1 Nang magkagayo’y pinisan ni Salomon ang mga matanda ng Israel 2 Cron. 5:2-10.at ang lahat na pangulo sa mga lipi, ang mga Blg. 1:16.prinsipe sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel, sa haring Salomon sa Jerusalem, upang iahon ang kaban 2 Sam. 6:17.ng tipan ng Panginoon mula sa bayan ni David 2 Sam. 5:7,9;6:2,16.na siyang Sion.
2 At ang lahat na lalake sa Israel ay nagpisan kay haring Salomon Lev. 23:34;2 Cron. 7:8-10.sa kapistahan, sa buwan ng Ethanim, na siyang ikapitong buwan.
3 At ang lahat na matanda sa Israel ay naparoon, at Blg. 4:15;Jos. 3:3,6;2 Cron. 5:4,5.binuhat ng mga saserdote ang kaban.
4 At kanilang iniahon ang kaban ng Panginoon, at ang tabernakulo ng kapisanan, at ang lahat na banal na kasangkapan na nasa Tolda; iniahon nga ang mga ito ng mga saserdote at ng mga Levita.
5 At ang haring Salomon at ang buong kapulungan ng Israel na nangagpisan sa kaniya, ay mga kasama niya sa harap ng kaban, na naghahain ng mga tupa at mga baka, 2 Sam. 6:13.na di masasaysay o mabibilang man dahil sa karamihan.
6 At ipinasok ng mga saserdote ang kaban ng tipan ng Panginoon Ex. 26:33,34;1 Hari 6:19.sa karoroonan, 1 Hari 6:5.sa loob ng sanggunian ng bahay, sa kabanalbanalang dako, sa ilalim ng mga 1 Hari 6:27.pakpak ng mga querubin.
7 Sapagka’t nangakabuka ang mga pakpak ng mga querubin sa dako ng kaban, at ang mga querubin ay nagbibigay kanlong sa kaban at sa mga pingga niyaon sa ibabaw.
8 At ang mga pingga ay nangapakahaba, Ex. 25:14,15;Blg. 4:6.na ang mga dulo ng mga pingga ay nakikita mula sa 2 Cron. 5:9.dakong banal sa harap ng sanggunian; nguni’t hindi nangakikita sa labas: at nandoon hanggang sa araw na ito.
9 Ex. 25:21;40:20;Heb. 9:4.Walang anomang bagay sa kaban liban sa dalawang tapyas na bato na inilagay ni Moises doon sa Horeb, nang ang Panginoon ay makipagtipan sa mga anak ni Israel, Ex. 34:27;Deut. 4:13.nang sila’y lumabas sa lupain ng Egipto.
10 At nangyari, nang ang mga saserdote ay magsilabas sa dakong banal, na Ex. 40:34,35;2 Cron. 5:11-14.napuno ng ulap ang bahay ng Panginoon.
11 Na anopa’t ang mga saserdote ay hindi makatayo upang mangasiwa dahil sa ulap: sapagka’t napuno ng kaluwalhatian ng Panginoon ang bahay ng Panginoon.