Pular para o conteúdo
Publicidade

Sexo

Por Bíblia Online

A Bíblia trata a sexualidade como um presente de Deus para o contexto do casamento. As Escrituras celebram a intimidade conjugal e orientam sobre pureza e santidade sexual.

A sexualidade no plano de Deus

Desde a criação, Deus projetou a intimidade sexual como expressão de amor entre marido e mulher, abençoando a união conjugal.

Kaya nilikha ng Diyos ang tao,

lalaki at babae

ayon sa wangis niya.

Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, "Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa."

Iyan ang dahilan na iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina at makikipag-isa sa kanyang asawa, at silang dalawa ay magiging isa.

Sumagot si Hesus, "Hindi ba ninyo nabasa sa Kasulatan na sa simula pa lang, nang likhain ng Diyos ang mundo, ginawa niya ang tao na lalaki at babae? At sinabi pa niya, Dahil dito, iiwan ng lalaki ang kanyang amaʼt ina, at magsasama sila ng kanyang asawa. At silang dalawa ay magiging isa. Hindi na sila dalawa kundi isa na lang. Kaya hindi dapat paghiwalayin ng tao ang pinagsama ng Diyos."

Pagpalain sana ang iyong asawa.

Maging maligaya ka sa kanya,

na napangasawa mo noong kayoʼy

mga bata pa.

Maganda siya at kaakit-akit gaya ng usa.

Lagi ka sanang masisiyahan sa kanyang dibdib,

at aakitin parati ng kanyang pag-ibig.

A santidade na intimidade

O leito conjugal é honroso. A Bíblia celebra a alegria da intimidade dentro do casamento e orienta o casal ao amor e respeito mútuo.

Dapat ninyong pahalagahan ang pag-aasawa, at dapat ninyong iwasan ang pangangalunya. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nangangalunya at ang mga gumagawa ng seksuwal na imoralidad.

Dapat tuparin ng lalaki ang kanyang tungkulin sa kanyang asawa, at ganoon din naman ang babae. Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa. Ganoon din ang lalaki, hindi na siya ang may karapatan sa kanyang katawan kundi ang kanyang asawa.

Ngunit kung hindi kayo makapagpigil sa inyong sarili, mag-asawa na lamang kayo. Mas mabuti na ito kaysa sa magkasala kayo dahil sa matinding pagnanasa ng laman.

Hindi baʼt pinag-isa kayo ng Diyos sa katawan at sa espiritu para maging kanya? At bakit niya kayo pinag-isa? Sapagkat gusto niyang magkaroon kayo ng mga anak na makadiyos. Kaya siguraduhin ninyong hindi kayo magtataksil sa babaeng pinakasalan ninyo noong inyong kabataan.

Hindi baʼt tayong mga mananampalataya ay bahagi ng katawan ni Kristo? Iyan ang dahilan kung bakit hindi talaga natin maaaring gamitin ang ating katawan, na bahagi ng katawan ni Kristo, sa pakikipagtalik sa babaeng bayaran. Hindi baʼt ang nakikipagtalik sa ganoong uri ng babae ay nagiging kaisang-katawan na niya? Sapagkat sinasabi ng Kasulatan, "Silang dalawaʼy magiging isa." At kung nakikipag-isa tayo sa Panginoong Hesu-Kristo kaisa niya tayo sa espiritu.

Pureza sexual

Deus nos chama à santificação e à fuga da imoralidade. O corpo do cristão é templo do Espírito Santo e deve ser tratado com honra.

Kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Ang ibang kasalanang ginagawa ng tao ay walang kinalaman sa kanyang katawan, ngunit ang gumagawa ng seksuwal na imoralidad ay nagkakasala sa sarili niyang katawan. Hindi baʼt ang katawan ninyo ay templo ng Banal na Espiritung nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos? Kung ganoon, ang katawan ninyoʼy hindi sa inyo kundi sa Diyos, dahil tinubos niya ng napakalaking halaga. Kayaʼt luwalhatiin ninyo ang Diyos gamit ang inyong katawan.

Nais ng Diyos na maging banal kayo, kaya lumayo kayo sa seksuwal na imoralidad. Dapat ay matutong magpigil ang bawat isa sa sarili niyang katawan sa banal at marangal na pamamaraan, at hindi sa makamundong pagnanasa katulad ng ginagawa ng mga hindi kumikilala sa Diyos.

Hindi kayo dapat maparatangan na gumagawa ng kahit anong seksuwal na imoralidad, kalaswaan o kasakiman, dahil hindi ito nararapat sa mga hinirang ng Diyos.

Sinasabi ko sa inyo, ang sinumang tumingin sa isang babae nang may pagnanasa ay nagkasala na ng pangangalunya sa kanyang isip.

Mamuhay tayo nang marangal dahil tayo ay nasa liwanag na. Huwag tayong makibahagi sa magugulong inuman at paglalasing, sa seksuwal na imoralidad, kalaswaan, sa pag-aaway, at sa inggitan.

Huwag kang mangangalunya.

Huwag kayong sumiping sa malapít ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.

Huwag mong ilagay sa kahihiyan ang iyong ama sa pamamagitan ng pagsiping sa iyong ina o sa iba pa niyang asawa.

Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyong pamilya o hindi.

Huwag kang sumiping sa iyong apong babae dahil magbibigay ito sa iyo ng kahihiyan.

Huwag kang sumiping sa anak na babae ng iyong ama sa iba niyang asawa, dahil kapatid mo rin siya.

Huwag kang sumiping sa iyong tiyahin na kapatid ng iyong ama o ina.

Huwag mong ilalagay sa kahihiyan ang iyong tiyuhin sa pamamagitan ng pagsiping sa kanyang asawa, dahil tiyahin mo rin siya.

Huwag kang sumiping sa iyong manugang na babae dahil asawa siya ng iyong anak.

Huwag kang sumiping sa iyong hipag na babae dahil itoʼy magbibigay ng kahihiyan sa iyong kapatid.

Huwag kang sumiping sa anak o apo ng babaeng sinipingan mo noon, dahil baka anak o apo mo ʼyon. Ito ay kabuktutan.

Huwag kang mag-asawa ng kapatid na babae ng iyong asawa habang buháy pa ang iyong asawa.

Huwag kang sumiping sa babaeng may buwanang dalaw dahil itinuturing siyang marumi.

Huwag kang sumiping sa asawa ng iba dahil kapag ginawa mo ito, ituturing kang marumi.

Huwag mong ibibigay ang iyong anak para ihandog sa diyos-diyosang si Molec, dahil iyan ay paglapastangan sa aking pangalan na iyong Diyos. Ako ang Panginoon.

Huwag kang sumiping sa kapwa mo lalaki o kapwa mo babae dahil kasuklam-suklam ito.

Huwag kang sumiping sa hayop dahil ito ay napakasama at ikaw ay ituturing na marumi kapag ginawa mo iyon.

Nagmamarunong sila, ngunit lumilitaw na silaʼy mga mangmang. Sapagkat ipinagpalit nila ang kapuri-puri at walang kamatayang Diyos sa mga diyos-diyosang kawangis ng tao, mga ibon, mga hayop na may apat na paa, at mga hayop na gumagapang.

Kaya hinayaan na lang sila ng Diyos sa maruruming hangarin ng kanilang puso, hanggang sa gumawa sila ng kahalayan at kahiya-hiyang mga bagay sa isaʼt isa. Pinalitan nila ng kasinungalingan ang katotohanan tungkol sa Diyos. Sumamba at naglingkod sila sa mga nilikha, sa halip na sa Manlilikha na siyang karapat-dapat papurihan magpakailanman. Amen!

Dahil ayaw nilang kilalanin ang Diyos, hinayaan na lang sila ng Diyos na gawin ang kanilang malalaswang pagnanasa. Ipinagpalit ng mga babae ang natural na pakikipagrelasyon nila sa lalaki sa pamamagitan ng pakikipagrelasyon sa kapwa babae. Ganoon din ang mga lalaki. Tinalikuran nila ang natural na pakikipagrelasyon sa babae, at sa halip ay nahumaling sa kapwa lalaki. Kahiya-hiya ang ginagawa nila sa isaʼt isa. Dahil dito, pinarusahan sila ng Diyos ng nararapat sa kanilang masasamang gawa.

Seja o primeiro