Pular para o conteúdo
Publicidade

1 Mga Taga Tesalonica 4:13-18

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

13 Nguni’t hindi namin ibig na kayo’y di makaalam, mga kapatid, tungkol sa nangatutulog; upang kayo’y huwag mangalumbay, na gaya ng mga iba, Ef. 2:12.na walang pagasa.

14 Sapagka’t kung tayo’y nagsisisampalatayang si Jesus ay namatay at nabuhay na maguli, ay gayon 1 Cor. 15:18;1 Tes. 3:13.din naman ang nangatutulog kay Jesus ay dadalhin ng Dios na kasama niya.

15 Sapagka’t ito’y sinasabi namin sa inyo sa salita ng Panginoon, na 2 Cor. 7:11.tayong nangabubuhay, na nangatitira hanggang sa pagparito ng Panginoon, ay hindi tayo mangauuna sa anomang paraan sa nangatutulog.

16 Sapagka’t Mat. 16:27.ang Panginoon din ang bababang mula sa langit, na may isang sigaw, may tinig ng 1 Cor. 15:52.arkanghel, at may 1 Tes. 2:3.pakakak ng Dios: at ang nangamatay kay Cristo ay 1 Cor. 15:23.unang mangabubuhay na maguli;

17 Kung magkagayon, tayong nangabubuhay, na nangatitira, ay aagawing kasama nila Gawa 1:9;Apoc. 11:12.sa mga alapaap, upang salubungin ang Panginoon sa hangin: at sa ganito’y Juan 12:26.sasa Panginoon tayo magpakailan man.

18 Kaya’t mangagaliwan kayo sa isa’t isa ng mga salitang ito.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    13 Mga kapatid, gusto naming malaman ninyo kung ano ang mangyayari sa mga namatay na, nang sa gayoʼy hindi kayo magdalamhati gaya ng iba na walang pag-asa. 14 Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman nakakatiyak tayo na muling bubuhayin ng Diyos ang mga namatay na sumasampalataya kay Hesus at isasama niya sila kay Hesus sa kanyang pagbabalik. 15 Sinasabi namin sa inyo ang mismong turo ng Panginoon: Tayong mga buháy pa pagbalik ng Panginoon ay hindi mauuna sa mga namatay na. 16 Sapagkat sa araw na iyon, maririnig ang pagtawag ng punong anghel at ang pagtunog ng trumpeta ng Diyos, at ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw na utos. Ang mga namatay na sumasampalataya kay Kristo ang unang bubuhayin; 17 pagkatapos, ang mga buháy pa sa atin sa araw na iyon ay kasama nilang dadalhin sa mga ulap upang salubungin ang Panginoon sa himpapawid. At makakasama na natin ang Panginoon magpakailanman. 18 Kaya pasiglahin ninyo ang isaʼt isa sa pamamagitan ng mga aral na ito.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.

1 Tessalonicenses
Ver todos os capítulos de 1 Tessalonicenses