Publicidade

1 Tessalonicenses 5

1 Datapuwa’t tungkol sa Gawa 1:7.mga kapanahunan at mga bahagi ng panahon, mga kapatid, 1 Tes. 4:9.hindi ninyo kailangan na isulat ko pa sa inyo ang anoman.

2 Sapagka’t kayo rin ang mga lubos na nangakakaalam, na ang pagdating Mat. 24:43.ng kaarawan ng Panginoon ay Luc. 17:24.gaya ng magnanakaw sa gabi.

3 Pagka sinasabi ng mga tao, Kapayapaan at katiwasayan, kung magkagayo’y Luc. 21:34.darating sa kanila ang biglang pagkawasak, na gaya ng pagdaramdam, sa panganganak ng babaing nagdadalang-tao; at sila’y hindi mangakatatanan sa anomang paraan.

4 Nguni’t kayo, Rom. 13:12,13.mga kapatid, ay wala sa kadiliman, upang sa araw na yaon ay masubukan kayong gaya ng magnanakaw:

5 Sapagka’t kayong lahat Luc. 16:8.ay pawang mga anak ng kaliwanagan, at mga anak ng araw: tayo’y hindi ng gabi, ni ng kadiliman man;

6 Mat. 25:5;Rom. 13:11.Huwag nga tayong mangatulog, gaya ng mga iba, kundi 1 Ped. 5:8.tayo’y mangagpuyat at mangagpigil.

7 Sapagka’t ang nangatutulog ay nangatutulog sa gabi; Rom. 13:13;Ef. 5:18.at ang nangaglalasing ay nangaglalasing sa gabi.

8 Datapuwa’t palibhasa’y mga anak tayo ng araw, mangagpigil tayo, Is. 59:17;Ef. 6:14,16,17.na isuot ang baluti ng pananampalataya at ng pagibig; at ang maging turbante ay ang pagasa ng kaligtasan.

9 Sapagka’t tayo’y Rom. 5:9;9:22;1 Tes. 2:16.hindi itinalaga ng Dios sa galit, kundi sa pagtatamo ng pagkaligtas sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesucristo,

10 Na Rom. 14:9.namatay dahil sa atin, upang tayo, sa gising o tulog man, ay mangabuhay tayong kasama niya.

11 Dahil dito 1 Tes. 5:11.kayo’y mangagpangaralan, at mangagpatibayan sa isa’t isa sa inyo, gaya ng inyong ginagawa.

12 Datapuwa’t ipinamamanhik namin sa inyo, mga kapatid, 1 Cor. 16:18.na inyong kilalanin ang nangagpapagal sa inyo, at 1 Tim. 5:17.nangamumuno sa inyo sa Panginoon, at nangagpapaalaala sa inyo;

13 At inyong lubos na pakamahalin sila sa pagibig, dahil sa kanilang gawa. Mar. 9:50.Magkaroon kayo-kayo ng kapayapaan.

14 At aming ipinamamanhik sa inyo, mga kapatid, na inyong paalalahanan ang mga manggugulo, palakasin ang mga mahihinang-loob, Rom. 15:1;Gal. 6:1,2.alalayan ang mga mahihina, 1 Cor. 13:4;Gal. 5:22.at maging mapagpahinuhod kayo sa lahat.

15 Mat. 5:39.Tingnan nga ninyo na huwag gumanti ang sinoman ng masama sa masama; nguni’t sundin ninyong lagi ang mabuti, ang isa’y sa iba, at sa lahat.

16 Rom. 12:12;Fil. 3:1.Mangagalak kayong lagi;

17 Magsipanalangin kayong Luc. 18:1.walang patid;

18 Sa lahat ng mga bagay ay Ef. 5:20;Col. 4:2.magpasalamat kayo; sapagka’t ito 1 Tes. 4:3.ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.

19 Huwag ninyong patayin Ef. 4:30;2 Tim. 1:6.ang ningas ng Espiritu;

20 Huwag ninyong hamakin 1 Cor. 14:1,39.ang mga panghuhula;

21 Subukin ninyo ang 1 Juan 4:1.lahat ng mga bagay, ingatan ninyo ang mabuti;

22 Layuan ninyo ang 1 Tes. 4:12.bawa’t anyo ng masama.

23 At pakabanalin 1 Tes. 3:13.kayong lubos ng Dios din ng kapayapaan; at ang inyong Heb. 4:12.espiritu at kaluluwa at katawan ay ingatang buo, na walang kapintasan 1 Tes. 2:19.sa pagparito ng ating Panginoong Jesucristo.

24 Deut. 7:9.Tapat yaong sa inyo’y tumatawag, na gagawa rin naman nito.

25 Mga kapatid, 2 Tes. 3:1.idalangin ninyo kami.

26 Batiin ninyo ang lahat ng mga kapatid ng Rom. 16:16.banal na halik.

27 Idinadaing ko sa inyo alangalang sa Panginoon na basahin sa lahat ng mga kapatid Col. 4:16.ang sulat na ito.

28 Ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawa.

Veja também

1 Tessalonicenses
Ver todos os capítulos de 1 Tessalonicenses
Bíblia Online Bíblia Online

Bíblia Online • Versão: 2026-07-05_12-11-46-