1 Datapuwa’t ito’y ipinasiya ko sa aking sarili, na 2 Cor. 1:23.hindi na ako muling paririyan sa inyo na may kalumbayan.
2 2 Cor. 7:8.Sapagka’t kung kayo’y palulumbayin ko, sino nga ang sa akin ay magpapagalak, kundi yaong pinalulumbay ko?
3 At aking isinulat ang bagay ring ito, upang pagdating ko ay 2 Cor. 12:21.huwag akong magkaroon ng kalumbayan doon sa mga nararapat kong ikagalak; sa pagkakatiwala sa inyong lahat, na ang aking kagalakan ay kagalakan ninyong lahat.
4 Sapagka’t sa malaking kapighatian at hapis ng puso ay sinulatan ko kayo na may maraming luha; 2 Cor. 7:8,9,12.hindi upang kayo’y palumbayin, kundi upang inyong makilala ang pagibig kong napakasagana sa inyo.
5 Datapuwa’t 1 Cor. 5:1,2.kung ang sinoman ay nakapagpalumbay, hindi ako ang pinalumbay niya, kundi sa isang paraan ay kayong lahat (upang huwag kong higpitang totoo).
6 Sukat na sa gayon ang kaparusahang ito na ipinarusa1 Cor. 5:4,5.ng marami;
7 Gal. 6:1.Upang bagkus ninyong patawarin siya at aliwin siya, baka sa anomang paraan ay madaig ang gayon ng kaniyang malabis na kalumbayan.
8 Dahil dito’y ipinamamanhik ko sa inyo na papagtibayin ninyo ang pagibig sa kaniya.
9 Sapagka’t dahil din sa bagay na ito ay sumulat ako, upang aking makilala ang katunayan tungkol sa inyo, kung kayo’y mga 2 Cor. 7:15;10:6.matalimahin sa lahat ng mga bagay.
10 Datapuwa’t ang 1 Cor. 5:4.inyong pinatatawad ng anoman ay pinatatawad ko rin naman: sapagka’t ang aking ipinatawad naman, kung ako’y nagpapatawad ng anoman, ay dahil sa inyo, sa harapan ni Cristo;
11 Upang huwag kaming malamangan ni 1 Cor. 5:5.Satanas: sapagka’t kami ay 1 Ped. 5:8.hindi hangal sa kaniyang mga lalang.
12 Nang ako’y Gawa 16:8.dumating nga sa Troas dahil sa evangelio ni Cristo, at nang mabuksan sa akin ang isang Gawa 14:27.pinto sa Panginoon,
13 Ay hindi ako nagkaroon ng 2 Cor. 7:6,13,14;12:18;Tit. 1:4.katiwasayan sa aking espiritu, sapagka’t hindi ko nasumpungan si Tito na kapatid ko: datapuwa’t pagkapagpaalam ko sa kanila, Gawa 16:12;2 Cor. 7:5.ako’y napasa Macedonia.
14 Datapuwa’t salamat sa Dios, na laging Rom. 8:37.pinapagtatagumpay tayo kay Cristo, at sa pamamagitan natin ay ipinahahayag Ef. 5:2.ang samyo ng pagkakilala sa kaniya sa bawa’t dako.
15 Sapagka’t 1 Cor. 1:18.sa mga inililigtas, at 2 Tes. 2:10.sa mga napapahamak ay masarap tayong samyo ni Cristo sa Dios;
16 Sa isa ay samyo 1 Ped. 2:7,8.mula sa kamatayan sa ikamamatay; at sa iba ay samyong mula sa kabuhayan sa ikabubuhay. At sino ang sapat 2 Cor. 3:5,6.sa mga bagay na ito?
17 Sapagka’t hindi kami gaya ng karamihan na kinakalakal ang salita ng Dios: kundi sa 1 Cor. 5:8.pagtatapat, at gaya ng mula sa Dios, sa harapan ng Dios ay nagsasalita kami para kay Cristo.