Publicidade

1 Timóteo 6

1 Ang lahat ng mga alipin Ef. 6:5.na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang 1 Tim. 5:14.ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag Sant. 2:7.malapastangan.

2 At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka’t sila’y pawang 1 Tim. 4:6;Flm. 16.magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka’t nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.

3 Kung ang sinoma’y nagtuturo ng ibang aral, at 1 Tim. 1:10.hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, Tit. 1:1.at sa aral na ayon sa kabanalan;

4 Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, 1 Tim. 1:4.kundi may-sakit sa mga usapan at 2 Tim. 2:14.mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga Ef. 4:31.pagalipusta, mga masasamang akala.

5 Pagtataltalan ng mga taong Tit. 1:15.masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.

6 Datapuwa’t ang kabanalan na Fil. 4:11;Heb. 13:5.may kasiyahan ay 1 Tim. 4:8.malaking kapakinabangan:

7 Sapagka’t Job 1:21.wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;

8 Nguni’t kung tayo’y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.

9 Datapuwa’t Mat. 13:22;19:23.ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, 1 Tim. 1:19.na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.

10 Sapagka’t 2 Tim. 3:2.ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

11 Datapuwa’t ikaw, 2 Tim. 3:17.Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.

12 Makipagbaka ka 2 Tim. 4:7.ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, tal. 19;Fil. 3:12.manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito’y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.

13 1 Tim. 1:18.Ipinagbibilin ko sa iyo 1 Tim. 5:21.sa paningin ng Dios Juan 5:21.na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, Juan 18:37;Apoc. 1:6;3:14.na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;

14 Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan Fil. 1:6,10.hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:

15 Na 1 Tim. 2:6.sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, 1 Tim. 1:11.na mapalad at tanging Makapangyarihan Apoc. 17:14.Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;

16 1 Tim. 1:17.Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng Juan 1:18.sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.

17 Ang mayayaman sa sanglibutang 2 Tim. 4:10.ito, ay pagbilinan mo na Rom. 11:20.huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;

18 Na sila’y magsigawa ng mabuti, na sila’y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila’y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;

19 Mat. 19:21.Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang tal. 12.sila’y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.

20 Oh Timoteo, 2 Tim. 1:12,14.ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, 2 Tim. 2:16.na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at Tit. 1:14.ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;

21 Na palibhasa’y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.

Veja também

Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-