Publicidade

1 Pedro 2

4 Na kayo’y magsilapit sa kaniya, na isang batong buhay, na sa katotohana’y itinakuwil ng mga tao, datapuwa’t sa Dios ay hirang, mahalaga,

5 Kayo rin naman, na gaya ng mga batong buhay, ay natatayong bahay na ukol sa espiritu, upang maging pagkasaserdoteng banal, upang maghandog ng mga hain na ukol sa espiritu, na nangakalulugod sa Dios sa pamamagitan ni Jesucristo.

6 Sapagka’t ito ang nilalaman ng kasulatan,

Narito, aking inilalagay sa Sion ang isang batong panulok na pangulo, hirang mahalaga:

At ang sumasampalataya sa kaniya ay hindi mapapahiya.

7 Sa inyo ngang nangananampalataya, siya’y mahalaga: datapuwa’t sa hindi nangananampalataya,

Ang batong itinakuwil ng nagsisipagtayo ng bahay

Siyang naging pangulo sa panulok;

8 At,

Batong katitisuran, at bato na pangbuwal;

Sapagka’t sila ay natitisod sa salita, palibhasa’y mga suwail: na dito rin naman sila itinalaga,

Veja também

Publicidade
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-06-29_22-07-56-