A volta de Jesus
A volta de Jesus é uma das maiores promessas da Bíblia. Cristo prometeu que retornará em glória, e os cristãos vivem na expectativa desse dia triunfante.
A promessa do retorno
Jesus prometeu aos discípulos que voltaria. Os anjos confirmaram essa promessa na ascensão, e os apóstolos ensinaram que Ele virá com poder.
Sa tahanan ng aking Ama ay maraming silid. Pupunta ako roon upang ipaghanda kayo ng lugar. Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito totoo. Kapag naroon na ako at naipaghanda na kayo ng lugar, babalik ako at isasama kayo upang kung nasaan ako ay naroon din kayo.
Pagkasabi niya nito, dinala siya paitaas. At habang nakatingin sila sa kanya, tinakpan siya ng ulap at agad na nawala sa kanilang paningin.
Habang nakatitig sila sa langit, may dalawang lalaking nakaputi na biglang tumayo sa tabi nila at nagsabi, "Kayong mga taga-Galilea, bakit nakatayo pa kayo rito at nakatingala sa langit? Si Hesus na nakita ninyong dinala paitaas ay babalik dito sa mundo. At kung paano siya dinala sa langit ay ganoon din siya babalik."
Sinasabi ng nagpapatotoo sa lahat ng nakasulat dito, "Talagang malapit na akong dumating!"
Sinabi ko naman, "Amen! Pumarito na po kayo, Panginoong Hesus."
Sinabi ng Panginoong Hesus, "Makinig kayo! Malapit na akong dumating! Dala ko ang aking gantimpala para sa bawat isa ayon sa mga ginawa niya.
Os sinais e o momento
Ninguém sabe o dia nem a hora. Jesus alertou sobre falsos sinais e nos chamou à vigilância constante, pois Ele virá como ladrão na noite.
"Subalit walang nakakaalam tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito. Kung ano ang mga ginawa ng mga tao noong kapanahunan ni Noe ay ganoon din ang gagawin ng mga tao sa pagdating ng Anak ng Tao. Nang mga araw na iyon, bago bumaha, ang mga taoʼy nagkakainan, nag-iinuman, at nagsisipag-asawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa barko. Wala silang kaalam-alam sa mangyayari hanggang sa dumating ang baha at nalunod silang lahat. Ganyan din ang mangyayari sa pagdating ng Anak ng Tao.
"Tungkol sa araw o oras ng aking pagbabalik, walang nakakaalam nito, kahit ang mga anghel sa langit o ang Anak ng Diyos. Ang Ama lang ang nakakaalam nito.
Mga kapatid, hindi ko na kailangang isulat pa sa inyo kung kailan mangyayari ang mga bagay na ito, sapagkat alam na ninyong ang pagbabalik ng araw ng Panginoon ay katulad ng isang magnanakaw na dumarating sa gabi. Mangyayari ito habang inaakala ng mga tao na mapayapa at ligtas ang kalagayan nila. Biglang darating ang kapahamakan sa kanila tulad ng pagsumpong ng sakit ng tiyan ng isang babaeng manganganak na. At hindi sila makakaligtas.
"Kaya maging handa kayong lagi, dahil hindi ninyo alam ang araw o oras ng pagdating ng inyong Panginoon. Tandaan ninyo ito: Kung alam ng may-ari ng isang bahay kung anong oras sa gabi darating ang magnanakaw, magbabantay siya at hindi niya hahayaang pasukin ng magnanakaw ang kanyang bahay. Kaya maging handa rin kayo, dahil ang Anak ng Tao ay darating sa oras na hindi ninyo inaasahan.
Tungkol naman sa pagbabalik ng ating Panginoong Hesu-Kristo at kung paanong tayoʼy titipunin upang katagpuin siya, hinihiling namin, mga kapatid, na huwag kayong mag-alala o mabahala dahil sa mga taong nagsasabing dumating na ang araw ng Panginoon. Huwag kayong maniwala kahit sabihin pa nilang sinabi ito ng Espiritu sa kanila, nabalitaan, o nabasa man sa isang sulat na galing daw sa amin. Huwag kayong magpalinlang sa kanila sa anumang paraan. Sapagkat hindi darating ang araw ng pagbabalik ng Panginoon hanggaʼt hindi pa nagsisimula ang huling paghihimagsik ng mga tao sa Diyos, at hindi pa lumilitaw ang suwail na tao na itinalaga sa walang hanggang kapahamakan. Kakalabanin niya ang lahat ng sinasamba at itinuturing na diyos ng mga tao, at itataas ang sarili sa lahat ng mga ito. Uupo siya sa loob ng Templo ng Diyos at itatanghal ang sarili bilang Diyos.
A glória da segunda vinda
Cristo voltará nas nuvens, com poder e grande glória. Os mortos em Cristo ressuscitarão, e os vivos serão arrebatados para encontrá-lo nos ares.
Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman.
"Pagkatapos ng mga araw na iyon ng matinding kahirapan,
‘magdidilim ang araw,
hindi na magliliwanag ang buwan,
at mahuhulog ang mga bituin
mula sa langit.
Ang mga bagay sa kalawakan
ay mayayanig at mawawala
sa kani-kanilang kinalalagyan.’
"At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating mula sa mga ulap, taglay ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. Ipapadala niya ang kanyang mga anghel sa lahat ng sulok ng mundo upang tipunin ang kanyang mga hinirang.
"Kapag ang Anak ng Tao ay dumating na bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, uupo siya sa kanyang dakilang trono. Titipunin niya sa kanyang harapan ang lahat ng lahi sa mundo. Pagbubukud-bukurin niya sila, tulad ng ginagawa ng pastol sa mga tupa at kambing. Ang mga tupa ay ilalagay niya sa kanyang kanan, at ang mga kambing, sa kanyang kaliwa.
Pagkatapos, nakita kong nabuksan ang langit, at may puting kabayo na nakatayo roon. Ang nakasakay ay tinatawag na Tapat at Totoo. Sapagkat matuwid siyang humatol at makipagdigma. Parang nagniningas na apoy ang kanyang mga mata at maraming korona ang nasa ulo niya. May nakasulat na pangalan sa kanya, na siya lang ang nakakaalam kung ano ang kahulugan. Ang suot niyang damit ay inilubog sa dugo. At ang tawag sa kanya ay Salita ng Diyos. Sinusundan siya ng mga sundalo mula sa langit. Nakasakay din sila sa mga puting kabayo, at ang mga damit nila ay gawa sa pinong lino, puting-puti at malinis. Mula sa bibig niya ay lumalabas ang matalas na espada na gagamitin niyang panlupig sa mga bansa. "At pamamahalaan niya sila sa pamamagitan ng kamay na bakal." Ipapakita niya sa kanila ang matinding galit ng Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sa damit at sa hita niya ay may pangalang nakasulat: Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.
Kung ako at ang mga aral ko ay ikakahiya ninuman, ikakahiya rin siya ng Anak ng Tao kapag pumarito siya na taglay ang kanyang kapangyarihan at ang kapangyarihan ng Ama at ng mga banal na anghel.
Vivendo na expectativa
A certeza do retorno de Cristo nos chama a viver em santidade, aguardando novos céus e nova terra onde habita a justiça.
Ngunit huwag sana ninyong kakalimutan mga minamahal, na sa Panginoon, walang pinagkaiba ang isang araw sa isang libong taon. Para sa kanya ang mga ito ay pareho lang. Hindi nagpapabaya ang Panginoon sa pagtupad sa pangako niya, gaya ng inaakala ng ilan. Ang totoo, binibigyan lang niya ng pagkakataong magsisi ang lahat sa mga kasalanan nila, dahil ayaw niyang mapahamak ang sinuman.
Ang araw ng Panginoon ay darating tulad ng isang magnanakaw. Sa araw na iyon, biglang maglalaho ang kalangitan kasabay ng nakakapangilabot na ugong. Tutupukin ng apoy ang mga elemento sa kalangitan at ang lupa at ang lahat ng naroon ay masusunog.
Kung ganito ang magiging kahihinatnan ng lahat, dapat kayong mamuhay nang banal at maka-Diyos, habang hinihintay ninyo ang araw ng pagdating ng Diyos at ginagawa ang makakayanan ninyo upang mapadali ang pagdating niya. Sa araw na ito, masisira ng apoy ang kalangitan at matutunaw ang lahat ng bagay na naroroon sa tindi ng init. Ngunit ayon sa pangako niya, may maaasahan din tayong bagong langit at lupang paghaharian ng katarungan.
Itinakda sa mga tao ang mamatay nang minsan at pagkatapos nitoʼy ang paghuhukom ng Diyos. Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.