1 Kung paano ngang si 1 Ped. 3:18.Cristo ay nagbata sa laman, ay magsandata rin naman kayo ng gayong pagiisip; sapagka’t siya Rom. 6:2,7.na nagbata sa laman ay nagpapatigil sa kasalanan;
2 Rom. 6:11,13.Upang huwag na kayong mangabuhay sa laman sa inyong nalalabing panahon sa Tit. 2:12.mga masamang pita ng mga tao, tal. 19.kundi sa kalooban ng Dios.
3 Sapagka’t sukat na ang nakaraang panahon Ef. 4:17,18,19.upang gawin ang hangad ng mga Gentil, at lumakad sa kalibugan, sa mga masamang pita, sa mga paglalasing, sa mga kalayawan, sa mga kayamuan, at sa kasuklamsuklam na Gal. 5:20.pagsamba sa mga diosdiosan:
4 Ikinahahanga nila ang bagay na ito na kayo’y hindi nakikitakbong kasama nila sa gayong pagpapakalabis ng kaguluhan, 1 Ped. 3:16.kung kaya’t kayo’y pinagsasalitaan ng masama:
5 Na sila’y magbibigay sulit sa kaniya na handang Gawa 10:42.humukom sa mga buhay at sa mga patay.
6 Sapagka’t dahil dito’y 1 Ped. 3:19.ipinangaral maging sa mga patay ang evangelio, upang sila, ayon sa mga tao sa laman ay mangahatulan, datapuwa’t mangabuhay sa espiritu ayon sa Dios.
7 Nguni’t Mat. 24:14;Rom. 13:11.ang wakas ng lahat ng mga bagay ay malapit na: Mat. 26:41;Luc. 21:36.kayo nga’y mangagpakahinahon, at mangagpuyat sa pananalangin:
8 Na una sa lahat ay Juan 13:34.maging maningas kayo sa inyong pagiibigan; Col. 3:14.sapagka’t ang Kaw. 10:12.pagibig ay nagtatakip ng karamihang kasalanan:
9 1 Tim. 3:2.Na mangagpatuluyan kayo ng walang bulongbulungan:
10 Na Rom. 12:6.ayon sa kaloob na tinanggap ng bawa’t isa, ay ipaglingkod sa inyo-inyo rin, na gaya ng mabubuting Luc. 12:42.katiwala ng masaganang biyaya ng Dios;
11 Na kung ang sinoma’y nagsasalita, ay gaya ng sa mga Rom. 3:2.aral ng Dios: Rom. 12:7.kung ang sinoman ay nangangasiwa, ay gaya ng sa kalakasang ibinibigay ng Dios: 1 Cor. 10:31.upang ang Dios ay papurihan sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ni Jesucristo, 1 Ped. 5:11.na sa kaniya ang kaluwalhatian at ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12 Mga minamahal, huwag kayong mangagtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok sa inyo, na dumarating sa inyo upang kayo’y 1 Ped. 1:9.subukin, na waring ang nangyayari sa inyo’y di karaniwang bagay:
13 Kundi kayo’y mangagalak, Gawa 5:41.sapagka’t 2 Cor. 1:5,7.kayo’y mga karamay sa mga hirap ni Cristo; 1 Ped. 1:5-7.upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian naman ay mangagalak kayo ng malabis na galak.
14 Kung kayo’y mapintasan Juan 15:21.dahil sa pangalan ni Cristo, ay mapapalad kayo; sapagka’t ang Espiritu ng kaluwalhatian at ang Espiritu ng Dios ay nagpapahingalay sa inyo.
15 Nguni’t huwag magbata ang sinoman sa inyo na gaya ng mamamatay-tao, o magnanakaw, o manggagawa ng masama, 2 Tes. 3:11.o gaya ng mapakialam sa mga bagay ng iba:
16 Nguni’t kung ang isang tao ay magbata na Gawa 11:26.gaya ng Cristiano, ay huwag mahiya; kundi luwalhatiin ang Dios sa pangalang ito.
17 Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa Heb. 10:21.bahay ng Dios: at Rom. 2:9.kung mauna sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi nagsisitalima sa evangelio ng Dios?
18 At kung ang matuwid Kaw. 11:31.ay bahagya ng makaliligtas, ang masama at ang makasalanan ay saan kaya magsisiharap?
19 Kaya’t Luc. 23:46.ipagkatiwala naman ng nangagbabata ayon sa tal.2.kalooban ng Dios ang kanilang mga kaluluwa sa paggawa ng mabuti sa tapat na Lumalang.