2 Rom. 6:11,13.Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa Tit. 2:12.mga masamang pita ng mga tao, tal. 19.kundi sa kalooban ng Dios.
3 Sapagka’t sukat na ang nakaraang panahon Ef. 4:17,18,19.upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na Gal. 5:20.pagsamba sa mga diosdiosan:
4 Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo’y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, 1 Ped. 3:16.kung kaya’t kayo’y pinagsasalitaan ng masama:
5 Na sila’y magbibigay sulit sa kaniya na handang Gawa 10:42.humukom sa mga buhay at sa mga patay.
6 Sapagka’t dahil dito’y 1 Ped. 3:19.ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa’t mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.
7 Nguni’t Mat. 24:14;Rom. 13:11.ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: Mat. 26:41;Luc. 21:36.kayo nga’y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin: