Publicidade

1 Tessalonicenses 4

1 Katapustapusan nga, mga kapatid, kayo’y aming pinamamanhikan at inaaralan sa Panginoong Jesus, Fil. 4:9;Col. 2:6.na, ayon sa tinanggap ninyo sa amin, na kung paanong kayo’y dapat magsilakad at mangagbigay lugod sa Dios, 1 Tes. 3:12.na gaya ng inyong paglakad,upang kayo’y magsipanagana ng higit at higit.

2 Sapagka’t talastas ninyo kung anong mga tagubilin ang ibinigay namin sa inyo sa pamamagitan ng Panginoong Jesus.

3 Sapagka’t ito Rom. 12:2;Ef. 5:17.ang kalooban ng Dios, sa makatuwid baga’y ang inyong tal. 4, 7;Rom. 6:19,22.pagpapakabanal, 1 Cor. 6:18;Ef. 5:3.na kayo’y magsiilag sa pakikiapid;

4 Na ang bawa’t isa sa inyo’y makaalam na maging mapagpigil sa 1 Ped. 3:7.kaniyang sariling katawan sa pagpapakabanal at kapurihan,

5 Hindi sa pita Col. 3:5.ng kahalayan, na Ef. 4:17,18.gaya ng mga Gentil na hindi nangakakakilala sa Dios;

6 Na sinoma’y huwag lumapastangan at magdaya 1 Cor. 15:51.sa kaniyang kapatid sa bagay na ito: sapagka’t ang Panginoon ay mapaghiganti sa lahat ng mga bagay na ito, na gaya naman ng aming ipinatalastas nang una na sa inyo at pinatotohanan.

7 Sapagka’t tayo’y tinawag ng Dios hindi Jud. 9.sa ikarurumi, kundi sa pagpapakabanal.

8 Kaya’t ang nagtatakuwil, hindi ang tao ang itinatakuwil, kundi ang Dios, 1 Juan 3:24.na nagbibigay sa inyo ng kaniyang Espiritu Santo.

9 Datapuwa’t tungkol sa Heb. 13:1.pagiibigang kapatid ay 1 Tes. 5:1.hindi ninyo kailangan na kayo’y sulatan ng sinoman: sapagka’t kayo rin ay tinuruan ng Dios na Juan 13:34.mangagibigan kayo sa isa’t isa;

10 Sapagka’t katotohanang 1 Tes. 1:7.ginagawa ninyo ang gayon sa lahat ng kapatid na nangasa buong Macedonia. Nguni’t aming iniaaral sa inyo, mga kapatid, na kayo’y lalo’t lalong magsipanagana.

11 At pagaralan ninyong maging 2 Tes. 3:12.matahimik, at 2 Tes. 3:11;1 Ped. 4:15.gawin ang inyong sariling gawain, at Ef. 4:28;1 Tes. 2:9.kayo’y mangagpagal ng inyong sariling mga kamay, na gaya ng aming ipinagbilin sa inyo;

12 Upang kayo’y magsilakad ng nararapat Mar. 4:11.sa nangasa labas, at huwag kayong maging mapagkailangan.

13 Nguni’t hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, Ef. 2:12.na walang pagasa.

14 Sapagka’t kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon 1 Cor. 15:18;1 Tes. 3:13.din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na 2 Cor. 7:11.tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka’t Mat. 16:27.ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng 1 Cor. 15:52.arkanghel, at may 1 Tes. 2:3.pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay 1 Cor. 15:23.unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila Gawa 1:9;Apoc. 11:12.sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y Juan 12:26.sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.

Veja também

1 Tessalonicenses
Ver todos os capítulos de 1 Tessalonicenses
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_19-25-13-