Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Coríntios 1

3 Purihin nawa ang Dios Ef. 1:3.at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, ang Ama ng mga kaawaan at Dios ng buong kaaliwan;

4 Na siyang umaaliw sa atin sa lahat ng kapighatian, upang ating maaliw ang nangasa anomang kapighatian, sa pamamagitan ng pagaliw na inialiw din sa atin ng Dios.

5 Sapagka’t kung paanong sumasagana sa atin 2 Cor. 4:10;Gal. 6:17;Fil. 3:10;Col. 1:24.ang mga sakit ni Cristo, ay gayon din naman ang aming kaaliwan ay sumasagana sa pamamagitan ni Cristo.

6 Datapuwa’t maging kami man ay mapighati, 2 Tim. 2:10.ay para sa inyong kaaliwan at kaligtasan; o maging kami man ay maaliw ay para sa inyong kaaliwan, na siyang gumagawa sa pagdadalitang may pagtitiis ng mga gayon ding pagbabata na amin namang binabata:

7 At ang aming pagasa tungkol sa inyo ay matibay; yamang nalalaman na Rom. 8:17.kung paanong kayo’y mga karamay sa mga sakit, ay gayon din naman kayo sa kaaliwan.

Veja também