Publicidade

Tristeza

Por Bíblia Online

A tristeza faz parte da experiência humana, mas a Bíblia nos assegura que Deus está perto dos que sofrem. Ele enxuga as lágrimas e transforma a dor em esperança.

Deus consola os aflitos

O Senhor está perto dos quebrantados de coração. Mesmo no vale mais escuro, sua presença é refúgio e consolo para a alma que chora.

Tinutugon ng Panginoon ang panalangin

ng mga matuwid,

at inililigtas sila sa lahat ng mga suliranin.

Malapit ang Panginoon

sa mga may bagbag na puso,

at tinutulungan niya ang mga nawawalan ng pag-asa.

Pinagagaling niya ang mga bulag

upang makakita,

pinalalakas ang mga nanghihina,

at ang mga matuwid ay minamahal niya.

Panginoon, alam nʼyo ang lahat kong hinahangad,

at naririnig nʼyo ang lahat kong mga daing.

Pinagpala ang mga naghihinagpis,

sapagkat aaliwin sila ng Diyos.

"Bumalik ka kay Ezequias, na pinuno ng mga mamamayan ko at sabihin mo ito: Ito ang sinasabi ng Panginoon, ang Diyos ng ninuno mong si David: Narinig ko ang panalangin mo at nakita ko ang mga luha mo kaya pagagalingin kita. Sa ikatlong araw mula ngayon, makakabangon ka na at makakapunta ka sa Templo ng Panginoon.

A alegria virá

A dor tem prazo de validade. A manhã de alegria sempre vem depois da noite de choro. Deus promete transformar o luto em dança.

Dahil ang kanyang galit ay hindi nagtatagal,

ngunit ang kanyang kabutihan ay magpakailanman.

Maaaring sa gabi ay may pagluha,

pero pagsapit ng umaga ay may ligaya.

Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, "Ngayon, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila at magiging Diyos nila. Papahirin niya ang mga luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan,kalungkutan, iyakan o sakit. Sapagkat lumipas na ang dating kalagayan."

Hindi na sila magugutom

o mauuhaw pang muli.

At hindi na rin mabibilad

o mapapaso sa sinag ng araw.

Sapagkat ang Korderong nasa trono

ang magiging pastol nila,

at silaʼy dadalhin sa mga bukal na nagbibigay-buhay.

At papahirin ng Diyos ang luha

sa kanilang mga mata."

Itinuturing kaming nalulungkot, ngunit palagi kaming masaya. Mahirap lang kami, ngunit marami kaming pinapayaman. Wala kaming pag-aari sa mundong ito, ngunit ang totoo, sagana kami sa lahat ng bagay.

Entregando a dor a Deus

Podemos lançar sobre o Senhor toda nossa ansiedade e tristeza, porque Ele cuida de nós com ternura e não nos abandona.

Ipagkatiwala nʼyo sa kanya ang lahat ng kabalisahan nʼyo, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.

Pangungunahan ka ng Panginoon at sasamahan ka niya; hindi ka niya iiwan o pababayaan man. Kaya huwag kang matakot ni panghinaan ng loob."

Makigalak kayo sa mga nagagalak, at makipagluksa kayo sa mga nagluluksa.

O choro e o arrependimento

Há tristezas que produzem arrependimento e conduzem à vida. O choro diante de Deus é acolhido e transformado em bênção.

Ang Panawagang Manumbalik sa Diyos

Sinabi ng Panginoon,

"Gayunman, magbalik-loob kayo sa akin

nang buong puso,

may pag-aayuno,

pananangis at pagdadalamhati."

Nalanta ang mga tanim na ubas

at ang lahat ng puno,

pati na ang mga igos,

pomegranata, palma, at mansanas.

Tuluyan nang nawala

ang kaligayahan ng mga tao.

Nang marinig iyon ni Job, tumayo siya at pinunit ang kanyang damit. Pagkatapos, inahitan niya ang kanyang buhok sa ulo at nagpatirapa sa lupa upang sumamba sa Panginoon. Sinabi niya,

"Ipinanganak akong walang dala

at mamamatay din akong

walang dala.

Ang Panginoon ang nagbigay

ng lahat ng mayroon ako

at ang Panginoon din

ang kumuha ng mga ito.

Purihin ang pangalan ng Panginoon!"

Narito ang mga kawikaan ni Solomon:

Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang,

ngunit ang anak na hangal

ay nagbibigay ng kalungkutan.

Dahil habang nadadagdagan

ang kaalaman ko,

nadadagdagan din ang aking kalungkutan.

Huwag kayong mag-alala o mabalisa man

dahil ang panahon ng kabataan

ay lumilipas lang.

At huwag ninyong bigyan ng kalungkutan ang Banal na Espiritu ng Diyos. Sapagkat ang Banal na Espiritu ang siyang tanda na kayoʼy sa Diyos, at siya ang katiyakan ng kaligtasan ninyo pagdating ng araw.

Seja o primeiro
Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-