Pular para o conteúdo
Publicidade

2 Mga Taga Corinto 11:23-28

ABTAG Ang Biblia 1905 (Ang Dating Biblia)

23 Sila baga’y mga 2 Cor. 3:6.ministro ni Cristo? (ako’y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; 2 Cor. 6:5.sa pagpapagal ako’y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, Gawa 16:23.sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.

24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.

25 Makaitlong ako’y hinampas ng mga panghampas, Gawa 14:19.minsan ako’y binato, makaitlong ako’y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako’y nasa kalaliman ng dagat;

26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga Gawa 13:50;14:5;17:5.kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga Gawa 14:5;19:23.kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban Gawa 21:31.sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga Gal. 2:4.bulaang kapatid;

27 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.

28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang Gawa 20:18;Rom. 1:14.kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.

Em outras traduções

  1. OASD Ang Salita ng Diyos

    23 Sila baʼy mga lingkod ni Kristo? Alam kong para na akong baliw sa sinasabi ko, ngunit bilang lingkod rin ni Kristo, mas higit pa ako kaysa sa kanila! Mas higit akong nagpakahirap; mas maraming beses akong nakulong, nahagupit ng mas malala pa, at paulit-ulit na nalagay sa bingit ng kamatayan. 24 Limang beses akong tumanggap ng tatlumpuʼt siyam na hagupit sa kapwa ko mga Hudyo. 25 Tatlong beses akong pinaghahampas ng mga pamalo; isang beses na pinagbabato. Tatlong beses kong naranasang lumubog ang sinasakyang barko, at minsaʼy nagpalutang-lutang ako sa dagat ng isang araw at gabi. 26 Madalas akong maglakbay, at parating nalalagay sa mga panganib: sa pagtawid sa mga ilog, sa mga tulisan, sa kapwa ko mga Hudyo, sa mga Hentil, sa mga lungsod, sa mga ilang, sa dagat, at sa mga taong nagpapanggap na mga kapatid.

    27 Naranasan ko rin ang sobrang hirap at pagod, at kawalan ng tulog. Naranasan ko ang magutom, mauhaw, kadalasaʼy walang makain, at naranasan kong ginawin dahil sa kakulangan ng maisusuot. 28 Maliban sa iba pang mga karanasan na hindi ko nabanggit, inaalala ko pa araw-araw ang kalagayan ng lahat na iglesya.

Direitos das traduções citadas

Estes versículos te tocaram? Ore agora!

+581 estão orando agora.

Junte-se à corrente de oração.