23 Sila baga’y mga 2 Cor. 3:6.ministro ni Cristo? (ako’y nangungusap na waring nasisira ang bait) lalo pa ako; 2 Cor. 6:5.sa pagpapagal ako’y lubhang sagana, sa mga bilangguan ay lubhang madalas, Gawa 16:23.sa mga palo ay walang bilang, sa mga ikamamatay ay malimit.
24 Sa mga Judio ay makalimang tumanggap ako ng tigaapat na pung palo, kulang ng isa.
25 Makaitlong ako’y hinampas ng mga panghampas, Gawa 14:19.minsan ako’y binato, makaitlong ako’y nabagbag, isang araw at isang gabi na ako’y nasa kalaliman ng dagat;
26 Sa mga paglalakbay ay madalas, sa mga kapanganiban sa mga ilog, sa mga kapanganiban sa mga tulisan, sa mga Gawa 13:50;14:5;17:5.kapanganiban sa aking mga kababayan, sa mga Gawa 14:5;19:23.kapanganiban sa mga Gentil, sa mga kapanganiban Gawa 21:31.sa bayan, sa mga kapanganiban sa mga ilang, sa mga kapanganiban sa dagat, sa mga kapanganiban sa gitna ng mga Gal. 2:4.bulaang kapatid;
27 Sa pagpapagal at sa pagdaramdam, sa mga pagpupuyat ay madalas, sa gutom at uhaw, mga pagaayuno ay madalas, sa ginaw at kahubaran.
28 Bukod sa mga bagay na yaon, ay may umiinis sa akin sa araw-araw, ang Gawa 20:18;Rom. 1:14.kabalisahan dahil sa lahat ng mga iglesia.
29 Sino ang nanghina, 1 Cor. 9:22.at ako’y hindi nanghina? Sino ang napapatisod, at ako’y di nagdaramdam?
30 Kung kinakailangang ako’y magmapuri, 2 Cor. 12:5,9,10.ako’y magmamapuri sa mga bagay na nauukol sa aking kahinaan.