Ang kaban ay isinauli na may kasamang handog.
1 At ang kaban ng Panginoon ay napasa lupain ng mga Filisteo na pitong buwan.
2 At Ex. 7:11;Deut. 18:10;Dan. 2:2.tinawag ng mga Filisteo ang mga saserdote at ang mga manghuhula, na sinasabi, Anong aming gagawin sa kaban ng Panginoon? Ipatalastas ninyo sa amin kung aming ipadadala sa kaniyang dako.
3 At kanilang sinabi, Kung inyong ipadadala ang kaban ng Dios ng Israel, ay Ex. 23:15.huwag ninyong ipadalang walang laman; Lev. 5:15,16.kundi sa ano pa man ay inyong ibalik siya na may handog ng dahil sa pagkakasala: kung magkagayo’y gagaling kayo, at malalaman ninyo kung bakit ang kaniyang kamay ay hindi humiwalay sa inyo.