Sofrimento
O sofrimento é uma realidade da vida neste mundo, mas a Bíblia revela que Deus está presente em toda dor, produzindo caráter, esperança e redenção através das tribulações.
O sofrimento de Cristo
Jesus sofreu por nós, carregando nossas dores e enfermidades. Ele é o modelo supremo de como enfrentar o sofrimento com fé e obediência.
Hinamak siya at itinakwil ng mga tao.
Dumanas siya ng mga sakit at hirap.
Tinalikuran natin siya, hinamak,
at isinawalang-bahala.
Ang totoo, pinasan niya
ang mga sakit natin,
at tiniis ang mga pighating
dapat sanaʼy ating dadanasin.
Inakala nating siyaʼy
pinarusahan ng Diyos,
sinaktan at pinahirapan.
Hinubaran nila siya at sinuotan ng pulang kapa. Gumawa sila ng koronang tinik at ipinutong sa kanya, at ipinahawak ang isang tungkod sa kanyang kanang kamay. Lumuhod sila sa harap niya at pakutyang sinabi, "Mabuhay ang Hari ng mga Hudyo!"
Ang mga pagdurusa ni Kristo para sa atin ang halimbawang dapat nating tularan. Ito ang dahilan kung bakit tayo tinawag, upang tularan natin ang buhay ni Kristo.
Nais ko ngayon na higit pang makilala si Kristo, maranasan ang kapangyarihan ng muli niyang pagkabuhay, makabahagi sa mga paghihirap niya at matulad sa kanya, sa kamatayan niya.
O propósito do sofrimento
Deus usa as tribulações para produzir perseverança, caráter e esperança. O sofrimento presente não se compara com a glória que será revelada.
At hindi lamang iyon, nagagalak din tayo kahit na dumaranas tayo ng mga paghihirap, dahil natututo tayong magtiis.
Alam natin na ang pagtitiis ay nagpapabuti sa ating pagkatao. At kung mabuti ang ating pagkatao, nagbubunga ito ng pag-asa.
Para sa akin, ang mga paghihirap sa buhay na ito ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin balang araw.
Sapagkat ang mga paghihirap na dinaranas namin sa mundong ito ay panandalian lamang. Ngunit nagdudulot ito ng kaluwalhatiang mananatili magpakailanman at hindi mapapantayan ng anuman.
Sapagkat kung gaano karami ang mga paghihirap natin dahil kay Kristo, ganoon din karaming beses niyang pinalalakas ang ating loob.
Sapagkat hindi lang ang pribilehiyong sumampalataya kay Kristo ang ibinigay sa inyo, kundi pati na rin ang dumanas ng hirap alang-alang sa kanya.
Dahil naghirap si Kristo sa kanyang katawang-tao, dapat ay handa rin kayong maghirap. Sapagkat ang taong nagtiis ng hirap ay tumigil na sa paggawa ng kasalanan.
Consolação e companhia
Deus consola os aflitos para que possamos consolar outros. Nunca estamos sozinhos no sofrimento — Ele é o Pai das misericórdias.
Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Siyaʼy maawaing Ama at Diyos na laging nagpapalakas ng ating loob. Pinapalakas niya ang ating loob sa lahat ng ating paghihirap, upang sa pamamagitan ng lakas ng loob na ibinigay sa atin ng Diyos ay mapalakas din natin ang loob ng ibang naghihirap.
Tulungan ninyo ang isaʼt isa sa mga problema, at sa ganitong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Kristo.
Marami ang paghihirap
ng mga matutuwid,
ngunit inililigtas sila ng Panginoon
sa lahat ng ito.
Maikling panahon lang ang paghihirap ninyo. Pagkatapos nito, tutulungan kayo ng Diyos upang maging ganap ang buhay ninyo. At siya rin ang magpapatatag at magpapalakas sa inyo, dahil siya ang pinagmumulan ng lahat ng pagpapala. Pinili niya kayo upang makabahagi sa kanyang walang hanggang kaluwalhatian sa pamamagitan ng pakikipag-isa ninyo kay Kristo.
Ngunit kahit na maghirap kayo dahil sa paggawa ng tama, mapalad kayo. Kaya "huwag kayong matakot sa kanila at huwag kayong kabahan."
Fé em meio à dor
Os grandes homens e mulheres de fé sofreram e perseveraram. O sofrimento nos aproxima de Deus e nos leva a entender seu coração.
Nang marinig iyon ni Job, tumayo siya at pinunit ang kanyang damit. Pagkatapos, inahitan niya ang kanyang buhok sa ulo at nagpatirapa sa lupa upang sumamba sa Panginoon. Sinabi niya,
"Ipinanganak akong walang dala
at mamamatay din akong
walang dala.
Ang Panginoon ang nagbigay
ng lahat ng mayroon ako
at ang Panginoon din
ang kumuha ng mga ito.
Purihin ang pangalan ng Panginoon!"
"Mapalad ang taong itinutuwid ng Diyos
ang pag-uugali.
Kaya huwag mong mamasamain
ang pagtutuwid
ng Diyos na Makapangyarihan sa iyo.
Ang sinumang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat na maging alagad ko.
Ang sinumang nagsisikap magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito. Ngunit ang taong nag-aalay ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakaroon nito.
at dinala ito sa mundo ng mga patay.. Habang nagdurusa siya roon, nakita niya sa malayo si Lazaro na kasama ni Abraham. Kaya tumawag siya, ‘Amang Abraham, maawa po kayo sa akin! Utusan nʼyo po si Lazaro na isawsaw ang daliri niya sa tubig at ipatak sa dila ko para lumamig-lamig ang pakiramdam ko, dahil hirap na hirap na ako rito sa apoy.’
Ibinaba niya kayo sa pamamagitan ng paggutom sa inyo at pagkatapos, binigyan niya kayo ng manna – isang klase ng pagkain na hindi pa ninyo natitikman maging ng inyong mga ninuno mula pa noong una. Ginawa ito ng Panginoon para ituro sa inyo na hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao kundi sa bawat salitang nagmumula sa bibig ng Panginoon.
Walang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo, kahit dumanas pa tayo ng mga pagsubok, paghihirap, pag-uusig, gutom, kawalan, panganib, o maging kamatayan.
At kahit ipamigay ko ang lahat ng aking ari-arian at ialay pati ang aking katawan para sunugin, kung wala naman akong pag-ibig, wala pa rin akong mapapala.
Ngunit tinulungan ako ng Diyos hanggang sa araw na ito. Kaya narito ako ngayon para sabihin sa lahat, sa mga kilalang tao o hindi, ang sinabi noon ng mga propeta at ni Moises na mangyayari: na ang Mesias ay dapat magdusa at mamatay, at unang mabubuhay mula sa kamatayan para magbigay ng liwanag sa mga Hudyo at sa mga Hentil."
Pagsikapan ninyong mamuhay nang may mabuting relasyon sa lahat ng tao, at magpakabanal kayo. Sapagkat kung hindi banal ang pamumuhay nʼyo, hindi nʼyo makikita ang Panginoon.