1 Nangangahas baga ang sinoman sa inyo, kung mayroong anomang bagay laban sa iba, na siya’y magsakdal sa harapan ng mga liko, at Mat. 18:17;1 Cor. 5:12.hindi sa harapan ng mga banal?
2 O hindi baga ninyo nalalaman na Mat. 19:28.ang mga banal ay magsisihatol sa sanglibutan? at kung ang sanglibutan ay hahatulan ninyo, hindi kaya baga dapat magsihatol kayo sa mga bagay na pinakamaliit?
3 Hindi baga ninyo nalalaman na ating 2 Ped. 2:4;Jud. 6.hahatulan ang mga anghel? gaano pa kaya ang mga bagay na nauukol Luc. 21:34.sa buhay na ito?
4 Kung kayo nga’y mayroong usapin na mga bagay na nauukol sa buhay na ito, ilalagay baga ninyo upang magsihatol ang mga taong walang halaga sa iglesia?
5 Sinasabi ko ito1 Cor. 4:14;15:34.upang mangahiya kayo. Ano, diyata’t wala baga sa inyo na isa mang marunong na makapagpapayo sa kaniyang mga kapatid,