Publicidade

Sabedoria

Por Bíblia Online

A sabedoria é um dos temas mais ricos da Bíblia. O temor do Senhor é seu princípio, e buscá-la vale mais que ouro ou prata. Deus promete dar sabedoria generosamente a quem pedir com fé.

O princípio da sabedoria

O temor do Senhor é o início de toda sabedoria verdadeira. Quem reverencia a Deus aprende a viver com discernimento e prudência.

Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

Ngunit sa hangal, walang halaga

ang karunungan

at ayaw niyang maturuan.

Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

At ang pagkilala sa Banal na Diyos

ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.

Ang takot sa Panginoon

ay nagtuturo ng karunungan,

at ang nagpapakumbaba

ay pinaparangalan.

Ang pagkatakot sa Panginoon

ang simula ng karunungan.

Lahat ng sumusunod sa kanyang mga utos

ay may mabuting pang-unawa.

Purihin siya magpakailanman.

Ngunit saan nga ba matatagpuan

ang karunungan at pang-unawa?

Hindi alam ng tao

kung saan ito matatagpuan.

Hindi ito matatagpuan dito sa lupa.

Hindi rin ito matatagpuan

sa kailaliman ng dagat.

Hindi rin ito nabibili

ng purong ginto o pilak.

Ang halaga nito ay hindi matutumbasan

ng ginto mula sa Ofir

o ng alinmang mamahaling bato

gaya ng onise o safiro.

Higit pa ito sa ginto o kristal.

Hindi ito maipagpapalit sa gintong alahas.

Ang koral at haspe

ay walang sinabi,

ang halaga ng karunungan

ay higit pa kaysa rubi.

Hindi ito mapapantayan

ng mamahaling batong topaz

na mula sa Etiopia

at hindi rin mababayaran ng purong ginto.

Saan ba nagmumula

ang karunungan?

Saan ang tahanan ng kaunawaan?

Walang nilalang na makakakita nito

kahit sa mga ibon.

Kahit na ang lugar ng kapahamakan

na siyang lugar ng mga patay,

sabi-sabi lang ang kanilang nalaman

tungkol dito.

Sabedoria como dom de Deus

A verdadeira sabedoria vem do alto. Deus a concede generosamente a quem pede com fé, sem lançar em rosto a fraqueza humana.

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Kung mayroon mang nagkukulang sa inyo ng karunungan, humingi siya sa Diyos at ibibigay ito sa kanya nang walang pagmamaramot at panunumbat.

Sapagkat ang Panginoon

ang nagbibigay ng karunungan,

kaalaman, at ng pang-unawa.

Sapagkat ang Panginoon

ang nagbibigay ng karunungan,

kaalaman, at ng pang-unawa.

Manawagan ka

upang ikaʼy maging marunong,

at magsumamo ka

upang ikaʼy makaunawa

Kung gagawin mo ito, malalaman mo

kung ano ang pagkatakot sa Panginoon

at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.

O Diyos ng aking mga ninuno,

pinupuri ko kayo at pinapasalamatan.

Kayo ang nagbigay sa akin

ng karunungan at kakayahan.

At ibinigay nʼyo sa amin

ang aming kahilingan sa inyo

na ipahayag sa amin

ang panaginip ng hari."

Sinabi niya,

"Purihin ang Diyos magpakailanman.

Siya ay matalino at makapangyarihan.

Binigyan ng Diyos ang apat na kabataang ito ng karunungan at pang-unawa, pati na ang kaalaman sa ibaʼt ibang literatura. Bukod pa rito, binigyan ng Diyos si Daniel ng karunungan sa pagpapaliwanag ng kahulugan ng mga pangitain at mga panaginip.

A sabedoria do alto

A sabedoria que vem de Deus é pura, pacífica, amável, cheia de misericórdia e de bons frutos. Ela se opõe à sabedoria terrena e mundana.

Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.

Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.

Ngunit ang taong may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay may malinis na pamumuhay. Maibigin siya sa kapayapaan, mahinahon, masunurin, puno ng awa at kabutihan, walang pinapaboran, at hindi nagkukunwari.

Dalawang Uri ng Karunungan

Sino sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya na talagang marunong siya sa pamamagitan ng mabuting pamumuhay na may pagpapakumbaba.

Ipinahayag ng Espiritu ang Karunungan ng Diyos

Kung sabagay, nagtuturo rin kami ng malalalim na karunungan sa mga matatag na sa pananampalataya, ngunit ang karunungang itoʼy hindi mula sa karunungan ng mundong ito, o sa mga namumuno sa mundong ito na nakatakda nang maglaho. Sa halip, ang karunungang sinasabi ko ay ang hiwaga ng Diyos na kanyang inilihim noon. Itoʼy itinalaga niya para sa ating kaluwalhatian bago pa man niya likhain ang mundo.

Ngunit kami naman ay ipinapangaral ang Kristo na ipinako sa krus: bagay na hindi matanggap ng mga Hudyo, at isang kamangmangan para sa mga Hentil. Subalit para sa mga tinawag ng Diyos, Hudyo man o Hentil, si Kristo ang siyang kapangyarihan at karunungan ng Diyos. Sapagkat ang inaakala ng tao na kamangmangan ng Diyos ay higit pa sa karunungan ng tao, at ang inaakala nilang kahinaan ng Diyos ay higit pa sa kalakasan ng tao.

Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundong ito, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya.

Huwag ninyong dayain ang inyong sarili. Kung mayroon man sa inyong nag-aakala na siyaʼy marunong ayon sa karunungan ng mundong ito, kinakailangang tigilan na niya ang ganyang pag-iisip upang maging marunong siya.

Ginagawa ko ito upang palakasin ang loob ninyong lahat at pag-isahin kayo sa pag-ibig. Sa ganoon, malalaman at mauunawaan nʼyo nang lubos ang lihim na plano ng Diyos tungkol kay Kristo. Si Kristo ang pinagmumulan ng lahat ng karunungan at kaalaman.

Direção e discernimento

Deus guia os humildes na justiça e ensina seu caminho aos mansos. Ele promete dirigir nossos passos quando confiamos nele de todo o coração.

Magtiwala ka nang buong puso

sa Panginoon

at huwag kang manalig

sa iyong sariling karunungan.

Alalahanin mo ang Panginoon

sa lahat ng iyong ginagawa

at ituturo niya sa iyo ang tamang landas.

Huwag mong isiping

napakarunong mo na.

Matakot ka sa Panginoon,

at huwag gumawa ng masama.

Sinabi ng Panginoon sa akin,

"Ituturo ko sa iyo ang daan

na dapat mong lakaran.

Papayuhan kita habang binabantayan.

Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba upang gumawa ng tama.

Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan.

Ituro nʼyo sa akin, Panginoon,

ang tamang pamumuhay,

ang tuwid na daan na dapat kong lakaran.

Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,

dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.

Kayo ang lagi kong inaasahan.

Ginagabayan ng Panginoon

ang bawat hakbang ng taong matuwid

na ang buhay ay nakakalugod sa kanya.

Bawat umaga, ipaalala nʼyo sa akin

ang inyong pag-ibig,

dahil sa inyo ako nagtitiwala.

Ipakita nʼyo sa akin ang tamang daan

na dapat kong daanan,

dahil sa inyo ko ipinagkakatiwala ang aking buhay.

Turuan nʼyo akong sundin ang inyong kalooban,

dahil kayo ang aking Diyos.

Patnubayan sana ako ng inyong butihing Espiritu

sa landas na walang kapahamakan.

Iligtas nʼyo ako, Panginoon, para kayo ay maparangalan.

Dahil kayo ay matuwid, iligtas nʼyo ako sa kaguluhan.

Ituro nʼyo sa akin ang daang

gusto nʼyong lakaran ko.

Patnubayan nʼyo ako sa tamang daan,

dahil sa mga kaaway ko

na gusto akong gawan ng masama.

A Palavra como fonte de sabedoria

A Palavra de Deus é lâmpada para os pés e luz para o caminho. Meditar nas Escrituras nos dá entendimento superior ao dos mestres.

Ang salita ninyo ay ilaw

sa aking paanan,

nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

Ang salita ninyo ay ilaw

sa aking paanan,

nagbibigay-liwanag sa aking daraanan.

Buksan ninyo ang aking isipan

upang aking maunawaan

ang kahanga-hangang katotohanan

ng inyong kautusan.

Ang pagpapahayag ng inyong mga salita

ay nagbibigay-liwanag sa isipan ng tao

at karunungan sa mga kulang

sa kaalaman.

Pinagpala ang taong hindi namumuhay

ayon sa payo ng masasama

o sumusunod sa maling halimbawa

ng mga makasalanan,

at hindi nakikisama

sa mga taong mapangutya.

Sa halip ay nagagalak siyang sumunod

sa mga aral mula sa Panginoon,

at kanyang pinagbubulay-bulayan

ang mga ito araw-gabi.

Hayaan ninyong manahan nang lubusan sa inyong mga puso ang mga aral ni Kristo. Paalalahanan at turuan nʼyo ang isaʼt isa ayon sa karunungang kaloob ng Diyos. Umawit kayo ng mga salmo, himno, at iba pang mga awiting espirituwal na may pasasalamat sa Diyos sa mga puso ninyo.

Ito ang papatnubay, mag-iingat

at magpapaalala sa iyong pamumuhay,

kahit ano pa ang iyong ginagawa.

Sabedoria prática para o dia a dia

A sabedoria se aplica em cada decisão: nas finanças, nos relacionamentos, no trabalho e no uso do tempo. Vivamos como sábios, não como insensatos.

Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo mamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong. Samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti, dahil marami ang gumagawa ng kasamaan sa panahong ito.

Kaya mag-ingat kayo kung paano kayo mamuhay. Huwag kayong mamuhay tulad ng mga mangmang kundi tulad ng marurunong. Samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon sa paggawa ng mabuti, dahil marami ang gumagawa ng kasamaan sa panahong ito.

Dinggin mo at sundin ang mga payo

at pagtutuwid sa iyong pag-uugali,

at sa bandang huli

ay magiging marunong ka.

Dinggin mo at sundin ang mga payo

at pagtutuwid sa iyong pag-uugali,

at sa bandang huli

ay magiging marunong ka.

Ang taong nagsisikap na magkaroon

ng karunungan

ay nagmamahal sa sarili,

at ang nagpapahalaga

sa pang-unawa ay uunlad.

Humingi ka ng payo

sa iyong pagpaplano

o bago makipaglaban sa digmaan.

sapagkat kailangan nila

ng mga payo sa pakikipaglaban.

At higit na matitiyak ang tagumpay

kung maraming nagpapayo.

Ang mapagpasensya

ay mas higit ang karunungan,

ngunit ang madaling magalit

ay nagpapakita ng kahangalan.

Ang kayabangan ay humahantong

sa kaguluhan at pagtatalo,

ngunit ang nakikinig sa payo

ay nagpapahiwatig ng karunungan.

Ang taong maingat sa pagsasalita

ay nag-iingat ng kanyang buhay.

Ngunit ang taong madaldal,

dulot sa sarili ay kapahamakan.

Ang akala ng hangal ay palagi siyang tama,

ngunit ang taong marunong

ay nakikinig sa payo.

Ang taong mayabang

ay madaling mapahiya,

ngunit may karunungan

ang taong mapagpakumbaba.

Sumusunod sa mga utos

ang taong marunong,

ngunit ang nagsasalita ng kamangmangan

ay mawawasak.

Ang taong marunong at nakauunawa

ay lalo pang naghahangad

ng karunungan.

Ang taong hangal

ay hindi naghahangad na matuto;

ang gusto lang niya

ay masabi ang nasa isipan.

Kahit ang mangmang

ay parang marunong

at nakakaunawa kapag tahimik.

Sa pakikinig nito, ang marunong

ay lalong magiging marunong

at ang may pinag-aralan

ay magiging dalubhasa

Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo. Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita upang makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.

Maging matalino kayo sa pakikitungo sa mga hindi mananampalataya, at samantalahin ninyo ang lahat ng pagkakataon na maibahagi ang pananampalataya nʼyo. Kung nakikipag-usap kayo sa kanila, gumamit kayo ng mga kawili-wiling salita upang makinig sila sa inyo, at dapat alam nʼyo kung paano sumagot sa tanong ng bawat isa.

Anuman ang gawin ninyo, gawin nʼyo ito nang buong katapatan na parang ang Panginoon ang pinaglilingkuran nʼyo at hindi ang tao. Sapagkat nalalaman ninyong may tatanggapin kayong pamana bilang gantimpala mula sa Panginoon. Ang Kristong Panginoon ang inyong pinaglilingkuran.

O valor da sabedoria

A sabedoria é mais preciosa que rubis. Quem a encontra, encontra a vida e alcança o favor do Senhor. Nada se compara a ela.

Pinagpala ang mga taong

natagpuan ang karunungan,

gayundin ang mga taong

nakamtan ang kaunawaan.

Sapagkat ang taong makakasumpong sa akin

ay magkakaroon ng buhay,

at pagpapalain siya ng Panginoon.

Higit na mabuti ang magkaroon

ng karunungan at pang-unawa,

kaysa sa magkaroon ng pilak at ginto.

Ang tao ang nagpaplano,

ngunit nasa Panginoon

ang kaganapan nito.

Nasa tao ang pagpaplano,

ngunit ang Panginoon ang nagpapasya

kung magaganap ito o hindi.

Ang karunungan ay mabuti

gaya ng isang pamana,

pareho itong nakakatulong

sa mga namumuhay dito sa mundo.

Nagbibigay din ito ng proteksyon

gaya ng pera.

Pero higit pa roon,

iniingatan nito ang buhay

ng nagtataglay nito.

Huwag mong sabihin,

"Bakit mas mabuti pa noon

kaysa ngayon?"

Dahil ang tanong na iyan

ay walang katuturan.

Dahil ang taong nagbibigay-lugod sa Diyos ay binibigyan niya ng karunungan, kaalaman at kagalakan. At ang makasalanan ay binibigyan ng Diyos ng trabaho upang mag-ipon ng kayamanan para ibigay sa taong nagbibigay-lugod sa Diyos. Kaya lahat ng pagsisikap ng makasalanan ay walang kabuluhan. Para siyang humahabol sa hangin.

Gawin mo ng buo mong makakaya ang iyong ginagawa, dahil wala nang trabaho roon sa lugar ng mga patay na patutunguhan mo. Wala nang pagpaplano roon, wala ring kaalaman at karunungan.

A sabedoria e a soberania de Deus

Os caminhos de Deus são mais altos que os nossos. Sua sabedoria é insondável, eterna e infinitamente superior ao entendimento humano.

"Kung gaano kalayo ang langit sa lupa,

ganoon din kalayo ang aking pamamaraan

at pag-iisip kaysa sa inyo.

Sinabi ng Panginoon,

"Ang aking kaisipan ay hindi katulad

ng inyong kaisipan,

at aking kapamaraanan ay hindi katulad

ng inyong kapamaraanan,

pahayag ng Panginoon."

Hindi nʼyo ba alam?

Hindi nʼyo ba narinig?

Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos

na lumikha hanggang sa dulo ng mundo.

Hindi siya napapagod o nanghihina

at walang nakakaarok

ng kanyang pang-unawa.

Hindi nʼyo ba alam?

Hindi nʼyo ba narinig?

Ang Panginoon ang walang hanggang Diyos

na lumikha hanggang sa dulo ng mundo.

Hindi siya napapagod o nanghihina

at walang nakakaarok

ng kanyang pang-unawa.

Tinuruan ako ng Makapangyarihang Panginoon

kung ano ang sasabihin ko

para mapalakas ang mga nanlulupaypay.

Ginigising niya ako tuwing umaga

upang pakinggan ang

mga itinuturo niya sa akin.

Kahabag-habag ang mga Umaasa sa Ehipto

Kahabag-habag kayong humihingi

ng tulong sa Ehipto.

Umaasa kayo

sa mabibilis nilang kabayo,

sa marami nilang karwahe,

at malalakas na sundalong nangangabayo.

Ngunit hindi kayo nagtitiwala

sa Panginoon,

ang Banal na Diyos ng Israel,

at hindi kayo humihingi

ng tulong sa kanya.

Sa karunungan ng Diyos,

magpapadala siya ng salot,

at talagang gagawin niya

ang kanyang sinabi.

Paparusahan niya

ang pamilya ng masasama

at ang mga tumutulong sa kanila.

Ang kaalamang ito

ay mula sa Panginoon ng mga Hukbo.

Napakabuti ng kanyang mga payo,

at kahanga-hanga

ang kanyang kaalaman.

Ang Espiritu ng Panginoon

ay mananatili sa kanya,

at bibigyan siya

ng karunungan at pang-unawa,

ng kakayahang magpayo at kalakasan,

ng kaalaman at takot sa Panginoon.

Magiging kagalakan niya

ang pagsunod sa Panginoon.

Hindi siya mamumuno at hahatol

batay lang sa kanyang nakita

o narinig sa iba.

Palagi kayong papatnubayan ng Panginoon

kayo ay bubusugin,

kahit na mahirap ang kalagayan ninyo.

Palalakasin niya kayo,

at kayoʼy magiging

parang halamanang sagana sa tubig

at parang bukal na hindi nawawalan ng tubig.

Papuri sa Diyos

Napakadakila ng kabutihan ng Diyos!

Napakalalim ng kanyang karunungan

at kaalaman!

Hindi natin kayang unawain

ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

Purihin natin ang Diyos na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Hesu-Kristo! Amen.

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Kay dami ng inyong mga ginawa, Panginoon.

Nilikha nʼyo ang lahat ayon

sa inyong karunungan.

Ang buong mundo

ay puno ng inyong nilikha.

Makapangyarihan ang ating Panginoon.

Ang kanyang karunungan

ay walang hangganan.

Ang inyong mga payo

ang nagsisilbing gabay ko,

at akoʼy dadalhin ninyo

sa marangal na hantungan.

Ipaunawa nʼyo sa amin

na ang buhay namin ay maiksi lang,

upang matuto kaming mamuhay

nang may karunungan.

Ang taong matuwid ay nagsasalita ng tama, at may karunungan.

Sa Panginoon mo hanapin ang kaligayahan,

at ibibigay niya sa iyo ang ninanais mo.

O Panginoon, akoʼy inyong gabayan

tungo sa inyong matuwid na daan,

sapagkat napakarami ng aking kalaban.

Gawin nʼyong madali kong sundan

ang iyong daan na nasa aking harapan.

Itinuro ninyo sa akin ang landas

patungo sa buháy

na puno ng kasiyahan,

at sa piling nʼyo, aking matatagpuan

ang ligayang walang hanggan.

Mag-iiyakan sila sa tuwa at mananalangin habang dinadala ko sila pauwi.

Dadalhin ko sila sa mga bukal,

dadaan sila sa magandang daan

at hindi sila matitisod.

Sapagkat ako ang ama ng Israel;

at si Efraim ang panganay kong anak.

Ang Panalangin ni Jeremias

Panginoon, alam ko pong

ang buhay ng tao ay hindi kanya.

Hindi siya ang may hawak

ng kanyang kinabukasan.

Ngunit ang Diyos ang lumikha ng lupa

sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan,

itoʼy kanyang itinatag sa kanyang karunungan,

at kanyang inilatag ang kalangitan sa kanyang kaalaman.

Huwag mong ipagyabang

ang gagawin mo bukas,

sapagkat hindi mo alam

kung anong mangyayari

sa araw na iyon.

Hindi maintindihan ng masasama

ang katarungan,

ngunit lubos itong nauunawaan

ng mga lumalapit sa Panginoon.

Sa makakagawa ng higit pa sa hiniling o inaasahan natin sa pamamagitan ng kapangyarihan niyang kumikilos sa atin, purihin natin siya magpakailanman dahil sa mga ginawa niya para sa iglesya na nakay Kristo Hesus. Amen.

Pangwakas na mga Bilin at mga Pangungumusta

Ito na ang pangatlong pagdalaw ko sa inyo. Sinasabi sa Kasulatan, "Ang anumang kaso ng isa laban sa kapwa ay dapat patotohanan ng dalawa o tatlong saksi."

Baka nakalimutan nʼyo na ang pangaral ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya:

"Anak, huwag mong isawalang-bahala

ang pagtutuwid ng Panginoon,

at huwag kang panghinaan ng loob

kapag sinasaway ka niya.

Sapagkat itinutuwid ng Panginoon

ang mga minamahal niya,

at pinapalo ang mga itinuturing niyang anak."

Bukod diyan, mga kapatid, palagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.

Kaya huwag ninyong alalahanin ang mangyayari bukas; bukas nʼyo na lamang harapin ang mga nakatakdang kabalisahan nito. Sapat na ang mga kabalisahan ng bawat araw."

Maging ang Reyna ng Timog ay tatayo rin at kokondenahin ang henerasyong ito. Sapagkat nanggaling pa siya sa napakalayong lugar para makinig sa karunungan ni Solomon. At ngayon, narito ang higit pa kay Solomon, ngunit ayaw ninyong makinig sa kanya.

Ang Matalino at ang Hangal na Nagtayo ng Bahay

"Kaya ang sinumang nakikinig sa aking mga salita at sinusunod ito ay maihahalintulad sa isang matalinong lalaki na nagtayo ng kanyang bahay sa pundasyong bato.

Sapagkat bibigyan ko kayo ng karunungan sa pagsagot para hindi makaimik ang inyong mga kalaban.

Huwag kayong humusga nang paimbabaw, isakatuparan ninyo ang kautusan nang tama."

Sa pamamagitan ng karunungan,

nilikha ng Panginoon ang lupa

at ang langit,

at bumukas ang mga bukal

at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.

Maraming alam sa buhay

ang matatanda,

dahil habang tumatagal

ang buhay nila,

lalong dumarami

ang kanilang nalalaman.

"Ngunit ang Diyos

ay hindi lang nagtataglay

ng karunungan,

nasa kanya rin

ang kapangyarihan,

at siya lang ang nakakaunawa

kung ano ang dapat gawin.

Sumagot si Job

Sumagot si Job,

"Totoo ang sinabi mo.

Ngunit paano mapapatunayan ng tao

na wala siyang kasalanan

sa harapan ng Diyos?

Kahit na makipagtalo pa siya

sa Diyos sa hukuman,

wala siyang magagawa,

dahil sa isang libong katanungan ng Diyos,

hindi niya masasagot isa man sa mga ito.

Marunong at makapangyarihan ang Diyos.

Sino ang nakipaglaban sa kanya

at nagtagumpay?

Hindi! Sinabi na ng Panginoon

kung ano ang mabuti.

At ano ang ninanais niya sa inyo?

Gawin ang matuwid,

pairalin ang pagkamaawain,

at buong pagpapakumbabang

sumunod sa Diyos.Panginoon

Sinabi niya sa kanila, "Mag-isip muna kayo ng mabuti bago kayo humatol dahil hindi kayo hahatol para sa tao kundi para sa Panginoon, na siyang sumasainyo sa tuwing magbibigay kayo ng hatol.

Sa katunayan, hindi ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo bukas. Sapagkat ang buhay ay parang hamog na lilitaw nang sandali at mawawala pagkatapos.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-