Verdade
A verdade é um dos atributos centrais de Deus e um pilar da vida cristã. Jesus se declarou o caminho, a verdade e a vida. Viver na verdade é viver em liberdade e integridade.
Deus é a fonte da verdade
O Senhor é fiel e verdadeiro em todas as suas palavras. Sua Palavra é a verdade absoluta que ilumina nosso caminho e nos sustenta.
Sumagot si Hesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makakarating sa Ama kung hindi sa pamamagitan ko.
Naging tao ang Salita at namuhay kasama namin. Nakita namin ang kaluwalhatian niya bilang kaisa-isang Anak ng Ama, puspos ng kagandahang-loob at katotohanan.
Ang salita ng Panginoon ay matuwid,
at maaasahan ang kanyang mga gawa.
Ang bawat salita ng Diyos
ay tunay na mapagkakatiwalaan.
Siya ay tulad ng panangga
sa mga umaasa ng kanyang pag-iingat.
Alam din nating ang Anak ng Diyos ay pumarito sa mundo, at binigyan niya tayo ng pang-unawa upang makilala natin ang tunay na Diyos. At tayo nga ay nakikiisa sa tunay na Diyos sa pamamagitan ng kanyang anak na si Hesu-Kristo. Siya ang tunay na Diyos, at ang pinagmulan ng buhay na walang hanggan.
O Espírito da verdade
Jesus prometeu enviar o Espírito Santo, o Espírito da verdade, que nos guia, ensina e nos faz lembrar de tudo o que Cristo disse.
Ngunit ang totoo, para sa ikabubuti ninyo ang pag-alis ko, dahil hindi sasainyo ang Patnubay kung hindi ako aalis. Ngunit kapag umalis na ako, isusugo ko siya sa inyo.
"Ipapadala ko sa inyo ang Patnubay mula sa Ama. Siya ang Espiritu ng katotohan na magpapatotoo kung sino talaga ako.
Tungkol naman sa inyo, ang Banal na Espiritung ipinagkaloob sa inyo ni Kristo ay nananatili sa inyo, at hindi na kayo kailangang turuan pa ng iba, sapagkat siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng bagay. At ang mga itinuturo niya ay pawang katotohanan, at walang kasinungalingan. At tulad ng itinuro niya sa inyo, manatili kayo kay Kristo.
Ang Diyos ay Espiritu, kaya ang sumasamba sa kanya ay dapat pinapangunahan ng Espiritu at naaayon sa katotohanan."
A verdade liberta
Jesus prometeu que conhecer a verdade nos torna livres. A mentira aprisiona, mas a verdade de Deus nos conduz à plenitude.
Sinabi ni Hesus sa mga Hudyong sumampalataya sa kanya, "Kung patuloy kayong susunod sa aral ko, totoo ngang mga alagad ko kayo. Malalaman ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo."
Pinili ko ang tamang daan,
gusto kong sumunod
sa inyong mga utos.
Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan,
dahil kayo ang Diyos na aking tagapagligtas.
Kayo ang lagi kong inaasahan.
Pagsikapan mong maging karapat-dapat sa Diyos, bilang isang manggagawa na walang dapat ikahiya, at tapat na nagtuturo ng katotohanan.
Ayon sa kanyang kalooban, ginawa niya tayong mga anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang maging higit tayo sa lahat ng nilikha niya.
Vivendo e falando a verdade
Somos chamados a falar a verdade em amor e a rejeitar toda forma de engano. A integridade nas palavras é marca do cristão.
Sa halip, ipapahayag natin ang katotohanan nang may pag-ibig, upang sa lahat ng bagay ay higit tayong maging katulad ni Kristo na siyang ulo ng iglesya.
Bukod diyan, mga kapatid, palagi ninyong isaisip ang mga bagay na mabuti at kapuri-puri: mga bagay na totoo, marangal, matuwid, malinis, maganda, at kanais-nais.
Sumagot ang Panginoon,
"Ang taong
namumuhay ng tama,
walang kapintasan at taos-pusong nagsasabi
ng katotohanan,
hindi naninirang puri,
at hindi nagsasalita
at gumagawa ng masama
laban sa kanyang kapwa.
iwasan ninyo ang masamang pananalita
at pagsisinungaling.
Ang bibig ng matuwid
ay nagsasalita ng kaaya-aya,
ngunit kabuktutan ang sinasabi
ng taong masama.
Huwag kang magsalita
ng kasinungalingan at walang kabuluhan.
Higit sa lahat, mga kapatid, huwag kayong manunumpa sa mga pangako ninyo. Huwag ninyong sabihin, "Saksi ko ang langit" o "Saksi ko ang lupa" o ano pa man. Sabihin nʼyo lang na "Oo" kung oo, at "Hindi" kung hindi, upang hindi kayo hatulan ng Diyos.
Mga minamahal kong anak, huwag tayong magmahal sa salita lamang; sa halip ipakita natin sa gawa na tunay tayong nagmamahal.
Kung sinasabi nating may pakikiisa tayo sa kanya ngunit namumuhay naman tayo sa kadiliman, nagsisinungaling tayo at hindi namumuhay nang ayon sa katotohanan.
Wala nang higit na makapagpapasaya sa akin kundi ang malamang namumuhay ayon sa katotohanan ang mga anak ko sa pananampalataya.
Ang pananampalataya ay ang katiyakang matatanggap natin ang mga bagay na ating inaasahan. At ito ay ang pagiging sigurado sa mga bagay na hindi natin nakikita.