Publicidade

1 Timóteo 2

1 Una-una nga sa lahat ng mga bagay, ay iniaaral ko na Ef. 6:18.manaing, manalangin, mamagitan, at magpasalamat na patungkol sa lahat ng mga tao;

2 Ang mga hari at Rom. 13:1.ang lahat ng nangasa mataas na kalagayan; upang tayo’y mangabuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.

3 Ito’y 1 Tim. 5:4.mabuti at nakalulugod sa paningin Luc. 1:47.ng Dios na ating Tagapagligtas;

4 Na siyang Juan 3:16,17;1 Tim. 4:10.may ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at 2 Tim. 3:7.mangakaalam ng katotohanan.

5 Sapagka’t may isang Dios at Rom. 3:30.may Gal. 3:19,20;Heb. 8:6;9:15;12:24.isang Tagapamagitan sa Dios at sa mga tao, ang taong si Cristo Jesus,

6 Na ibinigay Mat. 20:28;Ef. 1:7;Col. 1:14;Tit. 2:14.ang kaniyang sarili na pangtubos sa lahat; na pagpapatotoong mahahayagRom. 5:6;Ef. 1:10.sa sariling kapanahunan;

7 Na dito’y itinalaga ako na tagapangaral at 1 Cor. 9:1.apostol (sinasabi ko ang katotohanan, hindi ako nagsisinungaling), Gawa 9:15;13:2.guro sa mga Gentil sa pananampalataya at katotohanan.

8 Ibig ko ngang ang mga tao’y magsipanalangin Mal. 1:11;Juan 4:21.sa bawa’t dako, na iunat ang mga Awit 24:4.kamay na banal, na walang galit at pakikipagtalo.

9 Gayon din naman, na 1 Ped. 3:3;Tit. 2:3.ang mga babae ay magsigayak ng mahinhing damit na may katimtiman at hinahon; hindi ng mahalagang hiyas ng buhok, at ginto o perlas o damit na mahalaga;

10 Kundi 1 Ped. 3:4.(siyang nararapat sa mga babae na magpakabanal) sa pamamagitan ng mabubuting gawa.

11 Ang babae’y magaral na tumahimik na may buong pagkapasakop.

12 Nguni’t hindi ko ipinahihintulot na 1 Cor. 14:24.ang babae ay magturo, ni magkaroon ng pamumuno sa lalake, kundi tumahimik.

13 Sapagka’t si Adam ay siyang unang Gen. 1:27.nilalang, saka si Eva;

14 At si Adam ay hindi nadaya, kundi 2 Cor. 11:3.ang babae nang madaya ay nahulog sa pagsalangsang;

15 Nguni’t ililigtas siya sa pamamagitan ng panganganak, kung sila’y magsisipamalagi sa pananampalataya at pagibig at sa pagpapakabanal na may hinahon.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-