Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Samuel 1:26-28

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

26 At sinabi niya, Gen. 42:15.Oh panginoon ko, alangalang sa buhay ng iyong kaluluwa, panginoon ko, ako ang babaing tumayo sa siping mo rito, na nanalangin sa Panginoon.

27 Dahil sa batang ito ako nanalangin; at ipinagkaloob sa akin ng Panginoon ang aking hiling na aking hiningi sa kaniya:

28 Kaya’t aking ipinagkakaloob naman sa Panginoon habang siya’y nabubuhay ay ipinagkakaloob ko siya sa Panginoon. At siya ay sumamba sa Panginoon doon.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    26 Sinabi ni Ana kay Eli, "Kung natatandaan nʼyo po, ako ang babaeng tumayo rito noon na nanalangin sa Panginoon. 27 Hiningi ko po ang batang ito sa Panginoon at ibinigay niya ang kahilingan ko. 28 Kaya ngayon, ihahandog ko po siya sa Panginoon. Maglilingkod po ang batang ito sa Panginoon sa buong buhay niya." Pagkatapos ay sumamba sila sa1:28 sila sa: O siya sa. Panginoon.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.