher
Escolhei hoje a quem servireis. Cada decisão molda nosso destino, e Deus nos convida a escolher o caminho da vida e da obediência.
Ngunit kung ayaw nʼyong maglingkod sa Panginoon, mamili kayo ngayon sa araw na ito kung sino ang paglilingkuran ninyo. Maglilingkod ba kayo sa mga diyos na pinaglilingkuran ng mga ninuno nʼyo sa kabila ng Ilog Eufrates, o sa mga diyos ng mga Amoreo na ang lupain ay tinitirhan nʼyo ngayon? Ngunit para sa akin at sa pamilya ko, maglilingkod kami sa Panginoon."
Sinabi ni Josue, "Kayo mismo ang mga saksi sa mga sarili nʼyo na pinili ninyong paglingkuran ang Panginoon." Sumagot sila, "Oo, mga saksi kami."
"Kaya sinasabi ko sa inyo, mga mamamayan ng Israel, ako, ang Makapangyarihang Panginoon, ako ang hahatol sa bawat isa sa inyo ayon sa inyong mga ginawa. Kaya, magsisi na kayo! Talikuran na ninyo ang lahat ng inyong kasalanan upang hindi kayo mapahamak. Mga mamamayan ng Israel, bakit gusto ninyong mamatay? Tumigil na kayo sa paggawa ng kasalanan at baguhin na ang inyong pamumuhay. Hindi ako natutuwa kapag may namamatay. Kaya magsisi na kayo para kayoʼy mabuhay, sabi ng Makapangyarihang Panginoon."
"Nalalaman ko ang mga ginagawa ninyo. Alam kong hindi kayo malamig o mainit. Maigi sana kung mainit kayo o malamig, ngunit maligamgam kayo, kaya isusuka ko kayo.
Decisões e consequências
Deus retribuirá a cada um segundo as suas obras. As Escrituras nos alertam que a mornidão espiritual e a resistência ao Espírito têm consequências sérias.
Sapagkat ibibigay ng Diyos sa bawat isa ang nararapat ayon sa kanyang mga gawa. Bibigyan niya ng buhay na walang hanggan ang mga taong nagpapatuloy sa paggawa ng mabuti, na ang hangad ay makamtan ang karangalan, kaluwalhatian, at buhay na walang hanggan. Ngunit sa iba naman na walang ibang iniisip kundi ang sarili at ayaw sumunod sa katotohanan kundi sa kasamaan, ibubuhos sa kanila ng Diyos ang kanyang matinding galit.
Sinabi ni Esteban, "Napakatigas ng ulo ninyo! Nagbibingi-bingihan kayo sa salita ng Diyos at ayaw nʼyong sumunod dito. Palagi ninyong kinakalaban ang Banal na Espiritu. Manang-mana kayo sa mga ninuno ninyo!
Kaya huwag kayong mawawalan ng pananalig sa Diyos, dahil may malaking gantimpalang nakalaan para sa inyo.
Kailangan ninyong magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos, at matanggap ninyo ang ipinangako niya. Sapagkat sinasabi ng Kasulatan:
"Sandaling panahon na lang
at darating na siya;
hindi siya magtatagal."
At,
"Ngunit ang taong matuwid ay mabubuhay
dahil sa kanyang pananampalataya.
Ngunit kung tumalikod siya sa akin,
hindi ko na siya kalulugdan."
Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Diyos at napapahamak, kundi sa mga sumasampalataya at naliligtas.
Decisão e fé
Decida com fé, entregue seus planos ao Senhor e aja com determinação. Deus guia os passos de quem se achega a Ele de coração.
Ang mga taoʼy nagpapalabunutan
subalit nasa Panginoon ang kapasyahan.
Marami tayong mga pinaplano,
ngunit ang kalooban pa rin
ng Panginoon ang masusunod.
Ipagkatiwala mo sa Panginoon
ang mga gagawin mo,
at magtatagumpay ka
sa iyong mga plano.
Ngunit hindi ako nakadama ng hiya,
dahil tinulungan ako
ng Makapangyarihang Panginoon.
Kaya nagmatigas ako
na parang batong buháy
dahil alam kong hindi
ako mapapahiya.
Malalaman ng sinumang gustong sumunod sa kalooban ng Diyos kung ang itinuturo koʼy galing nga sa Diyos o sa akin lang.
Magiging mamamayan ko sila at akoʼy magiging Diyos nila. Bibigyan ko sila ng pagkakaisa sa puso at hangarin sa buhay para sambahin nila ako magpakailanman, para sa sarili nilang kabutihan at sa kabutihan ng mga angkan nila.
Sumagot si Pedro sa kanila, "Magsisi kayo at tumalikod sa inyong mga kasalanan, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Hesu-Kristo, upang mapatawad ang inyong mga kasalanan. At matatanggap ninyo ang regalo ng Diyos na walang iba kundi ang Banal na Espiritu.
Kaya magpasakop kayo sa Diyos. Labanan ninyo ang diyablo at lalayo ito sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos at lalapit din siya sa inyo. Kayong mga makasalanan, mamuhay kayo nang malinis. At kayong mga nagdadalawang-isip, linisin ninyo ang inyong puso.