Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Samuel 21:10-15

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

Si David ay tumago sa Gath na nagkunwaring ulol.

10 At tumindig si David, at tumakas nang araw na yaon dahil sa takot kay Saul, at naparoon kay Achis na hari sa Awit 56: titik;1 Sam. 17:4.Gath.

11 At sinabi ng mga lingkod ni Achis sa kaniya, Hindi ba ito’y si David na hari sa lupain? Hindi ba Huk. 21:21.pinagaawitanan siya sa mga sayaw, na sinasabi,

1 Sam. 18:7.Pinatay ni Saul ang kaniyang libolibo,

At ni David ang kaniyang laksalaksa?

12 At Luc. 2:19.iningatan ni David ang mga salitang ito sa kaniyang puso, at natakot na mainam kay Achis na hari sa Gath.

13 At kaniyang Awit 34: titik.binago ang kaniyang kilos sa harap nila at nagpakunwaring ulol sa kanilang mga kamay, at nagguhit sa mga pinto ng pintuang-daan, at pinatulo ang kaniyang laway sa kaniyang balbas.

14 Nang magkagayo’y sinabi ni Achis sa kaniyang mga lingkod, Narito, tingnan ninyo ang lalake ay ulol: bakit nga ninyo dinala siya sa akin?

15 Kulang ba ako ng mga ulol, na inyong dinala ang taong ito upang maglaro ng kaululan sa aking harapan? papasok ba ang taong ito sa aking bahay?

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    10 Nang araw na iyon, tumakas si David kay Saul, at pumunta kay Haring Aquis ng Gat. 11 Sinabi ng mga opisyal ng hari sa kanya, "Hindi baʼt ito si David ang naghahari sa lugar nila? Hindi baʼt siya ang pinararangalan ng mga kababaihan habang sumasayaw sila at umaawit ng,

    ‘Libo-libo ang napatay ni Saul,

    tig-sasampung libo naman ang kay David?’ "

    12 Inisip ni David ang sinabi nila, at natakot siya sa maaaring gawin sa kanya ni Haring Aquis ng Gat. 13 Kaya nagkunwari siyang baliw, at pinagkakalmot niya ang mga dingding ng lungsod at pinatulo ang laway niya sa kanyang balbas.

    14 Sinabi ni Aquis sa kanyang mga opisyal, "Tingnan nʼyo! Baliw ang taong ito! Bakit ninyo siya dinala sa akin? 15 Marami na ang baliw na gaya niya rito. Bakit nʼyo pa dinala sa pamamahay ko ang taong iyan para umasal nang ganyan sa aking harapan?"

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.