7 At nang ako’y huwag magpalalo ng labis dahil sa kadakilaan ng mga pahayag, ay binigyan ako ng isang 2 Cor. 10:10.tinik sa laman, ng isang sugo ni Satanas, upang ako’y tampalin, nang ako’y huwag magpalalo ng labis.
8 Tungkol dito’y makaitlo akong nanalangin sa Panginoon, upang ilayo ito sa akin.
9 At siya’y nagsabi sa akin, Ang aking biyaya ay sapat na sa iyo: sapagka’t ang Fil. 4:13.aking kapangyarihan ay nagiging sakdal sa kahinaan. Kaya’t bagkus akong magmamapuri na may malaking galak sa aking kahinaan upang manahan nawa sa akin ang kapangyarihan ni Cristo.