1 Sa Gawa 11:30.matatanda nga sa inyo’y umaaral ako, 2 Juan 1;3 Juan 1.akong matandang kasamahan ninyo, at isang Luc. 24:48.saksi ng mga hirap ni Cristo, na may bahagi naman sa kaluwalhatiang ihahayag:
2 Pangalagaan ninyo ang kawan Juan 21:16.ng Dios na nasa inyo, na magsigamit kayo ng pagpupuno, na hindi sapilitan, kundi may kasayahan, na ayon sa kalooban ng Dios; ni 1 Tim. 3:3,8;Tit. 1:7.hindi dahil sa mahalay na kapakinabangan, kundi sa handang pagiisip;
3 Ni hindi din naman ang gaya ng kayo’y Mat. 20:25.may pagkapanginoon sa Deut. 9:29.pinangangasiwaang ipinagtagubilin sa inyo, kundi kayo’y maging mga uliran ng kawan.
4 At Heb. 13:20.pagkahayag ng pangulong Pastor, ay magsisitanggap kayo 1 Ped. 1:4.ng di nasisirang putong ng kaluwalhatian.
5 Gayon din naman, kayong mga kabataan, ay magsisuko sa Gawa 11:30.matatanda. Oo, kayong Rom. 12:10.lahat ay mangagbigkis ng kapakumbabaan, na kayo-kayo’y Is. 4:2.maglingkuran: sapagka’t ang Kaw. 3:34.Dios ay sumasalangsang sa mga palalo, datapuwa’t nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.
6 Kaya’t kayo’y mangagpakababa Mat. 23:12;Sant. 4:10.sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Dios, upang kayo’y kaniyang itaas sa kapanahunan;
7 Na inyong ilagak sa kaniya Awit 37:5.ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagka’t kayo’y ipinagmamalasakit niya.
8 Kayo’y maging mapagpigil, kayo’y maging mapagpuyat; ang inyong kalaban Ef. 6:11.na diablo, na gaya ng leong umuungal, ay gumagala na humahanap ng masisila niya:
9 Na siya’y labanan ninyong matatag sa inyong pananampalataya, Gawa 14:22.yamang inyong nalalaman na ang mga gayong hirap ay nagaganap sa inyong mga kapatid na nangasa sanglibutan.
10 At ang Dios ng buong biyaya 1 Cor. 1:9.na sa inyo’y tumawag sa kaniyang walang hanggang kaluwalhatian kay Cristo, pagkatapos na kayo’y makapagbatang sangdaling panahon, ay siya rin ang magpapasakdal, magpapatibay, at magpapalakas Heb. 13:21.sa inyo.
11 Sumasakaniya nawa 1 Ped. 4:11.ang paghahari magpakailan man. Siya nawa.
12 Sa pamamagitan ni Gawa 15:34.Silvano, na tapat nating 2 Cor. 11:5.kapatid, ayon sa aking palagay sa kaniya, ay sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na Gawa 13:43.biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito.
13 Binabati kayo ng nasa Babilonia, na kasamang hinirang; at ni Gawa 12:12.Marcos na aking anak.
14 Mangagbatian kayo Rom. 16:16.ng halik ng pagibig. Ef. 6:3.Kapayapaan nawa ang sumainyong lahat na na kay Cristo.