Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga Corinto 8:10-13

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

10 Sapagka’t kung makita ng sinomang ikaw na may tal.1.kaalaman na nakikisalo sa pagkain sa templo ng diosdiosan, hindi baga titibay ang kaniyang budhi, kung siya’y mahina, upang kumain ng mga bagay na inihain sa mga diosdiosan?

11 Sapagka’t sa pamamagitan ng iyong kaalaman ay napapahamak ang mahina, ang kapatid na dahil sa kaniya’y namatay si Cristo.

12 At sa ganitong pagkakasala laban sa mga kapatid, at sa pagkakasugat ng kaniyang budhi kung ito’y mahina, ay nangagkakasala kayo laban kay Cristo.

13 Kaya, Rom. 14:13,21.kung ang pagkain ay nakapagpapatisod sa aking kapatid, kailan man ay hindi ako kakain ng lamang-kati, upang ako’y huwag makapagpatisod sa aking kapatid.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    10 Halimbawa, ikaw na tama ang pang-unawa ay kumakain sa templo ng mga diyos-diyosan at nakita ka ng kapatid mong mahina ang konsensiya. Hindi baʼt mahihikayat din siyang kumain ng mga pagkaing inialay sa mga diyos-diyosan? 11 Dahil sa iyong tamang pang-unawa, napapahamak ang iyong kapatid na mahina ang konsensiya. Tandaan mo, alang-alang sa kanya ay namatay si Kristo. 12 Kung nagkasala ka sa iba sa ganitong paraan at sinugatan mo ang mahihina nilang konsensiya, nagkasala ka rin kay Kristo. 13 Kaya kung ang kinakain ko ay nagiging dahilan ng pagkakasala ng aking kapatid, hindi na lamang ako kakain nito kailanman, upang hindi magkasala ang aking kapatid.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.