11 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya’y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, Awit 78:70,71.Ipasundo mo siya; sapagka’t hindi tayo uupo hanggang sa siya’y dumating dito.
12 At siya’y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga’y 1 Sam. 17:42.may mapulang pisngi, Gen. 39:6.may magandang bikas, at mabuting anyo. 1 Sam. 9:17.At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka’t ito nga.
13 Nang magkagayo’y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at Huk. 3:10.ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.