Ang kaban ay dinala sa Chiriath-jearim.
1 At ang mga lalake sa 1 Sam. 6:21.Chiriath-jearim ay nagsiparoon, at iniahon ang kaban ng Panginoon, at dinala sa bahay ni 2 Sam. 6:3.Abinadab sa burol, at pinapagbanal si Eleazar na kaniyang anak, upang ingatan ang kaban ng Panginoon.
2 At nangyari, mula nang araw na itahan ang kaban sa Chiriath-jearim, na ang panahon ay nagtatagal; sapagka’t naging dalawang pung taon; at ang buong sangbahayan ng Israel ay tumaghoy sa Panginoon.