1 Sapagka’t hindi ko ibig mga kapatid, na di ninyo maalaman, Ex. 13:21.na ang ating mga magulang ay nangapasa ilalim ng alapaap, Ex. 14:22.at ang lahat ay nagsitawid sa dagat;
2 At lahat ay nangabautismuhan kay Moises sa alapaap at sa dagat;
3 At Ex. 16:15,35;Juan 6:31.lahat ay nagsikain ng isang pagkain ding ayon sa espiritu;
4 At Ex. 17:6.lahat ay nagsiinom ng isang inumin ding ayon sa espiritu; sapagka’t nagsiinom sa batong ayon sa espiritu na sumunod sa kanila: at ang batong yaon ay si Cristo.
5 Bagaman ang karamihan sa kanila ay hindi nakalugod sa Dios; Blg. 14:29,32,35;26:64,65.sapagka’t sila’y ibinuwal sa ilang.
6 Ang mga bagay na ito nga’y pawang naging mga halimbawa sa atin, upang huwag tayong magsipagnasa ng mga bagay na masama na Blg. 11:4.gaya naman nila na nagsipagnasa.
7 Ni huwag din naman kayong mapagsamba sa mga diosdiosan, gaya niyaong ilan sa kanila; ayon sa nasusulat, Ex. 32:6.Naupo ang bayan upang magsikain at magsiinom, at nagsitindig upang magsipagsayaw.
8 Ni huwag din naman tayong 1 Cor. 6:18.makiapid, na gaya ng ilan sa kanila na nangakiapid, at ang Blg. 25:1-9.nangabuwal sa isang araw ay dalawangpu at tatlong libo.
9 Ni huwag din naman nating tuksuhin ang Panginoon, na gaya ng pagkatukso ng ilan sa kanila, at Blg. 21:5,6.nangapahamak sa pamamagitan ng mga ahas.
10 Ni huwag din kayong mangagbulongbulungan, na gaya ng ilan sa kanila na nangagbulungan, at Blg. 14:2,37.nangapahamak sa pamamagitan ng mga mangwawasak.
11 Ang mga bagay na ito nga’y nangyari sa kanila na pinakahalimbawa; at Rom. 15:4.pawang nangasulat sa pagpapaalaala sa atin, na mga dinatnan ng katapusan ng mga panahon.
12 Kaya’t Rom. 11:20.ang may akalang siya’y nakatayo, magingat na baka mabuwal.