Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Hari 11:1-13

Ang Dios sa kagalitan ay nagtayo ng kaaway. Si Rezon sa Soba.

1 Neh. 13:26.Ang haring Salomon nga ay sumisinta sa Deut. 17:17.maraming babaing taga ibang lupa na pati sa anak ni Faraon, mga babaing Moabita, Ammonita, Idumea, Sidonia, at Hethea;

2 Sa mga bansa na sinabi ng Panginoon sa mga anak ni Israel: Ex. 34:16.Kayo’y huwag makikihalo sa kanila o sila man ay makikihalo sa inyo: sapagka’t walang pagsalang kanilang ililigaw ang inyong puso sa pagsunod sa kanilang mga dios: nasabid si Salomon sa mga ito sa pagsinta.

3 At siya’y nagkaroon ng pitong daang asawa, na mga prinsesa, at tatlong daang babae: at iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso.

4 Sapagka’t nangyari, nang si Salomon ay matanda Jos. 23:12-13.na, iniligaw ng kaniyang mga asawa ang kaniyang puso sa ibang mga dios: at ang kaniyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na 1 Hari 9:4.gaya ng puso ni David na kaniyang ama.

5 Sapagka’t si Salomon ay sumunod kay tal. 33;Huk. 2:13;1 Sam. 7:3;12:10;31:10;2 Hari 23:13.Astaroth, diosa ng mga Sidonio, at kay tal.7; Lev. 18:21, Moloch.Milcom, na karumaldumal ng mga Ammonita.

6 At gumawa si Salomon ng masama sa paningin ng Panginoon, at hindi sumunod na lubos sa Panginoon, na gaya ng ginawa ni David na kaniyang ama.

7 Nang magkagayo’y ipinagtayo ni Salomon ng Blg. 33:52.mataas na dako si tal. 33;Blg. 21:29.Chemos na karumaldumal ng Moab, 2 Hari 23:13.sa bundok na nasa tapat ng Jerusalem, at si 2 Hari 23:10.Moloch na kasuklamsuklam ng mga anak ni Ammon.

8 At gayon ang ginawa niya sa lahat niyang asawang mga taga ibang lupa, na nagsunog ng mga kamangyan at naghain sa kanikanilang mga dios.

9 At ang Panginoo’y nagalit kay Salomon, dahil sa ang kaniyang puso ay humiwalay sa Panginoon, sa Dios ng Israel, na 1 Hari 3:5;9:2.napakita sa kaniyang makalawa,

10 At siyang nagutos 1 Hari 6:12;9:9.sa kaniya tungkol sa bagay na ito, na siya’y huwag sumunod sa ibang mga dios; nguni’t hindi niya iningatan ang iniutos ng Panginoon.

11 Kaya’t sinabi ng Panginoon kay Salomon, Yamang ito’y nagawa mo, at hindi mo iningatan ang aking tipan, at ang aking mga palatuntunan na aking iniutos sa iyo, walang pagsalang aking 1 Hari 12:15-16.aagawin ang kaharian sa iyo, at aking ibibigay sa iyong lingkod.

12 Gayon ma’y sa iyong mga kaarawan ay hindi ko gagawin alangalang kay David na iyong ama: kundi sa kamay ng iyong anak aking aagawin.

13 2 Sam. 7:15;Awit 89:33.Gayon ma’y hindi ko aagawin ang buong kaharian; kundi ibibigay ko ang tal. 32, 36;1 Hari 12:20.isang lipi sa iyong anak alangalang kay David na aking lingkod, at alangalang sa Jerusalem Deut. 12:5.na aking pinili.

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.