Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Coríntios 5

1 Sa kasalukuya’y nababalita na sa inyo’y may 1 Cor. 6:18;2 Cor. 12:21.pakikiapid, at ang ganyang pakikiapid ay wala kahit sa mga Gentil, Lev. 18:8;Deut. 22:30;27:20.na isa sa inyo’y nagaari ng 2 Cor. 7:12.asawa ng kaniyang ama.

2 At kayo’y mga mapagpalalo, at hindi kayo bagkus nangalumbay, upang maalis sa gitna ninyo ang gumagawa ng gawang ito.

3 Sapagka’t ako Col. 2:5.sa katotohanan, bagama’t wala sa harapan ninyo sa katawan nguni’t ako’y nasa harapan ninyo sa espiritu, akin ngang hinatulan na ang gumawa ng bagay na ito, na tulad sa ako’y nahaharap,

4 Sa pangalan ng ating Panginoong Jesus, nang nangagkakatipon kayo, at ang aking espiritu, Mat. 16:19;2 Cor. 2:10;13:3,10.na taglay ang kapangyarihan ng ating Panginoong Jesus,

5 Upang ang ganyan ay ibigay 1 Tim. 1:20.kay Satanas sa ikawawasak ng kaniyang laman, upang ang espiritu ay maligtas sa 1 Cor. 3:13;2 Cor. 1:14.araw ng Panginoong Jesus.

6 tal.2.Hindi mabuti ang inyong pagmamapuri. Mat. 16:6;1 Cor. 15:33;Gal. 5:9.Hindi baga ninyo nalalaman na ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak?

7 Alisin ninyo ang lumang lebadura, upang kayo’y maging bagong limpak, na tulad sa kayo’y walang lebadura. Sapagka’t ang kordero ng ating paskua ay naihain na, sa makatuwid baga’y si Juan 1:29;19:36.Cristo:

8 Kaya nga Ex. 12:15.ipangilin natin ang pista, hindi sa lumang lebadura, ni sa lebadura man ng masamang akala at ng kasamaan, kundi sa tinapay na walang lebadura ng pagtatapat at ng katotohanan.

9 Isinulat ko sa inyo sa aking sulat na huwag kayong makisama sa mga mapakiapid;

10 Tunay nga hindi ang ibig sabihin ay sa mga mapakiapid sa sanglibutang ito, o sa mga masasakim at mga manglulupig, o sa mga mananamba sa diosdiosan; sapagka’t kung gayo’y kinakailangang Juan 17:15;1 Juan 5:19.magsialis kayo sa sanglibutan:

11 Datapuwa’t sinusulatan ko nga kayo, na huwag kayong makisama Mat. 18:15-17.sa kanino mang tinatawag na kapatid, kung siya’y mapakiapid, o masakim, o mananamba sa diosdiosan, o mapagtungayaw, o manglalasing, o manglulupig; sa gayo’y huwag man lamang kayong makisalo.

12 Sapagka’t ano sa akin ang humatol Mar. 4:11.sa nangasa labas? Hindi baga kayo nagsisihatol 1 Cor. 6:1-4.sa nangasa loob?

13 Datapuwa’t sa nangasa labas ay Dios ang humahatol. Deut. 13:5.Alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao.

Veja também