Raiva
A raiva é uma emoção humana que a Bíblia trata com seriedade. Irar-se não é pecado em si, mas a ira descontrolada destrói relacionamentos e abre porta para o mal.
Controlar a ira
A Bíblia nos exorta a ser tardios para irar-se. A resposta branda desvia o furor, e o que se controla é mais forte que um guerreiro.
Pagdinig at Paggawa
Tandaan ninyo ito, mga minamahal kong kapatid: Dapat maging handa ang lahat sa pakikinig, maging mahinahon sa pananalita, at huwag agad magagalit.
Ang malumanay na sagot
ay nakakapawi ng poot,
ngunit lalong nakakapagpagalit
ang pabalang na sagot.
Ang mapagpasensya
ay mas higit ang karunungan,
ngunit ang madaling magalit
ay nagpapakita ng kahangalan.
Ang taong hangal
ay hindi makapagpigil sa kanyang galit,
ngunit ang taong marunong
ay nakapagpipigil ng kanyang sarili.
Ang hangal ay madaling magalit,
ngunit ang taong maalam ay hindi pinapansin
ang pang-iinsulto sa kanya.
Irar-se sem pecar
Paulo ensina: irai-vos, mas não pequeis. Não deixe o sol se pôr sobre a vossa ira, para não dar lugar ao diabo.
Kung magalit man kayo, "huwag kayong magkasala". At huwag ninyong hayaan na lumipas ang araw na galit pa rin kayo. Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon si Satanas.
Ang pag-iwas sa gulo
ay tanda ng karangalan;
ang hangal lang ang may gusto
ng kaguluhan.
Ang kayabangan ay humahantong
sa kaguluhan at pagtatalo,
ngunit ang nakikinig sa payo
ay nagpapahiwatig ng karunungan.
Amor e perdão acima da raiva
O amor cobre multidão de pecados. A Bíblia nos chama a não alimentar rancor, mas a perdoar e amar, vencendo a raiva com compaixão.
Ang galit ay nagpapasimula ng kaguluhan,
ngunit ang pag-ibig ay nagpapatawad
ng lahat ng kasalanan.
Ang taong may pag-ibig ay matiisin, mabait, hindi marunong mainggit, hindi hambog o mapagmataas, hindi bastos ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim ng sama ng loob sa kapwa,
Huwag ninyong kapopootan ang inyong kapwa. Paalalahanan ninyo siya kung siyaʼy nagkasala upang wala kayong pananagutan.
Huwag kayong gumanti ng masama o magtatanim ng galit sa inyong kapwa, kundi mahalin ninyo siya gaya ng inyong sarili. Ako ang Panginoon.
Sinabi pa ni Hesus, "Ang lumalabas sa tao ang nagpaparumi sa kanya. Sapagkat sa puso ng tao nagmumula ang masamang pag-iisip na nagtutulak sa kanyang gumawa ng seksuwal na imoralidad, pagnanakaw, pagpatay, pangangalunya, kasakiman, kasamaan, pandaraya, kalaswaan, pagkainggit, paninira sa kapwa, pagmamayabang, at kahangalan. Ang lahat ng kasamaang ito ay nanggagaling sa puso ng tao, at nagpaparumi sa kanya."
Kaya mga kapatid, mag-ingat kayo upang hindi magkaroon ang sinuman sa inyo ng pusong masama at walang pananampalataya, na siyang maglalayo sa inyo sa buháy na Diyos.
"Kung ang isang babae ay hiniwalayan
ng kanyang asawa
at ang babaeng ito ay mag-asawang muli,
hindi na siya dapat bawiin ng kanyang unang asawa,
dahil magpaparumi ito nang lubos
sa inyong lupain.
Kayong mga taga-Israel
ay namumuhay na tulad
ng isang babaeng bayaran.
Marami kayong minamahal na mga diyos-diyosan.
Sa kabila ng lahat ng ito,
tatawagin ko pa rin kayo na magbalik sa akin."
Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
"Tingnan ninyo ang matataas na lugar
kung saan kayo sumasamba
sa inyong mga diyos-diyosan.
May mga lugar pa ba roon
na hindi ninyo dinungisan?
Pinarumi ninyo ang lupain
dahil sa kasamaan ninyo.
Para kayong babaeng bayaran na nakaupo
sa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki.
Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao
na naghihintay ng kanyang mabibiktima sa ilang.
Iyan ang dahilan kung bakit
hindi umuulan sa panahon ng tag-ulan.
Ngunit sa kabila nito, matigas pa rin ang iyong ulo
gaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya.
At ngayon sinasabi ninyo sa akin,
‘Ama ko, kayo po ay kasama ko
mula noong bata pa ako.
Palagi na lang ba kayong galit sa akin?
Hanggang kailan pa po ba kayo
magagalit sa akin?’
Ito ang sinasabi ninyo,
ngunit inyo namang ginagawa
ang lahat ng masamang
magagawa ninyo."
Ginaya ng Juda ang Israel
Noong panahon ng paghahari ni Josias, sinabi sa akin ng Panginoon, "Nakita mo ba ang ginawa ng taksil na Israel? Sumamba siya sa mga diyos-diyosan sa bawat matataas na burol at sa ilalim ng bawat malalagong punongkahoy. Para siyang babaeng nangangalunya. Akala ko, pagkatapos niyang magawa ang lahat ng ito, babalik na siya sa akin, pero hindi siya bumalik. At nakita ito ng taksil niyang kapatid na walang iba kundi ang Juda. Ibinigay ko sa Israel ang katibayan ng diborsyo at pinalayas ko siya dahil sa pangangalunya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ngunit sa kabila nito, nakita ko ang taksil niyang kapatid na Juda ay hindi man lang natakot. Nangalunya rin siya sa pamamagitan ng pagsamba sa mga diyos-diyosang bato at kahoy, kaya dinungisan niya ang lupain. Hindi siya nababahala sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. At ang pinakamasama pa, hindi taos-pusong bumalik sa akin ang taksil na Juda. Pakunwari lang ang pagbabalik-loob niya sa akin," sabi ng Panginoon.
Pagkatapos, sinabi sa akin ng Panginoon, "Kahit hindi tapat sa akin ang Israel mas mabuti pa rin siya kaysa sa taksil na Juda. Lumakad ka ngayon at sabihin mo ito sa Israel,
‘Ang Panginoon ay nagsasabi:
Israel na taksil, manumbalik ka,
sapagkat akoʼy mahabagin.
Hindi na ako magagalit sa iyo kailanman.
Aminin mo lang ang iyong kasalanan
na naghimagsik ka sa akin,
ang Panginoon na iyong Diyos,
at sumunod ka sa ibang mga diyos
sa pamamagitan ng pagsamba sa kanila
sa ilalim ng malalagong punongkahoy.
Aminin mong hindi ka sumunod sa akin.
Ako, ang Panginoon,
ang nagsasabi nito.’ "
Sinabi pa ng Panginoon, "Magbalik na kayo, kayong mga suwail na mga anak, dahil akin kayo. Kukunin ko ang isa o dalawa sa inyo mula sa bawat bayan o angkan at dadalhin sa Zion. Pagkatapos, bibigyan ko kayo ng pinuno na gusto kong mamumuno sa inyo na may kaalaman at pang-unawa. Ako, ang Panginoon ay nagsasabi na pagdating ng araw na marami na kayo sa lupaing iyon, hindi na ninyo hahanap-hanapin ang Kahon ng Kasunduan, ni iisipin o aalalahanin ito. At hindi na rin ninyo kailangang gumawa pa ng panibago nito. Sa panahong iyon, tatawagin nʼyo ang Jerusalem na ‘Trono ng Panginoon.’ At ang lahat ng bansa ay magtitipon sa Jerusalem upang parangalan ang pangalan ng Panginoon. Hindi na nila susundin ang nais ng matitigas at masasama nilang puso. Sa panahong iyon, ang mga mamamayan ng Juda at ng Israel ay magkasamang babalik mula sa pagkabihag sa hilaga pauwi sa lupaing ibinigay ko sa mga magulang nila bilang mana.
"Ako mismo ang nagsasabi,
‘Natutuwa ako na ituring kayong mga anak ko
at bigyan ng magandang lupain
na pinakamagandang pamana
sa buong mundo.’
At akala koʼy tatawagin ninyo akong ‘Ama’
at hindi na kayo hihiwalay sa akin.
Ngunit kayong mga mamamayan ng Israel
ay nagtaksil sa akin,
tulad ng babaeng nagtaksil
sa kanyang asawa."
Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.
"May naririnig na mga ingay sa itaas ng bundok.
Nag-iiyakan at nagmamakaawa
ang mga mamamayan ng Israel
dahil naging masama ang kanilang pamumuhay
at kinalimutan nila ako,
ang Panginoon na kanilang Diyos.
"Kayong mga naliligaw kong anak,
manumbalik kayo sa akin
at itutuwid ko ang inyong kataksilan.
"Opo, kami po ay lalapit sa inyo
sapagkat kayo ang Panginoon
naming Diyos.
Talagang mali po ang pagsamba namin
sa mga diyos-diyosan sa mga bundok.
Sa inyo lamang ang kaligtasan ng Israel,
Panginoon naming Diyos.
Mula pa sa aming kabataan, nakinabang ang mga nakakahiyang diyos-diyosan
sa mga pinaghirapan ng aming mga ninuno
ang kanilang mga kawan at bakahan,
at ang kanilang mga anak
na lalaki at babae.
Dapat nga po kaming magtago
dahil sa kamiʼy nahihiya.
Sapagkat kami at ang aming mga ninuno,
sa inyo ay nagkasala, Panginoon naming Diyos.
Mula sa aming pagkabata hanggang ngayon,
hindi po kami sumunod sa inyo."