Ang awit na pagpapasalamat ni Ana.
1 At si Ana ay nanalangin, at nagsabi:
Hanggang tal.10;Luc. 1:46-53.Nagagalak ang aking puso sa Panginoon;
Awit 89:17,24.Ang aking sungay ay pinalaki ng Panginoon;
Binigyan ako ng bibig sa aking mga kaaway;
Sapagka’t ako’y Awit 9:14;13:5.nagagalak sa iyong pagliligtas.
2 Ex. 15:11.Walang banal na gaya ng Panginoon;
Deut. 4:35.Sapagka’t walang iba liban sa iyo,
Ni may Deut. 32:31.bato mang gaya ng aming Dios.
3 Huwag na kayong magsalita ng totoong Awit 94:4;Mal. 3:13;Jud. 15.kapalaluan;
Huwag mabuka ang kahambugan sa inyong bibig;
Sapagka’t ang Panginoon ay Dios ng kaalaman,
At sa pamamagitan niya’y sinusukat ang mga kilos.
4 Awit 37:15;46:9;76:3.Ang mga busog ng mga makapangyarihang tao ay nasisira;
At yaong nangatisod ay nabibigkisan ng kalakasan.
5 Yaong mga busog ay nagpaupa dahil sa tinapay;
At yaong mga gutom ay hindi na gutom:
Awit 113:9;Is. 54:1.Oo, ang baog ay nanganak ng pito;
Jer. 15:9.At yaong may maraming anak ay nanghihina.
6 Ang Panginoo’y pumapatay, at bumubuhay:
Siya ang nagbababa sa Sheol, at nagsasampa.
7 Ang Panginoo’y nagpapadukha at nagpapayaman:
Awit 75:7.Siya ang nagpapababa, at siya rin naman ang nagpapataas.
8 Awit 113:7,8.Kaniyang ibinabangon ang dukha mula sa alabok,
Kaniyang itinataas ang mapagkailangan mula sa dumihan,
Upang sila’y palukluking kasama ng mga prinsipe,
At magmana ng luklukan ng kaluwalhatian:
Awit 24:2;102:25;104:5.Sapagka’t ang mga haligi ng lupa ay sa Panginoon,
At kaniyang ipinatong ang sanglibutan sa kanila.
9 Awit 121:3.Kaniyang iingatan ang mga paa ng kaniyang mga banal;
Nguni’t ang masama ay patatahimikin sa mga kadiliman;
Sapagka’t sa pamamagitan ng kalakasan ay walang lalaking mananaig.
10 Yaong makipagkaalit sa Panginoon ay Awit 2:9.malalansag;
Laban sa kanila’y kukulog siya Awit 18:3.mula sa langit:
Awit 96:13.Ang Panginoon ang huhukom sa mga wakas ng lupa;
At bibigyan niya ng kalakasan ang kaniyang hari,
At Awit 89:24.palalakihin ang sungay ng kaniyang pinahiran ng langis.